ALAALA NG KAHAPON

3 2 1
                                    

A collaboration poetry

Dedicated para sa mga pinakilig at pinaibig ngunit iniwan ng biglaan at walang paalam, or in short, 'naghost.'

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isa, dalawa, tatlo
Mayroon akong kwento
Apat, lima, anim
Samahan mo ako at aking sasabihin
Pito, walo, siyam
Tara na, upang akin ng masimulan

Para kang isang kabuti
Bigla na lang sumulpot sa aking tabi
Nagbigay buhay sa mundong kong walang kulay
Ngunit ito nga ba ay panghabang buhay?

Sa isang iglap ika'y nagparamdam
Kinuha ang aking oras at atensyon
Pumasok sa buhay ko pero di nilinaw ang intensyon
Pagkatapos ay umalis ng walang paalam

Kilig at saya ang aking naramdaman
Sa mga banat mong walang katapusan
Lahat ng sinabi mo ay aking sinakyan
Pati na rin ang iyong kasinungalingan

Ang saya saya pa natin noon
Ang dami mong kwento at banat na baon
Pinatawa at pinakilig mo ako ng todo todo
Yun pala'y yun na ang huli mo!

Ang sabi mo walang iwanan
Ako naman si tanga, naniwala sa iyong tinuran
Ikaw ang aking pangmatagalan
Ngunit di mo sinabi na ako pala ay iyong panandalian lamang

Sabi mo'y kakain ka lang
Ngunit kailanma'y di mo na ako binalikan
Naghihintay ako ditong parang timang
Nag-aabang sa muli mong pagpaparamdam.

Oo nga at walang tayo
Tanggap ko naman na para sayo, ang nararamdaman ko'y isang hamak na biro
Hindi mo din naman sinabing mahulog ako sayo
Pero sapat na bang dahilan yun para bigla kang maglaho?

Nais kitang sumbatan sa biglaan mong paglisan
Ngunit mahal, naalala ko
Wala nga pala akong papel sa buhay mo
Isa nga lang pala akong hamak na laruan sa'yo

Para ka rin palang bula
Bigla bigla na lang nawawala
Matapos magbigay motibo
Iiwan na lang akong gulong gulo

Hindi ako laruan na kapag naluma ay ibabato na lang sa kung saan
Hindi rin ako manika na pwede mong pagsawaan
Hindi rin naman ako bato para hindi maramdaman ang sakit na dulot mo
At higit sa lahat, hindi ako basta babae lang na pede mong saktan

Gaano ba kahirap ang magpaalam?
Kung sapat naman ang iyong dahilan, sa tingin mo ba'y di ko maiintindihan?
Hindi naman ako sakim at gahaman,
Para di kita palayain sa larong iyong sinimulan.

Mahirap, masakit ang maiwan
Lalo na kung walang sapat na dahilan
Kung bakit pag-alis mo'y tila biglaan
Na hindi mo man lang naisip kung anong aking mararamdaman.

Kung sinabi mo lang ng mas maaga
Na huwag akong umasa
Maiintindihan pa sana kita
Hindi yung iiwan mo na lang ako basta basta

Hindi ko naman hawak ang buhay mo
Maiintindihan ko, iintindihin ko, kung anuman ang rason mo.
Ang sakit lang sa parte ko,
Matapos mo akong pakiligin ng todo, sa isang iglap ay iniwan mo ako.

Hanggang dito na lang ba talaga?
Hindi mo na babalikan ang ating mga alaala?
Itatapon mo na lang na parang basura?
At ituturing na ang pinagsamahan ay walang kwenta?

Siguro nga'y hanggang dito na lang
Hindi na ako aasang iyong babalikan
Ngunit sa kabila ng lahat nais pa rin kitang pasalamatan
Sa lungkot at saya, sa masasaya at masasakit na alaala
Bagamat ang tayo ay hindi nagtagal
Buhay ko'y nagkakulay kahit panandalian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CREATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon