FRONTLINERS

3 2 0
                                    

Frontliners

Makabagong bayani kung sila'y ituring
Lumalaban sa 'virus' at sa pandemya'y nakikipagniig
Pagsuporta ng gobyerno, at respeto ng mamamayan ang kanilang tanging hinihiling
Upang sa kanilang paglaban sila'y di masuping.

Di alintana ang hirap at pagod
Maging ang panganib na maaaring sa kanila'y idulot
Ang nais lang nila ay wag tayong makalimot
Pahalagahan ang kanilang serbisyo't paglilingkod.

Handa silang suungin ang anumang laban
Lalo na kung ito'y tawag ng katungkulan
Pangakong kanilang sinumpaan
Isasagawa at isasabuhay ng walang pag-aalinlangan.

Mahirap man na sa pamilya ay ma-layo
Ginagawa nila itong inspirasyon upang sa paglaban ay di sumuko
Kinakaya at kakayanin ang mga hamong bumubugso
Dahil ang isang buhay para sa kanila, ay masa mahalaga pa kaysa ginto.

Maraming salamat mga frontliners
Taas noo kami'y sasaludo sa inyong kagitingan
Sa inyong pakikibaka't pakikipaglaban
Ipagdadasal namin ang inyong kaligtasan
Hiling namin sa poong maykapal na kayo'y agapayan
Huwag papabayaan sa gitna ng digmaan
At sasamahan hanggang sa katapusan ng laban. ❤️

CREATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon