Chapter Two: Kingkong

27 17 0
                                    


VENENZIA'S UNIVERSITY



It's Back-To-School! Kaya naman pala umuwi agad si Hearon, dahil napag-alaman ko na dito na s'ya sa Pinas mag-aaral. May makakasama na naman ako na makulit sa buong school-year.

Pagkagising pa lang ay agad ko ng ginawa ang morning routine, maaga talaga akong pumapasok kahit pa sabihin na first day of school naman, kaya pwedeng ma-late, right? Left? Joke.

"GOODMORNING UNIVERSE!" masiglang sigaw ko habang pababa ng stairs.

"Ija, magdahan-dahan ka nga sa pagbaba mo. Para kang hindi babae n'yan." lumapit sa akin si Dad at inalalayan ako. Aww.

Nakangiti ko s'yang tinango at nagpa-alalay na lang din. Hanggang sa makarating kami sa sala. Rinig ko na ang tawanan at amoy na amoy ko na ang mga nakahain na masasarap na pagkain. Yay! Kainan na!

Masigla akong umupo at kumuha ng kobyertos at ng plato. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang masarap na bacon at hotdog. Wow!

"Ate mukha kang tanga. Hahahaha." wag kang mang-inis ng maaga, Hearon. Iiwanan kita.

"Hope, anak can you please slow down." ani pa ni Mom.

Hindi ko sila pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang sa pagkuha ng mga ulam at ng brown rice.

"Hope, you can eat them without panicking." Ate Heaven said while looking at me with those green-eyes of her.

Napapalunok ko namang binagalan ang pag-kain ko at yumuko na lamang. Nakakatakot kapag si Ate na ang nagsalita. Oo nga naman, makakain ko naman ang mga ito ng hindi nag-papanic.

Paano naman kasi hindi ako naka-kain pag-uwi namin kahapon galing sa simbahan. Kumain lang ako noong tanghalian tapos maghapon na akong nasa kwarto at nag-iisip tungkol doon sa lalaking arogante. Hindi ko na rin nalaro si Hearon dahil pakiramdam ko sobrang pagod ako.

Saan kaya s'ya nag-aaral? Makikita ko pa kaya s'ya? Psh. Bakit ko ba iniisip 'yong lalaki na iyon? Tss. Kung maka-tanong kung pangit daw ba siya? Sino ba nagsabing may gwapong unggoy? 'Yong mukhang iyon, gwapo?

"Yuck! Hindi naman s'ya gwapo." sambit ko pa habang hinihiwa ang steak. Sabay subo nito.

"Sino?" buo kong nalunok ang hiniwa kong steak.

*cough* *cough*

Mabilis akong inabutan ni Hearon ng tubig at ganun na lang ang panginginig ko habang umiinom.

Naiilang akong napa-tingin kay ate na ngayon ay naghihintay ng sagot ko. Ganun din sila Dad, habang si Hearon ay patuloy lang sa pag-kain.

"Sinong tinutukoy mo na hindi naman gwapo?" tanong ulit n'ya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lamang ang paningin sa pagkain ko.

Anong isasagot ko? Malalagot ko nito kapag sinabi ko 'yong totoo. Tiyak, mababatas ako.

"Baka 'yong lalaki na nabunggo n'ya sa simbahan kahapon, ate Ven." Hearon.

Jaw dropped! Hands-down!

Napa-pikit ako ng mariin dahil sa pag-sabat ni Hearon. Bakit ba ang daldal nitong kapatid ko? Nandoon na ako e, handa na akong mag-sabi ng white lies tapos bigla s'yang gumanon.

"Hindi ako ang nakabunggo sa kan'ya! It's him! And I'm not thinking that guy." pagpapalusot ko pa saka nagpatuloy sa pag-kain.

Hindi inalis sa akin nila Ate at Dad ang paningin nila sa akin! Patay na talaga!

YOU'RE MY PAINWhere stories live. Discover now