EULIII50

730 30 22
                                    

-

"---you are under arrest with the crime of murder of William and Jade Espinosa---"

-

Third Person's POV

"Natagpuang agaw buhay ang isang lalaki sa kahabaan ng Dela Fuente Street sa Sampaloc, Maynila ganap na alas nueve kagabi. Ayon sa mga saksi, ang lalaki ay tinapon sa nasabing kalsada ng isang itim na van."

"Nakita namin, sinipa siya ng lalaki galing sa loob ng van tapos humarurot na paalis... nung nilapitan namin yung lalaki puro dugo yung mukha niya hanggang tiyan... hindi ko lang alam sa hita kasi nakapantalon---ayon sa saksi."

"Sabi naman ng hepe ng presinto sais---we're looking into possibilities of drugs no... sa ngayon hindi pa natin masabi yung motibo ng krimen pero kung sino man ang gumawa nito sa kaniya, mga walang awa---dagdag pa niya, kinalap na rin nila ang mga CCTV footages sa nasabing lugar."

"Dinala ang lalaki sa Chinese General Hospital at kasalukuyang nagpapagaling---"

-

Sa loob ng silid na puno ng mga malalaking monitor, tuloy-tuloy parin ang isinasagawang pagiimbestiga sa kung sino ang salarin sa pagkamatay ng magasawang William at Jade Espinosa.

Hanggang ngayon ay wala parin silang solidong ebidensya na makapagtuturo sa kung sino ang kriminal na ito. Halos tatlong buwan na ngunit bigo parin silang matukoy ang identidad ng lalaking lumabas mula sa bakuran ng mansion tatlong minuto matapos ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng kuwarto ng magasawa.

Napatitig muli siya sa malaking monitor at masugid na pinanood ang paulit-ulit na video.

"Mr. Pontigon..." pagkuway na tawag ng isang ahente sa kaniya. Nilingon niya ito at mabilis na nilapitan.

"Someone sent us a dashcam footage..." segundang sabi nito sabay pakita ng video na mula sa kotse.

"I already checked the time and location sir... and it matched... ten minutes mula sa oras ng pagtalon sa bakuran ng mansion at yung location is also ten minutes away" dagdag pa niya.

Si Mr. Pontigon naman ay umupo na upang mas masuring mabuti ang pinapanood. Nanlaki pa ang mga mata nang tuluyang makilala ang bulto ng taong nahagip ng dashcam.

"Impossible!" Malakas na sambit niya pa at napatayo. Napukaw noon ang atensyon ng lahat na napatigil na rin sa kani-kaniyang mga ginagawa.

"All of you, confirm this video... this must be edited or tampered... hindi tayo pwedeng magkamali ngayon..." hindi makapaniwalang usal ni Mr. Pontigon at lakad paroo't parito sa espasyo habang hinihintay ang isasagot ng mga tauhan.

Kani-kaniyang pindot sa keyboard at masugid na nakapokus sa iisang video. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa nagtaas ng kamay. 

"Sir... it's not tampered... it is the real footage..." muling sagot ng isa pa na dismayadong kinangiti niya.

Kinuha ang telepono sa bulsa at pinindot iyon. Umiiling-iling pa siyang nagsalita nang sagutin ito ng kabilang linya.

"General Guevarra... we have now identified the suspect responsible for the murder of Mr. William and Mrs. Jade Espinosa..."

-

"Eul... are you really sure?" Tanong ni Cassey sa kaibigan sabay hawak nang mahigpit sa kamay nito.

"Pwede naman nating ipagpaliban muna..." sambit naman ni Sheena sa kabila ni Eul at marahang hinagod ang kaniyang likod.

"I need this... and I have to..." matigas na wika ni Eul at huminga nang pagkalalim-lalim bago pihitin ang doorknob.

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon