PAGLISAN

44 6 3
                                    

Sa bawat patak ng luha,

puso ko'y nagwawala

Hindi malaman ang gagawin,

gulong-gulo ang damdamin.


Nang ika'y makilala,

labis akong natuwa

Puso'y binigyang pag-asa,

na sa wakas ay may iibig na.


Mga ngiti mong nakakahalina,

Ang sa aki'y nagpapaligaya,

Sa iyong bawat halakhak

Damdamin ko'y galak na galak.


Sa kaunting oras ng pagsasama,

Ika'y lubos na nakilala.

Sa bawat oras na pinagsaluhan,

Ako'y nahulog ng tuluyan.


Ngunit may mga bagay na sadyang di mapipigilan

Panahong pinagsamahan, mga ala-alang maiiwan.

Sa iyong paglisan, damdamin ay luhaan

Pilit umaasang ako'y iyong babalikan.

CREATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon