Chapter 12

80 6 0
                                    

Chapter 12

___

2 Months Later...

Nash's Point Of View

Nandito ako ngayon sa kulungan kung nasaan si Mama. Bibisitahin ko siya.

Nang bumukas ang selda kung nasaan siya ay napangiti ako ng mapait. Sobrang miss ko siya pero marami pa siyang kailangang pagbayaran sa kulungan.

"Anak? Palalabasin mo na ba ako?" Tanong niya ng makaupo sa kabilang side ng mesa.

Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Ma. Alam ko gustong gusto mo nang lumabas pero ilang years pa bago ka makakalabas diyan eh." Sabi ko sa kanya.

Bigla niyang binitawan ang kamay ko.

"Wala kang kwentang Anak!" Sigaw niya.

"Tama ka. Wala nga akong kwentang anak. Kasi di kita natulungan di kita napigilan sa mga kabaliwan mo." Sabi ko sa kaniya. "Ang mabuti pa, magpakabait ka nalang Ma. Baka sakaling mabawasan ang mga kasalanan mo. Mahal na mahal kita Ma. By the way, aalis na nga pala ako babalik ako sa U.S doon na yata ako titira. Iiwan nanaman kita Ma." Nakangiting sambit ko at hinawakan muli ang kamay niya. "Lagi mong tandaan na mahal kita Mama. Mahal na mahal."

Binitawan ko ang kamay niya at tumayo na para umalis. Narinig ko pa ang ilang nga sinabi niya at napangiti nalang ako dahil alam ko naman na kahit wala akong kwenta para sa kanya, mahal niya parin ako.

Iiwan ko siya para sa sarili kong kaligayahan, iiwan ko siya para limutin lahat ng nangyari dito.

Pumunta ako sa bahay ni Justin. Lumipat na sila ni Sharlene sa bahay niya nung nakaraang linggo lang. Malapit narin ang birthday ni Sharlene kaya naisip ko na bago ako umalis ay bigyan ko siya ng regalo. Papaalam narin siguro ako.

Nang makarating sa tapat ng bahay nila ay nag door bell na ako. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto nung maid nila.

"Hi sir." Bati niya sakin.

"Nasan po sila Sharlene?" Tanong ko.

"Naroon po sa kusina, nagluluto." Sabi ni Manang kaya pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko nga silang nagluluto. Ang sweet naman sana all.

"Ehem!" Napatigil naman sila nang marinig ako.

"Oh Nash." Si Sharlene. Nilapag niya ang hawak niyang sandok sa mesa at hinubad ang apron niya.

"Kahit kailan talaga oh, abala ka talaga samin Nash." Natawa naman ako sa sinabi ni Justin.

"Hoy tumigil ka diyan." Saway naman ni Sharlene. Natawa naman kami ni Jah.

"Nagbibiro lang naman ako eh." Sabi ni Justin.

"Sorry bro. Don't worry wala ng mangungulit at mangiistorbo sa inyo." Sabi ko.

Natawa ako dahil sa mga itsura nila. Gulat na gulat.

"What do you mean?" Tanong ni Justin.

"Babalik na akong U.S" Sagot ko naman..  "Yung itsura niyo, don't worry babalik balik pa naman ako dito."

"Bakit naman kasi biglaan?" Tanong naman Sharlene.

"Sorry na." sagot ko lang at kinindatan siya. "By the way. Here." Inabot ko ang regalo na ako mismo ang gumawa at nag design.

Akmang bubuksan na ni Sharlene iyon pero pinigilan ko siya.

"Sa birthday mo. Doon mo na yan buksan." Sabi ko at nginitian sila. "Paano? Alis na ko. See you again. Bye." Naglakad na ako paalis.

___

Two Weeks Later

Nandito ako ngayon sa bahay ko, last week lang ako dumating galing Pilipinas. Ngayon ang birthday ni Sharlene at wala pa akong balita kung ano bang nangyari doon, busy rin kasi ako dito kaya di na ako masyadong nakakapagtext o tawag sa kanila.

"Sir Nash, ito na po yung pinapahanap niyo." Nabaling ang atensyon ko kay Manang na kakarating lang galing budega.

Inabot niya sakin ang litrato na kahapon ko pa pinapahanap sa kaniya...

Litrato ni Sharlene nung nandito pa siya. Nasa beach kami no'n dahil sembreak at sa beach namin naisipang magbakasyon.

Napangiti nalang ako, miss ko na agad ang best friend ko. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya pero di na pwede dahil may Justin De Dios na siya. Pero masaya rin naman ako dahil alam ko na masaya siya sa piling ni Justin at okay na ako kapag masaya siya.

Miss You Sharlene San Pedro...

"Manang, pasabit na po 'to sa—" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla kong nabitawan ko ang litrato at nabasag ang glass nito..

"Ay masamang pangitain!" Sigaw ni Manang.

"Ano po?" Tanong ko kay Manang. Anong masamang pangitain?

"Ah kasi sir, pag nabasag daw po ang isang litrato, may masamang mangyayari o nangyari po. Di ko po sure sir, basta 'yon sabi ng Nanay ko.." Sagot niya. Bigla naman akong kinabahan ng hindi ko alam.

"Ay nako manang, kung ano ano nanaman po yang iniisip mo." Sabi ko lang.

Inutusan ko nalang siyang, dalin yung nabasag na frame sa baba at papalitan narin ng frame.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagcellphone nalang. Sinubukan kong tawagan si Sharlene pero di siya sumasagot sa tawag ko. Si Justin rin tinawagan ko pero di rin siya sumasagot.

Mukhang busy sila ahh. Mamaya na nga lang ako tatawag.

Ilalapag ko na sana ang phone ko nang biglang nagring ito. Agad ko naman tinignan kung Sino tumatawag. Si Grace.

On call

"H-hello Nash."

"Grace? Umiiyak ka ba?

"Nash.."

"Grace bakit ka umiiyak?"

"S-si Sharlene kasi."

"What happened to Shar?"

"Nash, nabaril siya."

"W-what?!"


______

...To be Continued...

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Where stories live. Discover now