Chapter 10

92 4 0
                                    

Chapter 10

___

Nash Point Of View

Nandito ako ngayon sa pinagusapang lugar namin ni Mama. Ayaw ko na sumunod sa gusto niya, pero kailangan dahil gusto kong makuha si Sharlene mula sa lalaking yon.

"Nash!" Napatingin ako sa may di kalayuan nakita si Mama.

"Ma." Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.

Naglakad na kami papunta sa doon sa condo kung saan ako tumutuloy.

"Bakit kasi di mo pa sila pinatay? Alam mo namang sagabal ang dalawang iyon sa yaman na makukuha natin!" Sigaw niya.

"Ma. Alam mo naman di ko kayang patayin si Sharlene." Sabi ko naman.

"Stupid! Mahal mo si Sharlene? Magmamahal ka na nga lang sa maling tao pa! Nakakalimutan mo na ba na hindi ka mahal ng Sharlene na yon? Si Justin ang mahal niya remember?"

"Stop it! Wala akong pakialam kung mahal niya yung anak mo! Sharlene is mine! Mapapasakin siya."

"Hey wag mo nga sabihing anak ko yon. Kasi hindi ko siya anak." Sabi niya.

Oo nga pala. Di niya totoong anak si Justin kasi ako ang anak niya. 20 years ago namatay ang mommy ni Jah at bata pa lang daw siya noon. Laging kinuwento sakin ni Mama na namatay ang totoong ina ni Jah dahil kagagawan din ng nanay ko. Hindi alam ni Justin na di niya tunay na ina si Mama, si Mama lang at ang daddy ni Jah ang nakaka-alam.

Justin's father died nung 10 years old siya, pinalabas ni mama na nagpakamatay ang daddy niya, pero hindi, pinatay ni mama ang daddy ni Jah. Binalak niya ring patayin si Justin at yung girlfriend niya na si Sharlene pero di sya nagtagumpay at ngayon gusto niya sarili niyang anak ang pumatay kay Jah. Gusto niya ako ang pumatay kay Jah.

Alam na ni Justin na si Mama ang nagtangkang pumatay sa kaniya, kaya gusto niya na patayin ko sila. Pero di ko na kaya ang ginagawa niya. Hindi ko kayang patayin si Sharlene.

"We need to end this Nash!" Sigaw ni mama kaya nabalik ako sa realidad. "Ako na ang papatay sa dalawang iyon."

Hindi na pwede ito. Ayaw ko mawala si Sharlene. Mama.

Matapos ang mahabang paguusap ay umuwi narin siya.
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang magring ito.

Sharlene is Calling...

"Hello Sharlene"

"Nash? Pwede ba tayo magkita?"

"Sharlene... May gusto akong sabihin."

"Ano yon?"

"We need to talk somewhere, yung tayong dalawa lang."

"S-sige..."

End Call

________

Agad akong nagbihis. Kailangan mo ng malaman ito Sharlene. Ayaw ko ng magsunod-sunuran.

Nang makarating sa cafe ay agad akong bumaba ng kotse para pumasok.

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Where stories live. Discover now