CHAPTER 7...

10 0 0
                                    

Jyho's POV

Ang dami ko nanaman ginagawa dito sa Student Council Office. Buti pa tong Hale Zaiden Pace na Student council president at anak ng may-ari ng school namin, walang ibang ginawa kundi ang mag approve ng mga ideas para sa upcoming Foundation Day na gaganapin next month pa naman pero pinagpa-planuhan na ngayon. at Ako ang taga contact ng president namin sa mga pwedeng makatulong sa gaganapin na foundation day.

"Lanaia, can you buy me a coffee ?" I roll my eyes before looking at him. masyado niyang kina-career pagiging 'secretary' ko dito, pati mga hindi ko dapat na ginagawa eh pinapagawa niya sakin grr..

"I said don't call me by my second name asshole" then stormed out of the SSC office.

yeah, ako lang ang may kayang sagot-sagutin siya at tawagin ng ganon. and what's pissing me off is he doesn't mind at all and he seems like enjoying it.

hayyy! imbis na kasama kong nakatambay ngayon si E.M kesa na-sstress ako sa siraulo naming SSC president. kung pede ko lang talaga bugbugin yun matagal ko ng nagawa.

malapit na ako sa coffee machine nang makita kong paalis na don yung pinsan ko holding a cup of coffee. Kumunot bigla yung noo ko.

Nilabas ko na yung wallet ko at nag insert ng 10 pesos sa Coffee machine. After non bumalik na din agad ako sa SSC office.

Why the hell did my cousin buy a coffee?


Eka's POV

Hanggang ngayon tulala pa din ako habang naglalakad papuntang classroom dahil nga may last subject pa ko.

papasok na sana ako sa pinto ng makasalubong ko si Jyho na parang inis na inis habang naglalakad.

"Hoy bakla! anong meron sa mukha mo at muka kang may gegerahin?" pambungad ko sakanya ng makapasok na kami sa classroom.

"napipikon na ko sa Hale na yon. konti nalang ibabalibag ko na yon" sabi niya sabay padabog na umupo.

umiling iling ako bago umupo sa upuan ko "yung SSC President at anak ng may-ari ng school?"

She roll her eyes "Oo. kaimbyerna! lahat na pinagawa saken, ano ko utusan? muka ba akong maid? taenang yan"

natatawa tawa akong umiling at tumingin sa bintana. narinig ko siyang huminga ng malalim. mukang pinapakalma niya ang sarili niya.

"Ikaw? bat muka kang lutang?" tanong niya sakin na ikinatingin ko sakanya.

"Wala" simple kong sagot, nakita kong napatingin siya sa kape na dala dala ko at kalahati ko palang nauubos. "gusto mo ba?" I asked.

umiling siya tas tumingin sakin with her mapanghusgang tingin. uh-oh.

"bakit ka may kape? hindi ka naman mahilig jan ah?" she asked judgely

hindi ako nakasagot agad, anong sasabihin ko? eh totoo naman kase di ako mahilig sa kape? naalala ko tuloy kung san ko nakuha tong kapeng to.


FLASHBACK:

kinaltukan ko yung sarili ko dahil sa tanong ko, baka na-offend ko siya or masyado akong personal magtanong kaya nag walk out siya?

mga ilang minuto ko din kinakausap yung sarili ko sa isip ko, hindi ko na nga natapos tong pagshe-shading ko eh. bumuntong hininga ako sabay may napansin akong nakatayo sa harap ko. inangat ko yung tingin ko

nakita ko si Kit holding a cup of coffee while looking at me. ayan nanaman yung cold stares niya.

He extended his hand na parang inaabot sakin yung coffee na hawak niya kaya I unconsciously take it.

Nang makuha ko na yung coffee kinuha niya na agad yung mga gamit niya and bago siya tuluyang umalis nagsalita pa siya.

"Hobby and Passion as well" then tumalikod na siya and naglakad paalis.

I was left there dumbfounded, annalyzing what just happened.

Nang matauhan ako narealize ko na yung sinabi niya is sagot dun sa tanong ko sakanya kanina, and itong kape is for what?

hmm.. maybe kase napansin niya na hikab ako ng hikab? Am I assuming things again? alam ba niya na puyat ako? but I doubt that.

tumayo nalang din ako at naglakad papuntang classroom habang nakatitig sa kape na hawak ko. iinumin ko nalang to on the way to the classroom nakakahiya naman kung di ko iinumin eh binigyan na nga ako.

END OF FLASHBACK


"uhh wala" I just replied and shrugged the thoughts in my mind

she gave me a smirk and a look like she was saying 'ako pa lolokohin mo' look.

"hulaan ko, si kuya kit nagbigay niyan noh? magkasama kayo kanina am I right?" She asked with a teasing smile.

Nagulat ako, Nakita niya ba kami kanina? How'd she know?

it feels like nabasa niya kung ano yung nasa isip ko kase she chuckle and smiled at me amusingly.

"No, I wasn't there. I saw kuya buying that same coffee nung inutusan ako ni Hale bumili ng kape niya kanina. I just guessed na yan yung coffee na dala niya coz kuya Kit doesn't like drinking any kind of coffee aside from iced coffee, and based on your reaction just now, I concluded that my guess is right" she explained then smile proudly.

I sighed deeply as a sign of surrender.

hands up sa babaeng to. wala ka talagang maitatago sakanya.

"sooo if I may ask, why are you two together awhile ago?"

kelan pa dumaldal tong kaibigan ko? hindi naman to matanong dati ah? walanjo eto ba ang epekto ni Mr. SSC president?

"Nothing? I don't know?" I answered her panickly

pinanliitan niya ako ng mata, as if she's telling me to spill everything.

"I really don't know Jy. umupo nalang siya basta sa tabi ko then hinayaan ko nag sketch ako then nag compliment siya sa sketch ko then may tinanong ako after non nag walk out sya pagbalik niya inabot nya saken yung kape tas umalis na din siya agad. that's it" I explained.

Nang tignan ko reaction niya sa sinabi ko, binigyan niya ko ng tingin na parang hindi siya satisfied sa sagot ko sakanya.

"So bakit ka niya binigyan ng kape? ano yon trip niya lang?" she asked,

juskoooo tanong pa din yan sa isip ko hanggang ngayon di ko nga din alam kung bakit.

"I don't even know why. maybe he noticed my yawning that's why?" I answered uncertainly.

hindi nalang siya sumagot. and thank God tapos na ang pa- Q&A niya, wala din naman akong masagot sakanya na sigurado kase magulo din yon para sakin.

Kit and I were like a total stranger for him, we're not that close either, kaya it's new to me na pinapansin niya ko from time to time kahit cold pa din siya and hindi pa din naman nagsasalita or nagdadaldal. He's so mysterious and unpredictable, you'll never know what he's thinking or kung ano yung meaning ng mga kilos niya.

Malabo lahat or maybe he's just being nice kase bestfriend ako ng pinsan niya or pwedeng bago lang siya dito sa school and wala pang gaanong ka close. Well nevermind.

My Unpredictable YouWhere stories live. Discover now