Chapter 2.1: PersDay

44 5 1
                                    

[ Martin's Point of View ]

whooooah...

First Day of school. Im excited for a new day, iwanan na ang PAST. Tama ba? hehe. I feel so fresh today. Parang new born ako, naninibago nga ko sa nararamdaman ko ngayon eh. I feel stress-free, yun wala akong piniproblema sa buhay. Nasese-sense ko talagang good vives ang araw ko. Gumising ako ng may malapad at abot langit na ngiti sa aking labi, Thank you Lord for making me feel better  :D

Nagulat nga sila mama nung bumaba ako at nagbreakfast..

Ako -------------> :'D

Sila -------------> O____o

"Anak, may lagnat ka ba?" tanong ni mama.

Tumawa na lang ako at nagpaalam. Sobra ba talagang nagiba ako ngayon? Kahit kase ko di ko maipaliwanag yung nangyayari sakin, i just want to smile , smile , and smile over and over again.

Nasa school na ko ng maalala kong iba na pala ang course ko. Anak ng jellyfish yan! ACCOUNTANCY na pala ang course ko, Patay ako neto! Siguradong dadanak ng dugo ang ilong ko. Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at iyon ang ipinalit ko sa BS Architect? Walanjo yan! Bahala na si Batman >.<

Pumunta na ko sa room namin. Ang daming chicks ! witwit :D i know this is the right time to search a girl to love, sayang ang kagwapuhan mo Martin Gonzalez, Sayang dude !

EEEEEEEEEEEEEEEEEEEENNNNNNGGGGGGZZZZZZZZZZzz???

EPIC FAIL !!!

Yun nga lang, ang pagpapantasya ko sa aking Princess Charming ay biglang nawala na parang bula. Alam mo ba kung bakit? ang Landi kasi nila, pero hindi ko naman nilalahat, KARAMIHAN lang.  -,-

Sila gumagawa ng first move, hindi naman tama yun? wala bang hard to get dyan? para naman pag girl friend ko na, hindi masusulot, kahitkaibigan ko pa.

BITTER ?!

hayyss.. basta ang panget ng First impression ko sa kanila. May lumapit pa nga saken ehh ..

"Hello?" with seducing voice.

akala nya naman nakakaakit sya? NO way !!

"Hi" matipid kong sagot then i winked at her.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYiiiiiiiiiEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE" sobrang kinilig sya.

Tumalikod na ko at maghahanap na lang ako ng magandang pwesto ng upuan. Grabe naman yun?! sobrang kinilig for just a simple wink? Hindi ganyan si Kazzy nung nag-----------

Ooooops. Anong sabi ko? Diba Cha Mameng? oo, tama nga, Cha Mameng nga ang sinabi ko.

Disperado na ko, tulungan nyo naman akong makumbinsi ang sarili ko na Cha Mameng nga ang sinabi ko. cha mameng naman talaga ii ..

Pakibatukan na nga lang yung author, Move on na nga ko eh. Nadamay pa tuloy si Cha mameng.

Umupo na lang ako sa dulo para makita ang lahat ng classmate ko and sad to say, wala kong type dito. Kinuha ko na lang yung MP3 ko at isinalmpaksa tenga ko ang earphone ko. Tiningnan ko uli ang mga kaklase ko, nagdadaldalan lang sila. Wala sa mga itsura nila ang mag-a-accountancy eh. Tama ba talaga yung room na napasukan ko? Tiningnan ko yung nakalagay sa form ko , room 205, tama naman ah... May napansin akong kakaiba sa nakaipit sa folder ko...

ano to ? Sticky note? mukhang pambabae ha, Penk kase .. tapos may nakasulat

****************************************************************************************

STICKY LOVE DESTINY

Complete the phrase:

If you love someone ______________________________________

10 Sticky Love Thoughts :

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Signed by:

Prepared by: Ireene<3

************************************************************************************

Ireene? sino naman to ? sinong ireene ?

Saka paano napunta saken to?!  baka patay na may-ari nito! baka naghihiganti at nagmumulto., Nakupo !

Okay , O.A. na ang imagination ko , masyado nang malayo ang napuntahan, umabot na ng pluto  =.=

"tara best, pasok ka muna dito sa room ko" sabi ng isang familiar na boses.

Kaninong boses ba yan? Parang narinig ko na , kaso nakalimutan ko ><

"Sige best, pero 5 minutes lang ha?" ang sabi ni kazzy, magbestfriend pala sila---------------

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?????????!!!!!!!!!!!!! Si kazzy ba yun?! Diba boses ni kazzy yun? Oo, boses nga ni kazzy yun, hindi ako pwedeng magkamali

Dugdugdugdug ...

Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko,,, Yeah , im right , that voice..... Kazzy is in front of me. I feel im paralize, ayaw magsink-in sa utak ko na nasa harapan ko lang sya. First time ko siya nakita after ng break up namin..

"K-Kazzy?" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtawag sa pangalan nya kahit na alam kong makakaiwas naman ako sa kanya dahil nakatalikod siya sa akin at di naman niya ko makikita.

Humarap siya sa akin, Siya nga. Si Kazzy nga ang babaeng nasa harapan ko.

A Sticky Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon