One Direction: Take Two
“Hi” Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro. Nakita kong may isang batang lalaking may hawak ng football ball. And the first thing I notice is his hair, kulot at malago. It’s unusual but it suits him. Siguro isa siya sa mga batang naglalaro sa parkeng iyon. I ignore him at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
“Hey, what’s your name?” again I ignore him pero nagulat na lang ako ng iabot niya sa akin ang isang inumin. Inabot ko iyon since paborito ko talaga ang Chuckie, I disregard what my mother said about strangers. Besides, I really did not talk to him. Ngumiti ito and his smile is so…. nice. “My name’s Harry. Harry Styles.”
“Hindi ako nakikipag-usap sa kung sino-sino.”
Kumunot lang ang noo nito. “Sorry but I can’t understand what you’ve said, you’re so fast I can’t grasp it.”
Tinaasan ko ito ng kilay? Hambog. “Hindi ka nakakaintindi ng tagalog?” Hindi ko tuloy napigilang tumawa.
“K-konte lang.” he said and I burst out laughing, so hard. This boy is so cute I want to take him home. His probably fourteen or thirteen. Pwedeng- pwede. Dahil mukhang mabait at harmless I decided to tell my name. Besides, what are the chances na magkikita pa ulit kami after this?
“I’m Cecey, and nice meeting you.”
(Cecey Freiy Ortis, I’m totally addicted and in love with One Direction’s one member: Harry Styles. This is one of my many secrets so please let’s keep it between the two of us. *_^. Enjoy Reading.)
“What’s this?” tanong ko kay Ruselene. Papasok na sana ako ng iaabot niya sa akin ang isang kuwadradong bagay ng may nakasulat na “special pass.”
“A pass.”
Pinaikot ko ang aking mga mata, “Yeah, I know. Pero anong gagawin natin dito and how come you have this?”
“Hiningi ko kay Daddy, he knows someone who knows someone na organizer ng event.”
“What? Ano naman ang kapalit nito?” sa tagal ko nang nagtratrabaho sa company ni Ruselene, masasabi kong kilala ko na ang daddy nito. Hindi ito nagbibigay ng regalo ng walang kapalit. Kaya kaduda-duda ang mga pinaplano ni Ruselene.
“Ahm, actually Cecey, diba magkaibigan naman tayo?”
“Tell me and I tell you.”
“Kay kuya ko hiningi iyan.” Mabilis nitong sagot. Sasabat sana ako pero nagsalita na naman ito. “Sinabi kong payag ka ng maging date niya sa gaganaping ‘Give Love On Christmas Day Ball’ ng kumpanya basta tulungan niya lang ako dito.” At may gana pa itong mag-peace sign. Alam naman nitong iniiwasan ko ang kapatid niya dahil hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. For once, I don’t need any complications in my life and I certainly am not free for any man, for that matter. Kahit pa kasing gwapo ni Brad Pitt ang kuya nito.
“Ruselene” nangigigil kong sabi. “What have you done, you know I can’t. Hindi ako nag-eentertain ng mga lalaki sa buhay ko. I don’t need any man.”
“Ano bang balak mo sa buhay mo huh, magpakatandang dalaga. Aba, sayang naman ang mattress mo kung hindi mo gagamitin.” Pangaral nito. “At saka, anong masama sa kuya ko, gwapo siya, mayaman, mabait. He is a good catch.”
I don’t like him. Period. “Exactly, hindi kami bagay.” Sabi ko sa knya habang naglalakad kami papunta sa uupuan namin. Isang oras pa bago magsimula ang concert but it seems nasa big dome na lahat ng fans. One direction is simply awesome. Nagsisimula pa lang ang banda pero dinaig pa ang mga beteranong banda sa kasalukuyan.
Iginala ko ang aking paningin. So, this is where I gonna see you tonight, Harry. After how many years, sinong mag-aakalang ang batang pinagtatawan ko noon, ay sisikat ng ganito. Hay ang buhay nga naman, samantalang siya struggling. And this is your entire fault. Naningkit ang mga mata ko as flashes of memories embraces me. Well totoo naman, everything is really his fault.
Tumingin ako kay Ruselene ng maramdamang may sumiko sa tagiliran ko. “Ano, lakad na.” Tumawa ito. “Napaghahalatang first time mo sa isang concert. Tignan mo nga yang itsura mo, para kang ewan.”
Sumimangot nalang ako. “You, know hindi ko naman kasi hilig ang mga ito.” sagot ko sa kanya ng makaupo na kami. “Dito ba talaga tayo sa harap?” napapantastikuhang tanong ko.
Tumawa na naman ito. Masaya ata ang bruha. “Tange, oo naman, anong silbi ng yaman ko kung hindi ko alam gamitin and besides One Direction is all worth it. Makikita mo. Once you listen to their song, you’ll go crazy. At para makita natin ng harapan ang mga members. I’m melting just by staring at them.” Nangangarap na sabi nito.
I know right. Kung gaano ito kaexcited, sampong beses higit siya. Kahit gaano ko pa itanggi sa sarili ko at kahit ilang ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya namimiss, hell be freeze, but I miss him like crazy.
“Isuot mo iyong special pass, may paggagamitan tayo mayamaya. At pwede ba tanggalin mo na iyang eyeglass at prosthetics mo, nasa loob na tayo. Hello, ang dilim kaya dito.” Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata.
“Oo na, oo na but I will keep the eyeglass. Nagmumukha akong matalino.” Mabuti na iyong may proteksiyon siya kay Harry kahit papaano kung sakaling magkita sila. Kung makapagreact ito kala mo naman papataying ko ang sarili ko. “Pero isusuot ko din ito paglabas natin. Punta muna ako sa cr.”
Habang naglalakad, isinuot ko iyong special pass na sinasabi ni Ruselene. Dahil first time kong pumasok sa isang concert area hindi ko alam kung saan ako pupunta. Madalas sa oo, naliligaw ako sa mga lugar na bago sa akin lalo pa kung wala akong kasama. I have a very lousy sense of direction. Yeah, indeed, a lousy direction. Aniya ng malanding bahagi ng utak ko.
Sa kakalakad hindi ko na alam kung saang parte na ng dome ako nakarating. Baka hindi ko namalayang nasa labas na pala ako. Akmang bubuksan ko ang isang pinto ng may isang taong nagbukas niyon buhat sa likod.
“Bakit ang tagal mo? Nasaan na iyong tubig? Naku malilintikan tayo nito.” Napatunganga na lang ako sa kanya. Huh? Anong tubig?
“Ano magsalita ka nga. Naku!” Frustrated na sabi nito sabay kamot ng ulo. Ibinigay nito ang hawak sa kanya. “Oh, ikaw na lang ang magdala niyan sa DR 3, bilisan mo, kailangan na nila iyan at ako na lang ang kukuha ng tubig. Baguhan ka ba? Nakuuu”
Naiwan na lamang akong nakatunganga sa hawak kong…. hair spray? “Anong gagawin ko dito. At anong DR 3? Naku naman! Napagkamalan pa ata akong P.A ng baklang iyon.” Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at sinunod ko ang ipinag-uutos nito. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad sa pintong bubuksan ko sana kanina. Hallway pala ang loob noon and I was again welcomed by numerous doors. Ako naman ang nagkamot ng ulo. “Naku naman, alin kaya dito ang DR 3?” Kausap ko sa sarili ko habang ini-scan ang lugar. And the answered soon came when I came across a door that was labeled DR 3.
Yes, sa wakas. Baka naman tapos na ang concert nito. Ano ba kasi ang ginagawa ko dito. At nasaan ba ang lintik na CR na iyon. Pahamak.! Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. And I experienced one of the biggest shock of my life when I have a glimpse of what is inside. Magnitude ten. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong hair spray dahilan para tumama ito sa paa ko. ARAY! GOSH!!!
I’m face to face with Harry Styles in his BOXER SHORTS. I’m not yet ready to face him, at least not now. I feel like I will faint. And I did. Huli kong nakita, papalapit siya sa akin, and black it goes.

BINABASA MO ANG
Can't you see
RomanceHarry and Cecey are used to be friends. Yeah. Well sort of. and this is their story. Yeah, Basically. So, find out if they will end up in each other's arm or baka tamaan ako ng meteor ibahin ko ang takbo ng kwento at pareho ko silang patayin. Peac...