Dating Kaibigan

23 3 0
                                    

Dating Kaibigan
Isinulat ni: Aeoluke Luvicous

Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala?
Kung paano tayo naging masaya.

Unang araw ng pasukan,
Tayo'y nagkasalubong at nagkabungguan.

Pumasok tayong dalawa sa isang silid-aralan,
Doon lang natanto na tayo'y magkamag-aral.

Nagkatabi tayo ng upuan,
Pagkakataon na tayo'y naging magkaibigan.

Lumipas ang araw, linggo at buwan,
Tumagal ang ating masayang pagkakaibigan.

Dumating ang pagtatapos ng eskwela,
Simulanng araw ng pansamantala nating hindi pagkikita.

Lumipas ang araw ay dumating ang buwan ng Hunyo,
Akala ko'y magiging magkaklase pa rin tayo.

Nakita kita kung paano maging masaya,
Saya na ang dahilan ay iba na.

Nilapitan kita para kausapin,
Ngunit ika'y lumayo.

Alam ko na kahit wag mo na sabihin,
Lumayo ka dahil ayaw mo na sa akin.

Nakita ko ang iyong mga ngiti at tawa,
Ngiti at tawa na alam kong hindi ako ang may gawa.

Sana maging masaya ka,
Kahit sa piling ng iba.

Poems (English and Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon