yaaahh! One sided

19 2 0
                                    

Iniiwasan ko siya. Oo, nakakainis kasi.

Akala ,niya siguro mahal ko din siya. Hindi eh.

"kief, gusto ko nun!"

"ah sige" may date kami ngayon ni Bea, pero si nikisha ang nasa isip ko.

"Anong mas bagay, yung pink o blue?"

"yung blue na lang. Kung ako si Nikisha, sasabihin nun na masyadong kikay ang pink. Pero kaw din ang bahala"

"sige yung blue na lang" Aisshh! ano ba toh .

"Kief, mahal mo ba talaga ko."

Nagulat ako. Mali pala, naguluhan ako.

"oo naman! bakit, ano bang iniisip mo.?"

"ah wala nevermind. Sige kain na tayo." Alam kong may iniisip siya.

Mahal ko siya diba?

Mahal ko si Bea. Long time crush nga diba.

Pero bakit malungkot ako? Bakit iba ang iniisip ko/?

Nikisha's Pov

"Alam mo ba Nikisha, natatawa ako lagi pag naalala ko nung bata ako. Naliligo ako nun, syempre walang saplot. Tapos biglang paglabas ko ng banyo,

andun pala yung  crush ko! ay grabe. buti na lang , di ko na siya masyadong nakikita. nakalimutan ko na nga din ang pangalan niya eh. XD"

"OH?! HAHAHAHAHA, nakakahiya naman yang pototot mo :p"

"Yaaaannn! tumawa ka din. Ang hirap pala na kanina pa ko kwento ng kwento sayo tapos parang di ka nakikinig."

"salamat stephan ha? Alam mo kung ikaw ang unang kong na.kilala, crush na kita. Mabait, Gwapo (wag lalaki ang ulo), mayaman, matalino. Perfect na."

"sayang! dapat pala ako na yung nauna kay Kief noh.?" Bigla siyang tumayo.

"ui Nikisha! tara na!"

Teka bakit parang may hinaharangan siya?!

"Tabi nga Stephan!" Sabay tulak ko sa kanya.

Nagulat ako. Mali, nasaktan ako sa nakita ko.

Hindi ko inaasahan to. Wala namang mali diba? Sila, kaya wala akong karapatang magalit o magtampo kay Kief.

oo, naghahalikan sila. at talagang ako pa yung nakakita.

"Umiyak ka. Alam kong masakit. Alam kong di mo yan kaya mag-isa. kaya nga ako andito diba? Para Damayan ka.

Para maging panyo na magpupunas ng luha mo. At para maging kaibigang makakapitan mo."

Stephan. Bakit nga ba hindi na lang siya? Nasasaktan lang naman ako sa bestfriend ko.

"salamat. wag mo ko iiwan ha? di ko yun kaya. Di ko magagawa toh mag-isa" Niyakap ko siya. Di ko inaasahan na gagagwin ko yun.

"Baliw! siyempre di kitan iiwan. Gusto mo ng ice cream? Lilibre kita. Smile na ikaw ha? Kaw talga" Ginulo pa niya ang buhok ko.

Kief's POV

"mahal mo ko? Patunayan mo."

Iimik palng sana ako pero bigla akonhg hinalikan ni Bea" Nagulat ako.

Bakit wala akong naramdaman? Bakit walang *spark* ?

Nagulat ako. Nakatayo siya sa harap ko.

Umiiyak. Oo, Luha nya eh tumutulo. Umaagos. Dahil ko yun diba?

Gusto ko siyan lapitan. Pero di ko magawa. Tangina! Bestfriend ka diba? Ikaw dapat ang kasama niya.

Ikaw dapat ang nagpapasaya sa kaniya. Pero paano?

Kung ako mismo yung dahilan kung bakit siya umiiyak. Kung bakit siya nasasaktan.

Kinabuksan, nagkita kami sa banda. Nagulat siya.. Tumungo siya pero alam kong naiiyak na siyal.

Lalapitan ko sana siya ng bigla nya kong niyakap.

"alam kong di mo ko gusto, Alam kong iba ang mahal mo.. pero bestfriend pa naman kita diba?.

Kahit sana yon wag mo ipagpapalit. Miss na miss na kita Kief. Ayokong layuan mo ko. Kahit kalimutan mo na lahat ng sinabi ko.

Kalimutan mo na lang na sinabi kong mahal kita. Ayokong dahil sa pagmamahal na yun, magkasira tayo. Ayoko."

Masaya ako. Magkabati na kami diiba?

"oo naman. BESTFRIEND. Namiss kita :)"

Sorry Nikisha. More than friends ang nararamdaman ko sayo.

Kapatid. Hanggang dun lang talaga.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon