Chapter 1

77 5 2
                                    

[ Martin's Point of view ]

"Pre , Ano na ? Kamusta na ang buhay mo ?"

"Eto, Okay lang naman" kahit hindi.

"eh anong ginawa mo this vacation? hindi ka na kasi nagparamdam eh."

"Madami." ayoko na talagang pag-usapan kung ano ang mga nangyari DATI.

"Ang pode mo kausap pre, bakit naging non-sense kang kausap? daig mo pa kasi yung ninong ko pag pasko nung bata ako eh, mas kuripot ka."

"Fed, wala talaga ko sa mood makipag-usap"

"Nakakatampo ka naman, kung kailan ako lilipat ng university saka ka nagkakaganyan."

"Sino bang nagdesisyon na lumipat ka ?"

"Ako."

"Ganun na naman pala eh." hindi na sya nagsalita pa. Naramdaman na nyang asar na ko. Hindi na rin ako nagsalita at nagconcentrate na lang ako sa pagfill-out ng form.

Enrollment namin ngayon for Second year, nagshift ako ng course kaya marami akong inasikaso, Buti na lang nga't wala pa kong major nung first year kaya hindi ako gaanong mahihirapan.

"Pre, alam mo na ba ang balita?" ang kulit din nito no? Mukha ba kong interesado sa current news?

"About sa pagkapanalo ni Barack Obama? Oo naman." Ano ba yan? Wala talaga ko sa wisyo. I want to go home NOW. but i have to be enrolled today.

" Hindi yon ang ibig kong sabihin , kase------" Hindi nya tinapos ang sasabihin nya. Halatang nag-aalangan pa siya kung sasabihin nya sakin o hindi. Mukhang hindi ko ata magugustuhan ang sasabihin nito ah.

" Si Kazzy kase -----"

biglang bumilis ang tibok ng piso ko, nakaramdam nanaman ako ng kirot ng marinig ko muli ang panagalan niya. Pakiramadam ko nagflashback ang lahat..

"ah-eh" di ko alam ang sasabihin ko, interesado ako pero ayoko ng makarinig pa ng kahit anong bagay na tungkol sa kanya.. "ano ba yun?" pero hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

"Si Kazzy at si Terry-----"

lalong bumulis ang tibok ng puso ko, parang alam ko na kung ano yung sasabihin nya.. Ayoko nang patapusin pa si fed sa pagsasalita, pero huli na ang lahat...

" Sila na. They are officially on after 2 weeks of your break up." he said in very cold tone.

BOOOOOOOOOOOOOOOOOM !

Pakiramdam ko napunit yung puso ko, gusto kong bombahin yung tenga ko para hindi ko na narinig yung mga salitang iyon. Gusto kong marinig mula kay fed na 'joke lang yun' , na pinagtritripan nya lang ako o kaya may mga hidden cameras at nasa isang Gag show lang ako. Kaso hindi eh, totoo ang lahat...

"Martin, Okay ka lang?"

Back into reality.....

"Oo naman" Liar.

"Sure ka?"

"Yup, Bakit naman hindi?" tinraydor lang naman ako. " kung ganun naman pala, Congratulations sa kanila. Masaya ko sa nalaman kong nakapagmove-on na si Kazzy." Super LIAR.

" Pre, im happy na nakapagmove-on ka na rin. Pero bakit ka pa nagshift ng course? Nahiwalay ka pa tuloy sa tropa."

"Ah-ehh, eto kasi gusto ng parents ko. Saka kung makapagsalita ka ha. ikaw nga , lumipat pa ng university eh. "

A Sticky Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon