Chapter3: Terminal

14 0 0
                                    

Zoe's POV

"Gooooooodmorning Sunshine!!!!!" Malakas kong sigaw habang binubuksan ko yung bintana sa kwarto ko.

Nakita ko si Yadi na nagdidilig ng halaman. Ritwal na niya ata yun tuwing umaga.

"Goodmorning Yadi!" Sigaw ko. Napatingala naman si Yadi sakin.

"Jusko bata ka. Ang lakas ng energy mo ah. Goodmorning din." nakangiti niyang sabi sakin.

"Wala lang Ya. Inspired eh. Si kuya po pala?"

"Kanina pa umalis. Maaga daw meeting nila. Di ka niya masasabay." Si kuya talaga oh. Masyadong busy sa work.

Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ko. Nakakagutom. Amoy na amoy ko yung niluto ni Yadi. Bacon and hotdog. Hmmmm. Paborito ko. Umupo na ko at nagsimulang kumain.

Grace....

Siya pa lang talaga ang tumawag sakin ng second name ko. Eeeeehhh.... nakakakilig mahmen! It gives me chills.

Nang matapos na ko. Nagpaalam na ko kay Yadi. Di na naman ako makakasabay kay Kuya Rex. Sasakay na naman ako sa may terminal. Mag taxi na lang ako para mabilis kesa mag antay ng Fx.

Pumara na ko ng tricycle para magpahatid sa may terminal ng taxi.

Pasakay na ko ng may sumigaw sa likod ko.

"Kuya saglit lang!!!" Pamilyar yung boses.

"Sabay na ko Grace hah. Share na tayo sa pamasahe." Hinihingal niyang sabi. Mukhang tumakbo ata siya.

"A-ahh. Ow sure. Mukhang nagmamadali ka ah."

"Oo eh. Malelate na ko." Inayos na niya ang sarili niya sa pagkaka upo. Narinig ko na ding pinaandar ni manong yung engine.

"St. Lucia University ho." Narinig kong sabi niya. Umayos na din ako ng pagkaka upo at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakapikit siya. Mukhang naka idlip ata. Di ko mapigilan ang sarili kong di siya tingnan.

Pumihit ako ng konti para makita siya. Tulog nga talaga siya. Ang tangos ng ilong niya... yung jaw line niya.. Grabe! Ang macho ng dating. Parang kay superman. Tapos yung pilikmata niya ang haba. Gosh! Yung labi niya ang kipot tas ang pinkish pa.

Nakakainggit naman tong lalaking to. Ang gwapo talaga. Saglit ko muna siyang tinitigan. Maya maya pa gumalaw na siya. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin ulit sa labas ng bintana. Kinabahan ako dun ah... baka mamaya isipin niya pinagpapantasyahan ko siya.

Hindi nga ba Zoe? E halos tumulo na laway mo sa kakatitig eh.

Sorry naman noh! Kung ganito ka gwapo ang kaharap mo at halos close to superman na eh. Di ka pa ba maglalaway.

"Sorry hah. Mukhang naka idlip ata ako." Tumingin ako sa kanya.

"Ah. Wala yun." Nakangiti kong sabi.

Maganda nga yun eh para mapag pantasyahan kita...

Malapit na kami kaya sinabit ko na yung bag ko sa balikat ko. At ganun din yung ginawa niya.

"Manong magkano ho?" Tanong niya dun sa driver. Kinuha niya yung wallet niya dun sa back pocket ng slacks niya.

"200 iho." Sabi nung driver.

"Ahh eh eto oh. Share ko." Sabi ko sa kanya. Binigay ko yung 100. Nakita kong may picture ng babae sa wallet niya habang kumukuha siya ng 100.

Sino kaya yun?

Di ko masyadong nakita kasi sinara niya agad. Ex niya kaya yun? Pero sabi sakin ni Nina wala siyang naging girlfriend. Kaya nga NGSB siya.

"Eto ho manong." Abot niya dun sa dalawang isang daan.

Pinihit ko na yung pinto para makalabas at ganun din yung ginawa niya.

"Grace, una na ko hah. Late na eh. Bye!" Sabi niya. Di na ko nakasagot tumakbo na kasi siya. Mukha ngang late na siya.

Naglakad na din ako papasok. Medyo maaga pa naman ako. Kaya tumungo muna ko sa desk ko.

"Hoy Zoe, taray mo hah. Kasabay mo daw si Sean ah. At take note sa isang taxi lang kayo." Si Nina yan. Napatingala na ko. Ayt... sino naman kaya nagsabi nun.

"Oo. Magkasabay kami. Sa village din kasi siya nakatira." Sabi ko. Nangunot naman yun noo niya.

"Taray talaga!! Usap usapan eh. Narinig ko lang." Nakangisi niyang sabi.

"Mga tsismosa talaga." Walang gana kong sabi.

"Upo na me hah. Nako girl, swerte mo kasi masungit kaya yan si Sean sa ibang babae. Pero ikaw nakakasabay mo pa. Ikaw na talaga ateng!" Tsss. Masungit? Si Sean? Parang di naman eh.

"Baka he's being nice lang sakin kasi nabunggo niya ko." Baka bumabawi lang.

"Ey whatever. You know, you look good together." Nakangiting sabi ni Nina.

We look good together? As if naman noh. Ang simple ko lang kaya tapos si Sean Mr.Pogi.

"Psshhh..." Yun na lang nasabi ko.

Uwian na kaya pumara na kong tricycle papuntang terminal ng taxi. Medyo looban kasi tong University eh. Nalalakad naman hanggang terminal kaya lang tinatamad ako. Hehehe.

Pagbaba ko nakita ko agad si Sean. Nakaupo siya dun sa bench. Mukhang may inaantay.

"Uy, di ka pa uuwi?" Bati ko sa kanya. Malalim ata iniisip niya kasi di niya ko agad nakitang dumating.

"Ah. Inaantay kasi kita." Sabi niya.

Inaantay niya ko? Kyaaaah!

Di ko alam kung kikiligin ako. I try to composed myself para di niya mahalata na nag bublush na ko.

"Bakit?"

"Para may kasabay ako. Don't worry ako na magbabayad ng pamasahe." Nakangiti niyang sabi.

"A-ah eh... wag na. Nakakahiya sayo." Ngimi kong sabi.

"I insist." Seryoso niyang sabi. Di na ko nagsalita ulit. Pumasok na ko sa loob ng taxi. Ganun din ang ginawa niya.

Di kami umiimik pareho. Ako, nakatingin lang sa labas ng bintana. Siya, tulog ata. Tsss.. kala ko ba gusto niya kong makasabay pero tinulugan niya naman ako.

Napansin ko sa peripheral vision ko na gumalawa siya. At naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung kamay ko. What the!?? Nakakakilig.

"Just let me hold you Grace." Sabi niya. Ang awkward talaga. Bat siya ganito? Tiningnan ko siya pero nakapikit na siya.

Tiningnan ko ang magkahawak naming kamay. Ang lambot ng kamay niya.

I want to hold his hand forever...

Aish... ano ba naman tong iniisip ko. Forever agad. Wala ngang present eh. At mukhang wala ding future. Forever pa kaya.

Malapit na kami kaya binitawan ko na ang kamay niya. Nagising ko siya sa ginawa ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya.

"Manong eto na ho yung bayad." Abot niya dun sa driver nung pera. Bumaba na ko pati siya.

"Salamat Sean." Nakangiti kong sabi.

"Wala yun Grace."

Naglakad na ko papuntang gate namin. Siya maglalakad na lang. Malapit na din naman yung bahay ng tita niya eh.

"Sige Sean pasok nako." Paalam ko.

"Sige. Thanks Grace." Nakangiti niyang sabi.

Sana lagi ko na lang siyang makasabay sa terminal...

------

Mahaba ba? Hehehe. Support guys. Thanks!

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon