Chapter 9

108 6 0
                                    

Chapter 9

___

Sharlene's Point Of View

"Jah." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Sana ganito lang tayo kasaya lagi." Sabi ko, gusto ko na masaya lang kami, at sana matapos na 'tong mga problema na dumarating sa buhay namin.

"Sisiguraduhin ko 'yan Shar. Pangako." Sabi niya kaya napangiti ako. Mahal na mahal kita kahit kailan di nawala 'yon.

Binatukan ko nanaman siya, wala trip ko lang.

"Aray! Bakit mo ko binatukan?" Tanong niya.

"Wala." Sabi ko at tumakbo nanaman palabas ng kwarto.

"Hoy Sharlene San Pedro, namumuro ka na ah." Dinig kong sabi niya kaya mas napatakbo ako.

Naghabulan kami ulit at ng mahuli ako ay gumanti siya sa pagitan ng pagkiliti sakin.

Nang napagod kami kakatawa at kakatakbo ay naisipan naming magluto at kumain. Nagluto ako ng beef steak para sa ulam namin ngayong gabi.

Nang matapos akong magluto ay kumain na kami at Nang matapos kumain ay naligo na siya, ako naman ay nag scroll lang sa Twitter.

'Happy to be with you'

Naisipan ko na rin magtweet haha masaya ako kasi kasama ko na siya ulit. Pero di pa ito tapos marami pa kaming kailangang gawin.

Nailapag ko ang phone ko sa mini table dito sa sala ng may magdoorbell. Lumakad ako sa pinto at tinignan kung sinong nagdoorbell ng makitang si Stell yon ay binuksan ko na ang pinto.

"Oh Stell, bat nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

Pinapasok ko muna siya at pinaupo sa couch.

"Sharlene si Alex kasi." Sabi niya

"Ano meron kay Alex?" Nabaling ang attensyon namin kay Jah na kakalabas lang ng banyo at nagpupunas pa ng buhok.

"Jah, tinawagan ako ni tita loraine, muntik na daw mamatay si Alex, naglaslas siya–"

"What?!" Sigaw ni Justin. "Kailangan ko siyang puntahan." Sabi niya kaya agad kaming pumunta ng hospital.

Nang makarating kami doon ay naabutan namin sila Josh at yung iba pang kaibigan ni Justin na nandoon narin. Nasa labas lang sila ng kwarto ni Alex at naguusap usap.

"Oh Jah." Si Josh.

"How is she?" Tanong ni Justin.

"She's fine, nagpapahinga na siya. Nandyan sila tita sa loob."
Sagot ni Josh.

Sinilip muna ni Justin sa bintana si Alex bago tuluyang pumasok. Ako naman ay naupo katabi ni Jasmine.

Lumipas pa ang ilang minuto at di parin lumalabas si Jah sa loob. Lumabas narin kanina yung mommy yata ni Alex.

"Bakit niya ba kasi ginawa yon?" Tanong ni Maecy.

"Di pa ba halata na dahil ito kay Sharlene at Justin?" Tanong ni Jane at napatingin naman ako sa kanya.

"Oo na kasalanan na namin." Napatingin naman kaming lahat kay Justin na kakalabas lang galing sa kwarto ni Alex.

"Sorry guys, I'm sorry." Pahingi ko ng tawad. Nakokonsensya   narin kasi ako. Kasalanan ko talaga ito.

"Ok lang Shar." Sabi ni Jane. "Ang mas inaalala ko ngayon pa ano ito malalagpasan ni Alex. We need to help her." Dagdag niya pa.

"Guys may kailangan pa akong sabihin." Sabi ni Jah.

"Ano yon." Tanong naman ni Jasmine.

Lumingon lingon muna si Justin sa paligid at huminga ng malalim bago magsalita.

"Si mommy, siya ang dahilan ng aksidente namin. Sinadya niyang  sagasaan ang kotse na sinasakyan namin noon. " Sabi ni Justin na ikinagulat naman nila Josh.

"What?! You mean mommy mo ang may kasalanan? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ni Sejun.    

"Guys, hindi na yon importante sa ngayon kailangan ko ng tulong niyo." Sabi ni Justin. "May isa pa siyang kasabwat, at di ko inaasahang magagawa yon ng taong yon."

"Sino naman Jah?" Tanong ko.

"Sorry Sharlene, di ko gustong malaman mo ito. Si Nash. Siya ang kasabwat ni mommy. Di ko alam kung anong ugnayan niya sa mommy ko. Kung ano man iyon aalamin natin."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Si Nash? Anong kinalaman mo sa aksidente namin Nash?

"Teka? Paano ka nakakasiguradong kakampi ng mommy mo si Nash? Matagal ko ng kilala si Nash eh." Tanong ko. Di talaga ako makapaniwala.

"Nung nasa hospital ako, narinig ko ang paguusap nila. Gusto talaga akong patayin ni mommy at si Nash ang inuutusan niyang patayin ako." Sagot niya na mas ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala na magagaw ni Nash yon. I mean he's my friend, mula ng dumating ako sa U.S siya ang umalalay sakin. But.. It's all fake! He's fake!

"Anong gagawin namin? Natin?" Tanong ni Stell.

"Naisip ko na kailangan muna nating patunayan na si Mommy ang may pakana nito. For sure may mga sekreto pa siyang tinatago." Ani Justin.

Pagkatapos namin magusap at magplano ay umuwi na kami ni Jah sa condo. 

"Justin?" Tawag ko sa kanya.

Kakarating lang namin dito sa loob ng unit.

"Hmm?" Tanong niya.

"Tingin ko. Ako ang makakatulong sayo. Mahal ako ni Nash pwede ko yon gamitin para makakuha ng ibidensya." Sabi ko.

"No. Shar alam ko gusto mong makatulong. But it's  very dangerous, hindi natin kilala si Mommy at si Nash, pwedeng nagpapanggap lang si Nash na gusto ka niya para makalapit sayo? Kaya di pwede ayaw kong may mangyari sayo, na wala ka na noon ayaw ko maulit yon." Sabi nito at tumayo papunta sa Kwarto.

"Jah. Please let me help you."

"Sharlene San Pedro. Hindi pwede okay?" Tinanguan ko nalang siya. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto at ako naman ay naupo nalang sa sofa.

_____

To Be Continued...

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Where stories live. Discover now