Sabi niya kahapon, may sasabihin daw siya sa akin. Andito nako ngayon, Sa playground kung saan kami palaging pumupunta.
“bestfriend.”
Andito na siya. Heto naman ako kinakabahan. Sana, tama ang iniisip ko.
“alam mo naman toh siguro diba? Mula kinder tayo ito na yung tinitibok ng puso ko di ko lang talaga alam kong obvious na ba ko”
Dahil sa mga sinasabi niya, umasa ako,
“di ko na kaya tong itago bestfriend. Kilala mo naman ako diba? Ayoko tumigil sa bagay habang di ko pa nasusubukan. Nikisha, ikaw lang talaga ang pinagkakatiwalaan at inaasahan ko ng ganito, kaya pwede bang, pwede bang…
Ito na toh Akisha. Nakangiti ang puso ko.
…..tulungan mo ko kay Bea? Alam mo na man diba? Kinder pa lang tayo, crush ko na siya. Mabaet, maganda, matalino. Lahat na ata ng hanap ko asa kaniya na. Pero feeling ko alam naman niya eh.. obvious na ata na may gusto ako sa kanya. At sa tuwing nakikita ko siya, alam mo yun, slow motion lahat eh, tapos ang focus ko asa kaniya. So pwede ba?”
Kasabay ang pagguho ng mundo ko,. Gusto ko umiyak. At tumulo na nga ang mga tryador kong luha. Gusto pa ata ibuking ako.
“Hoy Nikisha, nakikinig ka ba? HUI, BA’T KA NAIYAK”
“ah, oo naman! Kaw pa ang tanggihan ko edi ba nga BESTFRIEND kita? Naiyak ako kasi inlove kana kaya sigurado akong di ka bakla. HAHAHHA” ayos lang. yan ang pinakamalaking kasinungalingan.
“salamat Nikisha! DABEST bestfriend talaga kita.” Sabay hug.
BESTFRIEND, oo alam ko naman na hanggang diyan lang talaga ang turing mo sa kin eh. At oo, totoo ang sinabi kong tutulungan kita.
Para san pa na nagging bestfriend mo ko diba? Ang totoong nagmamahal, Masaya kapag Masaya ang taong minamahal niya kahit kapiling pa ito ng iba
“sige bestfriend, una na ko ha? Magboboyhunt pa ko sa mall eh.. haha, bukas na lang natin simulan ang mga kailangan mo para kay Bea”
“sayang ililibre pa naman sana kita ng kwek kwek eh.”
LUMAKI ATA TENGA KO DUN AH.
“yehey! Ayos bestfriend, bayad ata yan eh.. sige, pero pagkakain natin alis na ko ha?
At Dun na natapos ang araw namin. Alam kong simula bukas, may magbabago, kahit ayaw ko.
Kief’s POV
Ambaet talaga ni Nikisha, biruin mo yun pumayag siya! Dabest!
Ngayon ko na sisimulan ang panliligaw ko kay Bea.
“Hello magandang binibini” Nagblush siya.
“hello din. Alam mo nakakatawa ka, bakit parang lumalapit ka na sa kin, eh parang pag dumadaan nga ako eh lagi kang umiiwas.”
“ganito kasi yon. Kasi Bea---aaa an—oo..
“GOOD Morning Class!”
Napatingin sakin yung teacher ni Bea.
“do you need anything Mr. Santiago? May sasabihin ka ba?”
Tumingin ako kay nikisha, tumango siya. Pero parang sa loob niya eh ayaw niya?
Tss.. bahala na.
Pumunta ko sa harapan.
“Gusto ko lang po iparating sa lahat na kung papaya si Bea eh liligawan ko nap o siya. Sinasabi ko sa harap ng lahat para malaman niyong mahal ko talaga siya. Bea, pwede ba? May I keep and treasure your heart?”
“sige, payag ako Kief”
“Yes! Salamat! Di ka magsisi Bea.”
“so romantic Mr. Santiago. But end of Drama, instead get ¼ sheet of paper and we’ll have a short test.
BINABASA MO ANG
Broken Strings
Teen FictionMahirap mainlove sa bestfriend mo. Lalo na kung nilayuan ka niya mula ng ikaw ay mabuko.