EULIII14

657 27 13
                                    

-

"Welcome to Deep 16, Mr. Miles Espinosa..."

-

Third Person's POV

"Thank you... Ms. Grey... you did your job well." Huling sabi ni Miles sabay kinamayan ang artista. Pasimple niya pa itong sinamahan ng maliit na sobre at tumango.

Nang kumawala ang parehas na mga kamay, ngumiti lang ang artista at binulsa ito. Si Miles naman ay agad na naglakad palabas ng studio.

Mabilis. Nagmamadali. Sukbit sa kaniyang labi ang ngiti dahil sa isa nanamang magandang plano ang natupad. Sinalubong siya ni Paulo at sabay na naglakad palabas ng nasabing silid.

Tuluyan na silang nakaapak sa labas ng gusali at bumungad sa kanila ang sangkatutak na engrandeng sasakyan.

"Mr. Espinosa..." sabi pa ni Paulo nang pagbuksan ng pinto ang amo. Ngumiti lang ito at tumango bago paunlakan.

Nakaalis na ang sasakyan ngunit hindi parin nawawala sa kaniyang labi ang ngiti. Marahan pa itong tumawa na kinatingin sa kaniya ni Paulo.

"Paulo, ME Group must be shaking..." umiiling-iling na sambit ni Miles at muling tumawa.

"You did well, sir..." sagot naman ni Paulo.

Tumingin pa si Miles sa daang tinatahak bago muling nagsalita. "Are you ready? Paulo..." tanong nito sabay nagtaas ng kilay sa tauhan.

Tumango lang si Paulo bilang pagsagot. "I-harurot mo na 'to!" Biglang baling ni Miles sa nagmamaneho bago sumigaw.

"We're going to Deep 16!"

-

"---until he's proven dead, my son, Kean Josh Pangilinan will take the chairmanship of ME Group..."

Sa narinig ay mas lalong nag-igting ang bagang ni Skyrus. Maging ang kaniyang mga kamay ay hindi niya na napigilang hindi kumuyom.

Agad siyang tumayo upang umalis na sana ng conference room nang mahigpit siyang hinawakan ni Kean upang pigilan.

"What?!" Malakas na bulyaw niya dito na pumukaw sa mga taong nasa likod nila. Maski ang nagsasalitang si Edward ay napatingin pa sa magkaibigan.

"Sky... sit down..." mahina ngunit matigas namang usal ni Kean. Napansin ni Skyrus na maraming nakatingin sa kaniya kaya't minabuti niya na lamang na muling umupo.

"What are you doing?!" Pasigaw na bulong ni Kean nang makaupo ang kaibigan.

"Aalis na sana ako..." wala sa wisyong sagot nito. Tumingin pa siya saglit kay Kean bago pasigaw ring bumulong.

"---kaso pinigilan mo pa 'ko!" Usal nito. Napatingin pa si Kean sa paligid upang alamin kung may nakarinig ngunit ang lahat ay nakatuon sa sinasabi ng kaniyang ama sa harapan.

"What the fuck is wrong with you?!" Dagdag na usal ni Kean kay Skyrus. Ang kaninang titig ng huli sa nagsasalita sa harap ay nawala dahil sa sinabi ng kaibigan.

"At sayo pa nanggaling?! What the fuck is wrong with you and your father?!" Panguna ni Skyrus. "I told you, Eul is not dead... pero paulit-ulit niyo siyang pinapatay!" Segunda nito.

"I know... kaya nga hindi tayo tumitigil para hanapin siya..." mahinahong sagot ni Kean kay Skyrus.

Napailing nalang si Skyrus sa sinagot ng kaibigan. Tumingin pa siya saglit kay Edward at muling bumaling kay Kean.

"Hindi na kita kilala Kean... hindi ko na alam kung nasaan na yung dati kong kaibigan..." ang kaninang nanggagalaiting boses ay nagbago't huminahon.

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon