Zoe's POVWeekend na naman. 3 weeks na din simula nung nag start ang klase. At so far so good naman.
Hayyy... Ang boring.
Buti walang pinagawang plates samin. Hmmmm... igagala ko na lang si Toby. Yung aso kong siberian husky. Mahilig ako sa hayop. Sa pagkaka alala ko may alaga pa kong pagong dati kaya lang nawala.
"Come Toby!" Lumapit sakin si Toby. He wagged his tail. Alam niya sigurong igagala ko siya.
Medyo malayo na ang nalalakad namin ni Toby. We stop at the near bench para makapag pahinga. Behave naman si Toby. Buti naman kasi minsan pag nakakakita siya ng ibang aso nag liligalig siya.
Sean Robles...
Ano ba! Ba't lagi na lang sinasabi ng utak ko yung pangalan niya. Tsss..
"Julie!!!!" narinig kong may sumisigaw sa malayo. Bigla na lang nagligalig si Toby. Oh no... Nabitawan ko yung tali kaya nakatakbo siya. Tumakbo na ko para mahabol siya.
Sabi ko na nga ba at may naamoy na naman siyang aso. Kanino kaya tong siberian husky na to. Hmmm. Babae pala kaya nagligalig si Toby.
"Julie nandyan ka lang pala eh." narinig kong sabi nung boses. His voice is so familiar. Napatingin ako and there I saw his handsome face.
Sean Robles...
"Sa-sayo pala 'to?" Medyo nauutal kong sabi.
"Hmm.. Oo. Teka ikaw yung nabangga ko nung 1st day diba?" Like OMG! He remembered me. Sean Robles The Mr. Pogi remembered me.
"A-aah oo." Jeez... Inhale Exhale. Wag kang magpapadala sa so handsome face niya.
"Sorry ulit hah. Teka dito ka din ba sa village nakatira?"
"It's okay. Hmmm.. Oo, sa may Rose St. lang ako."
"Ah. So we're neighbors pala." Ehh ehh di nga? As in magkapitbahay kami?
"Sa Rose St. ka din ba?"
Kung magkapitbahay nga kami... OMG!
"Oo bandang dulo. Dun ako kila tita eh. Mas malapit kasi dito yung University kesa kung manggagaling pa akong Cavite." Hmmm.. so nakikitira lang pala muna siya sa tita niya.
"Ah ganun ba. Sayo tong aso?" nakangiti kong sabi. Pareho kasi kami ng breed ng aso. Lalaki sakin at babae sa kanya. HAHAHA!
"Hmmm. Oo. Sinama ko kasi wala namang mag aalaga sa kanya. Lagi kasing nasa abroad sila Mom and Dad." pagkasabi niya nun parang bigla siyang nalungkot pero maya maya lang ay ngumiti na siya ulit.
"Siberian din pala ang aso mo." nakangiti kong sabi. Grabe nakaka intimidate yung kagwapuhan niya.
Di niya ko sinagot. Ngumiti lang siya. Haler! Don't state the obvious kaya Zoe. Kita mo naman diba?
"Ah. Sige una na kami ni Toby." paalam ko.
"Sabay na kami ni Julie." narinig kong sabi niya.
Nauna na akong maglakad. Kinakabahan kasi ko eh. Mukhang sumusunod lang din naman siya. Si Toby ang ligalig. Mukhang gusto niya si Julie.
Parang ikaw... may gusto kay Sean.
Oh sige na may gusto nga ako. Crush lang naman eh. As in crush lang..
"Uhm, dito na ko." paalam ko.
"Ah. ganun ba. Sige. 'Til next time!" ang gwapo niya lalo pag lumalabas yung dimple niya.
"Sige. Bye." pumasok na ko sa gate.
"Teka!" narinig kong sigaw niya kaya lumabas ulit ako.
"Hmm bakit?" nagtataka kong tanong.
"Ano nga name mo?" Oo nga pala di pa ko nagpapakilala sa kanya. Pero siya alam ko name niya. HAHAHA!
"Zoe Grace Allano." sabi ko.
"Nice name. Sean Robles here." Nakangiti niyang sabi. Hay... nakakatunaw talaga yung mga ngiti niya.
"Hmm. Yeah I know. Sige." tumalikod agad ako.
"Sige bye Grace." Shemay... siya pala ang tumawag sakin by my second name. Kinikilig ako. Kyaaaaah!!!
Yeah! We're neighbors!!!!!
