Epilogue

29 13 1
                                    

"Hey Jeff! Let's go together!" Wika niya.

"Saan naman tayo paroroon?"

"Dito, gusto kong ikaw ang makakita nang aking pagkamatay," Sabi niya.

"Anong pinagsasabi mong pagkamatay? Jea, nagbibiro ka ba?"

"Ako'y natutuwa't nakilala kita Jeff. Hanggang sa muli nating pagkikita," Wika niya.

"Hindi! Jea gusto pa kitang makasama pa! Huwag mong gawin ito!"

"Di ko na kaya pa Jeff. Sawang-sawa na akong pinapaikot ako ng mundo,"Wika niya. There were no tears in her eyes as she gazed at her slow steps away from me, almost breaking my chest in tears.

"Paalam Jeff, ito ang aking munting regalo para sa'yo. Sana'y magustuhan mo," Wika niya.

"Jeff, anak.. Jeff," Wika ng isang kumikislap sa ulap.

"Ina? Ina bakit ka po naparoon dito?"

"Masaya ako na nakasama mo si Jea. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil isinakripisyo niya ang kaniyang nalalabing buhay para makausap ka," Wika ni Ina.

"S-Si Jea? G-Ginawa niya ang lahat ng ito ng para sakin? Pero bakit Ina?"

"Natatandaan mo ba noong mga nakaraang buwan? Yung mga pinag-usapan niyong dalawa. Gusto niya na maging masaya ka," Wika ni Ina.

"P-Pero nung nakilala ko siya, napawi lahat ng sakit na aking naramdaman. Sana di ko na lang binanggit ang lahat ng iyon."

"Sige paalam na Anak. Hanggang sa muli nating pagkikita," Pamamaalam ni Ina.

"O Jeff nasiyahan ka ba sa aking munting regalo?" Tanong niya.

"Oo nasiyahan ako pero di ko kayang mawala ang tinuring kong tunay na kaibigan!" Sabi ko.

"Paalam na Jeff," Wika niya.

"Jea! Jeaaa! Hindi! Di dapat nangyari sa kaniya ito. Bakit? Ang dami nang nawala.."

"Jeff! Jeff! Jeff gumising ka! Jeff"

My tears would flow and I could not hold back because of the pain I was feeling, "Jea!"

"Jeff ayos ka lang ba?" Tanong niya at agad ko naman siyang niyakap nang mahigpit.

"Jea ayokong isakripisyo mo ang natitira mong buhay para maging masaya ako," Umiiyak kong sambit.

"Jeff binangungot ka tama? Magkatotoo man iyan o kaya naman ay hindi, lagi mo lang iisipin na magkakaibigan tayo hanggang sa huli," Wika niya.

"Ayokong magkatotoo ang di kaaya-kaayang panaginip na iyon. Di ko gustong mangyari iyon sa'yo."

"Ito uminom ka muna ng tubig at huminga ka nang malalim. Kalimutan mo na ang panaginip na iyan Jeff at magsimula muli sa patuloy mong pagkabuhay," Wika niya.

"Salamat Jea, maasahan ka talaga."

"Maiwan muna kita Jeff at mamimili lang ako ng ating makakain mamayang tanghalian," Wika niya.

"Maaari ba akong sumama?"

"Bakit hindi? Mag-amusal ka muna at magbihis," Ani niya.

"Sige susunod ako.."

"Jea nasaan ka na?"

"O Jeff ano handa ka na ba? Kailangan nating bilisan para di tayo maubusan," Wika niya.

At the market

"Sige ano ba ang ating bibilhin?"

"Tatlong kilong bigas, shanghai mix,
shanghai wrapper, at limang mansanas. Yun lang, shanghai kasi ang ulam natin ngayon," Wika niya.

DEAR MY PARALLEL SELF✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon