Chapter4: Someone

5 0 0
                                    


Zoe's POV

Halos one week na din simula nung hawakan ni Sean yung kamay ko. At hanggang ngayon ramdam ko pa din yung lambot ng kamay niya. After that, di na kami nagkakasabay sa terminal. Awkward pa din ang feeling ko kaya di ko siya halos pinapansin pag nagkakasalubong kami. Simpleng ngiti lang tas bibilisan ko na lakad ko. Nakakahiya talaga eh. Di ko alam kung bakit kailangang hawakan niya pa yung kamay ko.

"Hoy Zoe!? Tulaley ka naman girl!" Rinig kong sabi ni Nina.

Nakaupo kami nun sa may bench at naghihintay ng next subject.

"Hah? A-ah eh. Wala." Nauutal kong sabi.

Si Sean kasi...

"Ang sabi ko, tara na."

"Ah. Oo sige." Ano ba yan natutuliro ako.

Naglalakad na kami papuntang Fine Arts building ng makita kong naglalakad si Sean papunta samin? Samin nga ba?

Oh no.. dito nga.

"Grace..." Mahina niyang sabi. Shete naman oh. Nakakapanghina ng tuhod.

"Ahm... Zoe una na ko." Sabi ni Nina.

Siguro na feel niya na may sasabihin sakin si Sean. Nakayuko lang ako. Ayokong tingnan siya. Di ko alam kung bakit pero kasi....

Mahal mo na Zoe...

Mahal ko na nga ba siya? Nope... hindi. Gusto ko lang siya.

"Grace... can we talk?" Rinig kong sabi niya.

"Uhm..." This time tiningnan ko na siya. Di ko mahagilap kung anong sasabihin ko.

Umupo kami dun sa may malapit na bench. Di talaga ko makatingin sa kanya. Ang awkward.

"Are you avoiding me?" Tanong niya. Wait, iniiwasan ko nga ba siya. Di naman eh... uhm.. di lang kinakausap. Pero nginingitian ko siya.

"Hindi noh." Mahina kong sabi.

"Look, the last time... I'm sorry. Its just that.. you're reminding me of someone."

Awww. So, may naalala lang siya kaya niya hinawakan yung kamay ko. Bat ganto? Bat parang nasasaktan ako.

Bigla na lang nag ring yung bell start na ng klase para sa afternoon sched. Buti na lang... nanghihina ako eh. Nararamdaman kong may namumuo ng luha sa mata ko.

Bat ako ganito... bat nasasaktan ako?

"Ah. Una na ko." Agad akong tumakbo. Narinig kong tinawag niya yung pangalan ko pero di na ko lumingon.

Shete naman oh. Yung kaninang pinipigilan kong luha tumulo na. Agad ko namang pinahid yun.

"Girl, anong sabi?"

"Ah. Wa-wala." Ayoko ng pag usapan yun. Ang sakit eh.

"O-okay." Ramdam din siguro ni Nina na ayaw kong pag usapan yun kaya di na niya ko kinulit.

Di ko masyadong naiintindihan yung dini discuss ng prof. Lumilipad utak ko dun sa sinabi ni Sean. At nararamdaman ko pa din yung sakit.

Yung sakit ng pagiging assuming. Oo, nag assume ako na sana kaya hinawakan ni Sean yung kamay ko kasi baka may feelings din siya. Pero... kaya naman pala niya hinawakan yung kamay ko kasi may naalala lang siya.

You're reminding me of someone...

Sino ba kasi yung someone na yun? E diba NGSB siya. Ano yun? Dati niyang crush o dati niyang niligawan pero binasted siya.

Hay... buhay gulay. Nagulat na lang ako ng magsalita yung prof sa harapan.

"Okay class dismiss." Shete class dismissed na agad. Wala nga man lang akong naintindihan eh.

Di ko alam kung pano ako nakauwi sa bahay. Kasi naman hanggang ngayon yun pa din nasa isip ko.

"Hay nako Zoe..." Oh yan kinakausap ko na sarili ko. Gusto kong maiyak pero wala namang lumalabas na luha sa mata ko. Aish...

Binuksan ko na lang yung laptop ko at nag online sa FB.

Friend ko na nga pala si Sean last week lang. Hmmm... makapagkalkal nga ng mga pictures niya.

Scroll... scroll.. scroll.. napatigil ako ng may makita ako. Picture niya at ng isang babae. Naka peace sign sila pareho tas nakaakbay si Sean dun sa babae. Ang genuine ng smile ni Sean dun sa picture.

He looks inlove....

Teka! Kamukha niya yung babae dun sa picture na nasa wallet ni Sean.

Siya kaya yung someone?...

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon