EULIII33

530 37 7
                                    

-

"Di ko alam... parang di ko na kayang maging masaya..."

-

Third Person's POV

Makalipas ang tatlong araw na paghihintay sa resulta ng mga nagawang tests upang matukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay, ay tuluyan na nila itong natanggap.

"General Guevarra!" Bungad ni Edward pagpasok nito sa opisina ni Eul. Masugid namang naghihintay si Kean na ngayon ay nakaupo sa dating upuan ni Eul at ang abogadong si Atty. Mendoza na nasa couch.

Nakasunod pa sa heneral si Sheena bitbit ang iPad nito. "Please, take a seat..." paganyaya ni Edward sabay turo sa upuang katabi ng abogado. Agad naman siyang sinunod ng heneral. Kinamayan pa siya nito at ang abogado bago umupo.

"General Guevarra, are those the results?" Tanong ni Kean sabay tayo habang turo ang hawak ng heneral. Saglit na tumingin pa ang heneral kay Edward bago sagutin si Kean.

"Yes... Mr. Pangilinan... these are the results of the DNA test and the autopsy report..." sabay lahad ng mga bitbit na papeles kay Kean pagkaupo nito sa kaniyang harapan.

Nang makuha ito ng huli ay biglang binalingan ni Edward ang nakatayong si Sheena sa gilid ng lamesa ni Eul. "Ms. Serrano, you can go..." pagpapaalis ni Edward kay Sheena. Saglit na nalito ang huli kaya't hindi agad naka-react sa sinabi ni Edward.

"No... she should hear these..." pagsegunda ni Kean upang manatili si Sheena. Napakunot naman ang noo ni Edward at pagkuway na ngumiti sa bwelta ng sariling anak.

Kukunin na sana ni Kean ang papel sa loob ng envelope nang bigla itong magbago ng isip. Pumikit nang malalim at umiling. "Atty... I can't..." mahinang sambit ni Kean sabay abot sa abogado upang ito ang magbasa ng resulta.

Ginawa naman ito ng huli at nilabas ang mga papel sa naturang envelope. Sa sandaling iyon ay nilamon sina Kean at Sheena ng matinding kaba. Ang huli pa'y sumandal sa lamesa upang makatayo nang maayos dahil sa nanginginig na binti.

Tumingin muli ang abogado kay Edward na ngayon ay nakasandal sa malambot na upuan habang nakatitig sa heneral bago nagbasa nang malakas.

"Probability of peternity of the unidentified body to Mr. William Espinosa is 99.98 percent" sa narinig ay tumango-tango na lamang si Kean at kinagat ang ibabang labi upang magpigil ng emosyon.

Si Sheena naman ay di na napigilan ang sarili at muling naluha sa resultang narinig. Masasabing ito na ang huling makakapagpatunay na wala na talaga si Eul at wala na silang magagawa pa kundi tanggapin nalang ang mapait na sinapit nito. Nagmadali pa siyang lumabas ng opisina. Napansin naman ito ni Edward na pasimple niyang ikinangiti.

"The autopsy report shows---" natigil ang sunod na winiwika ni Atty. Mendoza nang tumayo si Kean at magsalita.

"Stop..." pagpapatigil niya sa abogado sabay baling sa heneral. "Thank you General Guevarra..." at kinamayan ito. Tumayo na rin ang huli at simple nang naglakad palabas ng silid.

Si Kean naman ay bumalik sa dating kinauupuan at masugid na humarap sa dalawa bago muling naglitanya.

"Let's proceed to our next legal step..."

-

"Mr. Espinosa..." bungad ni Mr. Pontigon at sinabayan si Miles sa paglalakad nito patungo sa elevator na magdadala sa kaniya patungong Deep 16.

Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Mr. Pontigon na nagawa nitong makapasok sa naturang palapag. Hindi niya lubos maisip ang malalang resulta ng pagkamatay ni Eul.

Sa pagkakataong ito ay hindi niya na alam kung sino ang papanigan lalo na at mabigat ang mga pasaring ni Miles laban sa mga Pangilinan. "Buti naman at kumikilala ka na..." sabay ngisi ni Miles kay Mr. Pontigon. Labag man sa loob ay ngumiti nalang ang huli dito.

"Wait for me..." baling ni Miles kay Paulo bago magsara ang elevator. Naiwan sa labas si Paulo kasama ng sangkatutak na mga bodyguards na pinamumunuan ni Mr. Pontigon. Saglit pa silang nagtinginan ngunit mabilis ding nagbawi.

-

Sunod-sunod na malalakas na katok ang gumising kay Spiro. Dumapa pa siya at sumubsob sa mga unan upang takpan ang taenga.

"Spi... tatlong araw ka nang nagkukulong! Papasukin mo naman ako! May dala akong mga pagkain..." rinig niyang sigaw ni Kevin sa pagitan ng malalakas na katok.

"Spiro! Ano ba?! Papasukin mo ako!" Muling sigaw nito at mas lalong lumakas ang bawat katok. Ang mga unan ay nawawalan na ng silbe dahil sa sobrang kaingayan kaya't kamot-ulo siyang bumangon mula sa pagkakadapa.

"Saglit! Magbibihis ako!" Sigaw niya pabalik at naglakad upang kumuha ng tuwalya at tinapis iyon sa kaniyang bewang. Binuksan ang pinto at bumungad sa kaniya si Kevin na may bitbit na mga pagkain.

Mabilis itong hinablot ni Spiro at dumiretso sa lamesa upang lantakan ang mga iyon. Umikot ang tingin ni Kevin sa silid ni Spiro na ngayon ay sobrang gulo.

Samu't saring mga saluwal, damit at pantalong nakakalat sa sahig. Maging ang kaniyang kama ay di nakaligtas sa sariling kagarapalan.

Tumingin siya kay Spiro na ngayon ay tila gutom na gutom kung magsalpak ng pagkain sa kaniyang bibig. "Spi... hindi mo na naaalagaan yung katawan mo..." sita niya sa kaibigan nang mapansin ang binagsak ng katawan nito ngunit di siya pinansin bagkus ay tinuloy lang ang pagkain.

"Lahat ng mga kontrata mo, terminated na..." dagdag pa niya. Sa narinig ay saglit na tumingin sa kaniya si Spiro at nagsalita. "Babayaran ko lahat 'yon... kung gusto mo, bayaran mo ngayon..." at muling bumaling sa kinakain.

"Hindi naman 'yon yung issue dito eh... ang sinasabi ko, pabagsak na career mo... hindi mo pa inaalagaan yung katawan mo, ang payat-payat mo na Spi... may mga kumukuha pa sa'yo pero di ko na tinatanggap---" natigil siya sa kaniyang paliwanag nang marinig ang padabog na bagsak ni Spiro sa kaniyang kinakain.

"Titigil na ako..." at tumayo. Napako si Kevin sa kinatatayuan dahil sa hindi inaasahang sasabihin ng kaibigan. Pumunta ito sa sariling drawer at kinuha ang tseke. Saglit na sinulatan niya 'yon at pinunit sabay abot kay Kevin.

"Bayaran mo lahat ng termination fee, yung natira, sa'yo na... ide-deposit ko nalang sa account mo yung sahod mo this month..." wala sa wisyong sabi ni Spiro. Hinawakan niya ito sa braso at marahang hinila palabas ng kaniyang pinto.

"Salamat sa lahat Kevin... pero I can't do anything anymore..." makabuluhang wika ni Spiro at sa isang iglap ay sinarado nang pabalang ang pinto.

Ang kaninang gutom ay biglang nawala. Umupo siya sa kaniyang higaan at kinuha ang magazine na ilang araw niya nang yakap sa pagtulog. Ngumiti siya roon at bumulong sa hangin.

"Alangan namang sisihin pa kita... eh wala ka na..." at mapait na ngumiti sa imahe ni Eul. Saglit niya itong hinalikan at niyakap upang muling isama sa kaniyang paghiga.

"Di ko alam... parang di ko na kayang maging masaya..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon