SASAMA KA BA?

9 2 0
                                    

Isip at katawan ko' y pagod na
Sa magulong mundo'y nais munang lumaya
Magpakalayo layo at bahagyang huminga.

Kape, libro at sarili lang ay sapat na
Ngunit mas masaya kung ikaw ay kasama
Kung ikaw ay yayayain, sasama ka ba?

Sasama ka ba?
Takasan muna natin ang mundong mapanghusga
Mga matang walang alam kundi pumuna.

Sasama ka ba?
Layuan ang mga taong dulot ay di maganda
Mga bibig na walang magandang salita kundi pangungutya.

Sasama ka ba?
Panandalian nating limutin ang mga problema
Puso at isip natin hahayaan munang mamahinga.

Sasama ka ba?
Isisigaw natin ang mga sakit at hinanakit
Upang ang ating mga nararamdaman maibsan kahit saglit.

Sasama ka ba?
Sasagipin natin ang ating mga sarili
Upang sa pagkalunod di tuluyang magapi.

Sasama ka ba?
Takasan at iwananan muna natin ang reyalidad
Sa malayong lugar sabay tayong maglalakad.

Magkahawak ang mga kamay,
Tatawa tayo ng walang humpay
Panandaliang magpapakasaya sa buhay.

Ano, sasama ka ba?

CREATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon