Zoe's POVIsang buwan na... isang buwan na kong di nagpapakita kay Sean. Nag memessage siya sakin sa Fb pero di ko nire replayan. Pag sa school naman lagi lang akong nakayuko. Ayoko siyang makita. Naiinis ako eh.
(sigh) Namimiss ko din naman siya kaya lang... ewan ko pero naiinis talaga ko. Kasalanan ko naman kasi naging assuming ako. Aish!
"Girl, nanliligaw na sakin si Louie. Sorry ngayon ko lang nasabi. Last week pa nga eh." Kinikilig na sabi ni Nina. Buti pa siya... Si Louie classmate namin. Halos aso't pusa nga sila dati pero ngayon nagliligawan na.
"Oh. Congrats." Walang gana kong sabi.
"Ano ba yan girl. Isang buwan ka na pong ganyan, walang gana. Harujusko."
"Di naman ah. Normal lang naman ako ah."
"Si Sean oh!" Sigaw ni Nina. Agad naman akong napatingin sa tinuro niya.
"Aysus! Si Sean pala dahilan. Nako girl you're making your life miserable."
"Nakakaasar ka naman eh. Okay lang ako Nin. Promise. Si Sean? Like duh!" Pagmamaang kong sagot. Oo nga naman. Ginagawa kong miserable ang buhay ko. May kulang pa nga akong 2 plates eh. Dahil yun sa pag-iisip ko lang naman sa kanya.
Di na ko magpapa apekto sa kanya. Shit this feelin'... I've been hurt for something that I couldn't have..
"Taralets na nga Zoe." Sumunod naman agad ako kay Nina.
Nakakatamad ang araw na 'to. Di ko namalayan, uwian na agad. Nakakatamad talaga. Nag ayos na ko ng mga gamit ko. Balak kong dumaan muna sa mall bago umuwi.
"Nin una nako, dadaan muna kong mall." Sabi ko kay Nina na noon ay naglilipstick.
"Oh, sige girl. Ingat bebe Zoe." Malanding sabi ni Nina, ewan ko ba jan. Minsan tinatawag akong bebe. Like ewww!
Naglakad na ko papuntang gate. Malapit lang naman yung mall dito eh. Isang tricycle lang. Pumara na ko ng tricycle at nagpahatid na sa mall.
"Manong eto ho bayad." Abot ko sa manong driver ng 20 pesos at bumaba na ko.
Dumiretso agad ako sa DQ at nag order ng paborito kong ice cream. Pag ganitong nag iistress at depressed ako eh gusto kong kumain ng ice cream. Stress reliever ko yun eh.
Naghanap na ko ng upuan yung malapit lang sa glass wall. Masarap ding magbilang ng tao habang kumakain ng ice cream. Hehehe.
Habang nagbibilang ako ng mga taong dumadaan, may pumukaw ng pansin ko.
Teka! Nakabalik na siya?
Akala ko di na siya babalik. Pero... imposibleng namamalikmata lang ako. Kaya kinusot ko ang dalawa kong mata para makasigurong totoo lahat ng nakikita ko. Pero... totoo eh.
Nasa may jewelry shop siya. Lalapitan ko ba o hindi. Ang tagal na naming hindi nagkita. Halos 10 years na.
Miguel...
Ang long lost bestfriend at childhood crush ko. Bumalik na siya... agad akong tumayo at naglakad palapit sa kanya. Namiss ko siya ng sobra.
Ang laki na ng pinagbago niya. Gumwapo siya lalo... Siya, siya na lagi kong kasama, kalaro, para ko na ngang kapatid yan eh, siya na laging shoulder to lean on ko pag pinapagalitan ako ni mommy.
"Migs?" Nag aalangan kong sabi. Tumingin siya sakin ng nakakunot ang kilay.
"Migs, uhm.. Zozo here." Zozo kasi ang tawag niya sakin noon. Ang cute diba. Nakilala na niya ata ako kaya ngumiti na siya.
"Oh my.. Zozo ikaw na ba yan?" Nakangiti niya sabi.
"Well, yeah." Nakangiti ko ding sabi.
"Hindi na kita nakilala ang laki na ng pinagbago mo. You're beautiful."
"Migs naman eh. Hanggang ngayon bolero ka pa din." Natatawa kong sabi.
"At hanggang ngayon di ka pa din naniniwala." Nakangisi niyang sabi. Ang gwapo niya lalo ngayon.
"So, time for some catching up! It's been 10 yrs. Marami kang namiss sakin at syempre sayo din. Tara! Libre mo kong ice cream."
"Sure zozo!"
"Sir here's your jewelry." Sabi nung saleslady kay Migs. Hmm. Sino naman kaya ang reregaluhan niya ng jewelry. Someone special, I think?
"Oh, yeah. Thanks." Sabi niya dun sa saleslady.
Naglakad na kami palabas ng
jewelry shop. Naglakad lakad muna kami bago pumasok sa isang resto. Ang cozy ng dating. At home na at home ang feeling ko dito. Umupo kami sa pandalawahang table. Ang ganda ng table setting dito, yung tipong napaka intimate ng dating. Para ata 'to sa mga nag dadate eh.
May lumapit saming matangkad na lalaki. Ang macho ng dating. May hawak siyang menu book.
"Goodevening ma'am, sir. Welcome to Carpe diém Cafe and Resto." Nakangiting sabi niya samin sabay abot nung menu book. Pagkatapos nun umalis na siya.
Nakita kong binuksan na ni Migs yung menu book kaya nakigaya na din ako. Grabe! Medyo mahal ang mga pagkain dito ah. Lahat masasarap. Kaso mahal eh. Kaya dun na lang ako sa medyo mura.
"Uhm, spaghetti bolognese na lang sakin. And frappé for drinks." Sabi ko kay migs.
"Yan lang Zozo?" Nagtataka niyang sabi.
"Uhm, yep." Nakangiti kong sabi.
"Waiter!" Tawag niya nga dun sa waiter.
"2 spaghetti bolognese, 2 lasagna, 2 piece dark chocolate cake, 2 frappé and 2 chocolate icecream." Sabi niya dun sa waiter.
"Ang dami nun ah. Gutom ka?" Sabi ko sa kanya.
"Nope. Gutom T A Y O." Sabi niya sakin. Hahaha. Wala pa din siyang pinagbago.
Hay migs.. sobrang namiss kita. Kung hindi ka lang umalis, ikaw sana... ikaw sana ang gusto ko ngayon at hindi si Sean.