[ Kazzy's Point Of View ]
First day of school today. Namiss ko ang mga classmates ko at mga prof. ko. Sabay kaming pumasok ng aking best na si Ireene. Dito siya sa amin nakatira ngayon, hindi ko lang kasi siya basta-basta kaibigan, kinakapatid ko siya at sa akin siya hinabilin ni tita , her mom na nasa states ngayon for some business reasons.
Now,she's taking accountancy, Wow no? Matalino na nga,maganda pa inside and out, may pagkabipolar nga lang =_____= Sakin kase nagmana, lalo na sa kagandahan :DD
Dahil sa malapit naman ang school namin, naglakad na lang kami para mas enjoy at makapagkwentuhan na rin kami sa LabLayf kuno niya...
" Kamusta naman best kagabi?" tanong ko sa kanya, tinutukoy ko yung gimik namin kagabi kasama ang kanyang ulitimate crush na si rekrek.
"Eto kinikilig pa din ako" >//////<
"Blah blah blah ------- blah" ang dami niyang kwento at kilig na kilig talaga siya kahit sa napakasimpleng bagay lang. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi, naranasan ko naman yan kay Martin but not in terry. Sobrang magkaiba talaga sila. Ewan ko ba kung nagkamali ako, pero dapat isipin ko na ang ginawa kong desisyon ay tama, makabubuti para sa lahat. Things are done for some reasons, i should deal with that.
Hanggang sa makarating kami ng school ay kwento pa rin siya ng kwento, eto ang masaya kapag kasama ko si Ireene, never ako mabobored.
"tara best, pasok ka muna dito sa room ko" aya nya.
Ngek? Architect student kaya ko?! Haller?! Tapos papasok ako sa room ng accountancy?! Nakakalimot ata tong best ko and i hate attention =.=
Pero , ngunit, subalit , datapwat, dahil nga sa mapilit siya at nagsimula na siyang magpacute sa akin na sobrang effective naman, pumasok na ko kahit medyo nakakahiya kasi trespasser ako..
Pumunta kami sa 2nd to the last last row kung san niya gustong umupo. Umupo na siya, tumabi na lang ako sa kanya at luminga-linga sa mga classmates niya. Mukha namang wapakels saken mga people dito.
"K-Kazzy?" may tumawag sa pangalan ko, nangangatal ang boses niya.. Kinakabahan akong lumingon dahil kilala ko ang boses na yun, Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na yun.
"M-martin?"
Siya --------> O______________O
Ako ----------> O______________O
Sa sobrang gulat ko pakiramdam ko, hihiwalay yung mata ko sa mukha ko. Nalaglag na nga ata eh, pakipulot nga +_+
I don't expect that he will shift because we broke up , ako ang mas lalong nakakaalam kung gaano nya kagustong maging Architect .. Pero ako pa pala ang naging dahilan kung bakit hindi niya maabot ang pangarap niya. Im so stupid >.<
Guilty ako ... -,-
"Congrats to you and terry" he said then he smirked.
Bitter? Nararamdaman ko ang galit nya, the way he look at me parang sinusumbatan nya ko na parang ewan lang. Im so sorry martin. I know sorry is not enough to take away all the pain you feel right now.
"Kilala mo siya best?" ireene
"Ah-eh" ano nga ba ang dapat kong isagot ? is it okay if i say his my ex? Hayss .. Bahala na. "dati ko siyang-----" hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil sinabi na niya ang totoo..
"We were classmates before" saad niya.
Classmates?! Yes, we were classmates before but we were more than that.
"We were classmates before, but i shifted to accountancy because my friend and my ex-girlfriend betrayed me" he smirked with pain. Tumagos sa puso ko yung mga salitang binitawan niya. Ouch? those words hurts me a lot, did i betrayed him? i did'nt. I can't.
"Best time na, baka ma-late ka pa ng dahil sa akin"
"Sige alis na ko" i tried my best para maging okay sa harapan nila. Tumayo na ko and i look at him , nagtagpo ang mga mata namin pero agad-agad din niya tong iniwas. Nararamdaman ko na may namumuo nang luha sa mata ko. Umalis na ko , ayokong makita niya na umiiyak ako.. Ako ang nang-iwan, wala akong karapatang umiyak..
"We were classmates before, but i shifted to accountancy because my friend and my ex-girlfriend betrayed me"
"We were classmates before, but i shifted to accountancy because my friend and my ex-girlfriend betrayed me"
"We were classmates before, but i shifted to accountancy because my friend and my ex-girlfriend betrayed me"
"We were classmates before, but i shifted to accountancy because my friend and my ex-girlfriend betrayed me"
Gusto ko talagang pigilan ang luha ko pero wala pa rin akong magawa, tuluyang bumuhos na talaga ang mga to. Pakiramdam ko, gumuho muli ang mundo ko, dinurog muli ang puso ko.
Dumiretso na ko sa labas ng school. Hindi na ko papasok, nanghihina'y naglalambot ako. Parang hinigop lahat ng lakas ko dahil sa mga narinig ko. Nagtext na lang ako kay ireene at sinabing uuwi na lang ako kase masama ang pakiramdam ko. Hindi pa talaga ko handang makita siya, pero nakita ko na siya.. Wala na kong magagawa, hindi ko na mababawi ang mga bagay na nangyari na at mga salitang narinig ko na.. Hayss , Whatalife!