EULIII7

753 40 10
                                    

-

"Wala nang makakaagaw sa'yo mula sakin..."

-

Third Person's POV

Sa narinig ay mas lalo siyang kinabahan lalo na nang mapagtanto kung sino ang taong nasa likod ng boses na iyon. Mabilis na dumaloy sa kaniyang buong katawan ang tila kuryenteng pakiramdam na nagsanhi ng mabilis niyang pagkislot.

"Sino ka?" tinuloy niya parin ang kaniyang tanong kahit na sa kaibuturan ng kaniyang pagiisip ay alam niya na kung sino ito.

Ang lalaki ay hindi na nagsalita, bagkus ay pumunta sa likod ni Eul at ginupit ang mahigpit na pagkakatali ng mga braso nito sa makapal na posteng bakal sa kaniyang likod. "Sino ka?!" Muling tanong ni Eul na ngayon ay lumakas na dala na rin ng kaba at takot. Hindi parin ito sinagot ng lalaki. 

Naramdaman ni Eul ang mahigpit na kapit sa kaniya nito habang inaalalayan siyang makatayo. Nang tuluyang makatayo ay nagulat na lamang siya nang walang ano-ano'y nabitay patiwarik na siya nito. 

Ang kaniyang hita sa balikat nito habang ang kaniyang ulo't braso ay gumegewang sa ilalim. Imbes na maglumpasay upang makatakas, tanging mariing pikit nalang ang kaniyang nagawa dahil na rin sa nararamdamang panghihina.

Inalalayan pa muli siya nito na makaupo nang maayos bago maglakad patungo sa kabilang dulo ng lamesa. "Tanggalin mo na 'yan" Sabi lang ng lalaki at masinsinang tumitig kay Eul. 

Sa pinaghalong takot at kaba ay panandaliang nawala sa isip ni Eul na ang kaniyang mga kamay ay nakawala na sa mahigpit na pagkakatali. Hinimas-himas niya pa ang kaniyang pulso na sa kaniyang tantiya ay namumula na. 

Dahan-dahan niyang tinanggal ang telang tumatakip sa kaniyang mga mata at umiling-iling nalang nang mapatunayan kung sino ang taong nakangiting nakaharap sa kaniya ngayon. 

Ang mahabang lamesa ay puno ng sangkatutak na pagkain. Iginala niya ang kaniyang buong paningin sa napakalawak na silid. Malaki ito at tanging ilaw lamang sa itaas ng lamesa ang nagbibigay liwanag sa kabuohang espasyo. Rinig niya parin ang dahan-dahang pagpatak ng tubig sa 'di kalayuan.

Huminga siya nang malalim bago humugot ng sasabihin. "Itchan?" Nakataas ang kilay na panimula niya. Mabilis na umarko ang niti sa mga labi nito. "Anong ginagawa natin dito?" Mataray niya pang dagdag.

"Kumain ka muna..." Sagot naman ni Itchan sabay naglakad palapit kay Eul. "Alam kong gutom ka na..." segunda niya pa sabay upo sa katabing upuan ni Eul. Kinuha pa nito ang kutsara't tinidor at dahan-dahang nilagyan ng mga pagkain ang pinggan ng huli.

"Hindi ko maintindihan..." Mahinang tugon ni Eul sabay gala muli ng paningin sa buong silid. "Asan si Kean?" Tanong pa niyang muli. 

Nang marinig ang pangalan ng asawa nito ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Itchan sabay binitawan ang kaninang hawak na mga kubyertos. Mabilis itong naglakad patungo sa kaninang pwesto at pagkuway na kumuha ng pagkain. 

"Itchan, anong pakulo 'to? hindi na ako natutuwa..." angal muli ni Eul. Nagugutom man, ay pinagsawalambahala niya na lamang ang kalam ng sikmura. Nagsimula nang ngumuya si Itchan at nagbingi-bingihan sa tinuran ni Eul.

Nakataas ang kilay na tinitigan ni Eul si Itchan habang kumakain. Nang mapuno ay mabilis siyang yumuko at tinanggal ang pagkakatali ng kaniyang mga paa. 

