Chapter 5

112 8 0
                                    

Chapter Five

_____

Justin's P.O.V

"Jah gusto ko pumunta doon!" Ani ni Alex at hinila sa isang booth si Justin. Nasa Amusement Park sila kasama si Sharlene na parang third party sa date ng dalawa o mas tamang sabihin na si Alex ang third party.

"Hindi ka pa ba pagod Alex?" Tanong ni Jah.

"Hindi pa haha..."

"Oh sige saan mo pa gustong pumunta?"

"Hmm doon." Ani ni Alex at naglakad nanaman ang dalawa papunta doon habang si Sharlene ay napagdisisyonan na lamang na umupo sa isang bench dahil pagod na rin siya.

"Boo!" Sigaw ng isang lalaki at nagulat naman si Sharlene at napatingin dito.

"Stell?" Umupo si Stell sa tabi ni Sharlene.

"Ano kamusta? May nangyari na bang improvement sa memories ni Jah?"

"I don't know... Mukhang wala namang nagbabago.." Malungkot na ani ni Sharlene. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Wala gusto ko lang sumama sainyo saka nagmumukha kang asungot sa date nung dalawa, gusto mo date din tayo?" Sarkastikong ani ni Stell.

"Buang haha pero tara nabobored din ako eh... Kanina pa ako ginagawang ano dito.."

Tumayo ang dalawa at pumunta sa isang stand ng food dito sa park. Bumili sila ng pagkain tapos ay naggala din habang sila Jah at Alex ay may sarili ding moment, di nila napansin na hindi pala nila kasama si Sharlene kaya nung medyo hindi na hinahatak ni Alex si Jah ay doon niya lamang napagtanto na wala si Sharlene.

"Bakit Jah?" Tanong ni Alex.

"Si Sharlene di na natin kasama."

"So? Malaki na siya kaya na niya sarili niya 'no."

"We need to find her Alex baka mapahamak yon dito."

Dali daling hinanap ni Justin si Sharlene habang si Alex naman ay sunod lang ng sunod sa kanya.

"Come on Jah I think umuwi na 'yon." Ani ni Alex habang hinahabol si Justin.

Ilang sandali pa ay naaninag na ni Justin si Sharlene pero nagtaka siya bakit may kasama na ito. Inakala niya na baka nakikipagflirt ang babae kaya agad niyang sinugod ito.

"Sharlene!" Napatingin si Sharlene sa lalaking sumigaw at na kita niya si Justin na papalapit at mukhang beast mode.

"Jah?" Napatingin naman din si Stell sa likuran at nanlaki ang mata ni Jah ng makita si Stell. Akala niya kasi kung sinong lalaki ang kasama nito.

"S-stell?"

"Hey Jah! Haha pasensya na ah sumunod ako dito..."

"O-okay lang, akala ko nawawala na si Sharlene eh kasama ka pala niya kaya panatag na ako." Nakangiting ani ni Justin at hinila paalis si Alex.

"Concern siya sa'yo?" Tanong ni Stell. Napakamot naman ng ulo si Sharlene at nagkibit balikat dahil siya rin di niya alam kung concern ba ang lalaki sa kanya. "Tara do'n nalang ta'yo." Ani pa ni Stell. Tumango lang si Sharlene at nagtungo sila sa bench.

"Wait bili lang ako drinks." Ani naman ni Stell, tumango lang si Sharlene at tinignan sa 'di kalayuan sina Justin at Sharlene na mukhang masayang nagbobonding.

"Mukhang okay naman talaga sila." Bulong nito sa kawalan habang nakatingin sa kanila. "Makakasira lang talaga ako sa kanila..." Napayuko siya.

"Iiyak ka nanaman?" Napatingin siya kay Stell na nakangiti at may hawak na softdrinks. Tumabi siya kay Sharlene at inabot ang soft drinks at kinuha naman ito ni Sharlene.

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Where stories live. Discover now