MISUNDERSTOOD
"I'm sorry about what happened." I said nang makasakay kami ng sasakyan.
"It's okay." he said, duh! Kelan ba natin sinasabing hindi tayo okay? Of course he'll said it's okay.
Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung alam kong may malungkot na tao or galit nang dahil sa'kin, konsensya ko yun oy!
"I know it's my fault why Pau keep bugging on us." sabi ko at tumungo na lang.
"Pero nag-enjoy ka ba kanina?"
"Oo naman!" sagot ko na nagpatunghay sa'kin.
I saw a smile plastered on his face. After that, nakadating na din kami sa drop-off, dun sa seven eleven kanina na nakita kong may kasama si Archer na babae! Nagbago tuloy ang mood ko.
"Thank you, sir." sabi ni Archer sa grab driver nang bumaba kami.
"Sino yung babae mo kanina?" I asked out of the blue. Kaya napatigil kami dun sa harap mismo nung ugh!
Weh? Out of the blue? Kahit kanina ko pang iniisip? Weh talaga?
"Babae?" he innocently repeated.
"Oo, the one you're with when you're exactly here!" I also pointed out the glass door na nasa likuran niya.
"Wala."
"Anong wala? I saw you guys had an eye contact nung pinagbuksan mo siya ng pinto-" tumigil ako nang makitang nakangisi na siya.
What's funny ha?
"Parang tanga kausap..." at tinalikuran ko na siya.
Isipin mo yun I'm ranting here tapos tatawanan lang ako, amp! I heard him calling my name pero sumakay na ako ng kotse namin nang makita ko si Mang Tommy leaning to it.
"Mang Tommy, tara na po." agad siyang napabalikwas at pumasok na sa loob para magmaneho.
"Ma'am san po kayo nanggaling?" tanong ni Mang Tommy nang ma-stuck kami sa traffic.
"'Di ko po kayo nakitang lumabas ng school, tapos nabigla na lang po ako nang nasa likuran ko na po kayo." sabay kamot pa ng ulo, obviously nalilito.
Wala akong ganang i-kwento ang lahat sa kanya, at wala rin naman akong ganang magsinungaling pa.
"Sa labas lang po, half-day lang po kami ngayon."
Tumango na lang siya dahil umusad na din ang traffic.
When I got home, wala namang tao sa bahay kaya ipinagkibit-balikat ko nalang. Bago ako umakyat sa kwarto ay nagsabi ako kay Ate Daisy na dalhin na lang ang dinner sa taas. I've decided to take a nap for an hour, pero nagising ako sa katok for dinner, and it's already 7!
Hala scam.
Nang matapos akong mag-dinner ay nag toothbrush na ako, nag half bath at nag-skincare, most of the products that I'm using is from face republic at lahat yon ay madaling ilagay. I've decided to wear a collagen mask, kase hindi rin naman ako kaagad makakatulog dahil ...kagigising ko lang? Hahaha.
Hindi ganon katatag ang patience ko kaya nag phone nalang muna ako habang iniintay ang 15 minutes. Napabuntong-hininga ako nang may text pala si Archie sa akin.
Archie:
Sorry,
Archie:
For the record, wala akong babae.
Adi:
Let's talk nalang tomorrow, pagod na ako.
BINABASA MO ANG
Leaves on Fall
Cerita PendekShe thought giving him a letter was enough, she thought writing those phrases would be noticeable, but it's never been noticed. Maybe it's the consequence of the second chance she asked for.. maybe. Who would face the consequences? Will Adievina fac...
