Puyat
Isinulat ni: Aeoluke LuvicousKalagayan ng mga kulang sa tulog.
Dati ayos lang na magpuyat ka,
Dahil kausap mo siya hanggang umaga.Palihim na ngingiti at kikiligin sa kama,
Kapag narinig mo ang boses niya na sobrang saya.Dati ayos lang na magpuyat ka,
Kahit ang usapan niyo ay walang kwenta.Pero ngayon mag-isa ka na,
Dahil hindi naman na kayong dalawa.Wala ng rason para magpuyat pa,
Anemia lang naman ang nakuha.Wala ng usapan hanggang umaga,
Dahil di ka na mahalaga para sa kanya.Wala ka ng karapatan sa kanya,
Dahil wala naman na kayong dalawa at mayroon ng sila.
BINABASA MO ANG
Poems (English and Tagalog)
PoetryGusto ko lamang ilathala ang aking mga nalikhang tula.