Saan

18 3 0
                                    

Saan
Isinulat ni: Aeoluke Luvicous

Saan
Tanong na sagot ay lugar.
Pero ang ibang tanong na saan ay hindi hindi isang lugar ang sagot.

Tulad ng tanong ng mga nagmamahalan,
Mga tanong na isang palaisipan.

Baka naman pwede akong magtanong ng 'saan',
Tanong na sa akin ay nananatiling palaisipan.

Pwede ba akong magtanong ng 'saan'?
Tanong na handang kang sagutin magpakailanman.

Saan ako nagkulang?
Pasagot naman baka sakaling aking mapunan ang kakulangan.

Saan ako nagkamali?
Pagkakamali na pwede kong maitama sa huli.

Nasaan ka noong kailangan kita?
Siguro naghahanap ka na ng iba,
Ibang tao na ika'y mapapasaya.

Nasaan ang utak ko noong sa iyo ako'y tanga?
Siguro nga mali na puso ang pinagana,
Ako'y nagpakatanga sayo na palaisipan pa kung tayo hanggang dulo.

Saan ba ang pag-ibig jung ikaw lang ang nagmamahal mag-isa?
Saan ka na pupunta ngayong ang salitang 'tayo' ay wala na?

Poems (English and Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon