Kief’s POV
Oo nga bati na kami. Pero iba na.
Wala na. wala na yung dati naming samahan.. Oo, alam kong ako din ang may kasalanan.
Dahil sa iba ako nagmahal. Pero sabi nga nila, ang puso hindi nadidiktahan.
“Nikisha, miss na kita.” Pero heto parin ako. Habang iniisip ka, si Bea ang kasama.
Noon kasi, kapag kasama ko si Bea, bumibilis ang tibok na puso ko. Yung kapag tumitingin siya sakin eh may spark talaga. Nakalakihan ko na yun mula elementary ako. Pero simula noong naghigh school ako, lahat nagbago. Wala na yung mga nararamdaman kong yun. Mahal ko si Bea diba? Pero bakit mas nasasaktan ako kapag wala si Nikisha?
Baka naman nasanay lang talaga ako na siya ang kasama.
O di kaya, nasanay akong isipin na si Bea ang mahal ko kahit iba na ang sinasabi ng puso ko? Ahhhhhhhhhhh! So gay Kief -_-
Nikisha’s POV
“Salamat Stephan sa pagsama ha? Lagi nalang kita naiistorbo” Siya. Hindi niya ko iniiwan kahit anong mangyari. Inamin niya sakin na gusto niya ko. Pero diniretso ko siya na si Kief talaga ang mahal ko.
Ayoko kasing masabihan ng paasa.
Oh readers alam ko na ang sasabihin niyo
“dapat si Nikisha at Stephan na lang.”
Paalala. Sa buhay, hindi dahil sa di mo nakamit ang gusto mo, kailangan agad palitan.
Hindi dahil sa may mahal ng iba si Kief eh gawin kong panakip butas si Stephan diba?
Ayoko masabihan na nagpapakita ako ng motibo, baka umasa siya.
“Ano ka ba Nikisha, kahit kelan, di kita iiwan. Kahit kelan pwede mo kong kapitan.”
Siguro yung iba sa inyo, sasabihin na, “ang t*anga naman ni Nikisha, gwapo, mayaman, mabait, mapagmahal naman si Stephan ah? Ano pang hanap niya?”
Yun na yung punto ko, masyado siyang perfect para sakin. Mas may bagay sa kaniya.
Pero kung tutuusin, nasasanay na ko na siya yung nilalapitan ko.
“Alam mo Phen Phen *tawag ko sa kanya*, nasasanay na ko na imbis na ang bestfriend ko ang nilalapitan ko, ikaw lagi yung nauuna.” Namula siya. HAHA .
“Alam mo Sha Sha, gwapo kasi ako. *sabay wink*” Yan lang yung ayaw ko sa kaniya. Yung biglang sisingit yung pagiging mahangin niya. HAHA. Pero alam kong ginagwa niya yan para mapangiti ako.
“Sha sha, syempre ako ung lalapitan mo, eh yung bestfriend mo kaya yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Palagay mo siya yung lalapitan mo agad??”
“baliw! Balik na tayo sa room.~” Oh oh.. Change topic.
“ito naman, di na mabiro.”
“YAN NA ANG COUPLE “
Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeee!
Luha, wag ka muna papatak. Yan ang nasabi ko pero pumatak na din.
Pumasok kasi sina Kief at Bea, Ansabi nang ngiti nila? Masakit.
Bigla nalang may humarang sakin at pinahid ang luha ko.
“May dumi eh, pinahid ko lang.” Hay.. si Stephan na naman. Siguro sinabi niya yin para di ako mapahiya.
“Salamat.” Dun ko lang napansin na nakatingin pala sakin si Kief. Mali pala, samin.
Ang cold ng tingin niya. Mali ulit, malungkot siya. Na parang gusto niya kong lapitan.
Pero para san pa? Para magkasakitan ulit kami? Mali na naman, Ako lang naman yung nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Broken Strings
Teen FictionMahirap mainlove sa bestfriend mo. Lalo na kung nilayuan ka niya mula ng ikaw ay mabuko.