Nikisha’s POV
“Gusto ko lang po iparating sa lahat na kung papayag si Bea eh liligawan ko na po siya. Sinasabi ko sa harap ng lahat para malaman niyong mahal ko talaga siya. Bea, pwede ba? May I keep and treasure your heart?”
Nang marinig ko yan, tumulo ang luha ko. Ayos lang, alam ko namang walang nakakita eh. Kasi lahat sila eh kinikilig kay Bea at Kief. Masakit plang Makita ang mahal mong sinasabihan ng sweet ang ibang tao.
Kief, alam mo bang gusto kong ako ang sabihan mo nun?
Kahit alam kong hinding hindi yon mangyayari.
“mahal mo na bestfriend mo noh? Tsss.. wag kang tatanggi”
“hindi ah,. Ikaw talaga seatmate. Hinding hindi .. di kami talo noh ,XD”
“lokohin mo na ang lahat wag lang ako”
Nung oras na yon, di ko alam pero inamin ko sa kaniya ang totoo.
“lika, sa field mo na ituloy ang kwento mo”
“nahihirapan na ko Stephan. Minsan nga eh gusto ko aminin ang lahat sa kaniya. 11 years na kaming magkakilala,. Kahit nga ata anino niya alam ko eh.”
“bakit hindi mo sabihin sa kaniya.? Wala naming mangyayari kung magdadasal ka lang na sana, mahalin ka niya.”
“hindi, hindi pede. Nangako kasi kami dati sa isa’t-isa eh”
“anong pangako?”
….. Bawal tayong mainlove sa isa’t-isa. Wag natin ipagpapalit ang matibay na samahan sa pansamantalang kaligayahan.” – Kief
“tama naman si Kief eh. Kapag ang magbestfriend nagging magsyota, magulo yun. Hindi naman kasi maiiwasan ang awayan sa relsyon. Eh paano kung umabot na sa puntong, hindi na kami magkaayos? Kahit sabihin naming bestfriends pa rin kami, andun pa rin ang iwasan kasi magiging awkward na. “
“alam mo tama din naman yun eh., malay mo nikisha, hindi talaga siya ang para sayo, malay mo nasa tabi mo lang.”
Dun nagsimula ang pagiging close namin ni Stephan.
BINABASA MO ANG
Broken Strings
Novela JuvenilMahirap mainlove sa bestfriend mo. Lalo na kung nilayuan ka niya mula ng ikaw ay mabuko.