Tumayo siya at naglakad paikot sa buong silid. Hindi siya pinansin ni Itchan na tuloy-tuloy parin sa pagkain. "Asan ang pinto?!" bulyaw ni Eul nang mapansing puro pader lamang ang kaniyang nakakapa sa gitna ng dilim. 

"Fuck! Itchan ano ba?! Asan ang pinto?!" Muling sigaw ni Eul kay Itchan. Sa pagkakataong ito ay lumapit na siya kay Itchan at kinalampag ang lamesa. 

Nakakatakot pang binaling ni Itchan ang kaniyang atensyon kay Eul, "Sabi ko... kumain ka muna..." Mahinahon ngunit puno ng otoridad na sambit ni Itchan. Dahil sa sinabi ng huli ay nakaramdam ng kakaibang takot si Eul ngunit hindi siya nagpatinag. 

"Sabi ko palabasin mo 'ko dito!" Muling bulyaw ni Eul ngunit sa hindi inaasahan ay mabilis siyang nakandado ni Itchan sa sariling bisig. "Ayaw mong kumain? huh..." Pabulong pang turan ni Itchan sabay tulak sa mga pinggan sa lamesa na tila'y nilinis iyon.

Natapon ang mga pagkain sa sahig at walang nagawa si Eul nang malakas siyang idinapa ni Itchan sa lamesa. "Matigas ka ah?" Maangas pa niyang turan.

Sinubukan niyang pumiglas. Sinubukan niyang kumawala sa mahigpit na kapit ni Itchan ngunit kahit magsayang ng lakas ay hindi parin siya makawala. "Itchan..." Mahinang tawag ni Eul sa pangalan ng lalaking ngayon ay nasa likod niya habang hawak ng isa nitong kamay ang kaniyang magkabilang braso at ang isa naman ay sa kaniyang batok.  

"Ayoko ng makulit..." Panimulang bulong ni Itchan sabay marahang kagat sa kanang taenga ni Eul. "'Wag mo 'kong simulan..." dagdag pa niya sabay dila sa leeg ng huli.

"'Pag sinabi kong kumain ka, kumain ka..." bulong pa muli nito sabay gala ng dila sa batok ni Eul. Nanginig pa si Eul dahil sa ginawa nito. Tumayo ng maayos si Itchan sabay ipinuwesto ang kaniyang bumubukol na ngayon ay matigas na alaga sa puwetan ni Eul. 

"---Kung ayaw mong kumain, ako ang kakain sa'yo..." huling sambit ni Itchan na mas lalong dumagdag sa takot ni Eul bago binitawan ang huli. Nang makawala ay walang sinayang na sandali si Eul at agad na lumayo kay Itchan. 

Nanghihina na siya at marahan niya nang nararamdaman ang hilo na dumadagdag sa kalam ng kaniyang sikmura. "Ano? kakain ka o hin---" hindi na natapos ang sunod na tinanong ni Itchan dahil mabilis na umupo si Eul sa kaninang inupuan upang lantakan ang pagkain. 

Natatakot man at hindi alam ang sariling kapalaran, tumutulo ang luhang nilantakan ni Eul ang pagkaing nakahain sa kaniyang harapan. Pasimple pa siyang humihikbi habang ngumunguya. 

"Kung susunod ka sa lahat ng sasabihin ko, magkakasundo tayo..." si Itchan sabay muling umupo sa sariling upuan habang pinapanood si Eul. Hindi na siya pinansin ng huli.

"Alam mo... Eul..." Panimula nito sabay sandal ng braso sa lamesa. "Kung umpisa palang, ako na pinili mo... hindi na tayo aabot sa ganito..." Makabuluhang segunda nito. Napatigil pa si Eul sa narinig at saglit na inanalisa ang mga sinasabi ni Itchan.

"I told you... I love you..." Sabi niya at muling tumayo upang lumapit kay Eul. "Pero sinong pinili mo? huh?!" Sambit pa ni Itchan nang makarating siya sa likod ni Eul. Minasahe pa nito ang likod ni Eul na ikinakislot ng katawan nito. "Si Spiro? tsk... tsk... tsk..." at kinuha ang upuan at nilagay iyon sa tabi ni Eul. 

Tumitig pa siya kay Eul na ngayon ay nakatulala bago bumulong.

"Wala nang makakaagaw sa'yo mula sakin..."

-

Itutuloy

_

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon