CHAPTER 6...

6 0 0
                                    

Eka's POV:

Days passed and nothing's new, papasok sa school, syempre makikinig sa lessons kahit boring yung iba, other subjects are hella hard! ka-kailanganin talaga ng extra focus and attentiveness kung gusto mo talaga magets at makapasa. Especially kahapon sa taxation jusko sabog naman ang utak ko sa subject na yon. Iisang subject for that day pero 2 and a half hours yung klase sino ba naman hindi maglulugaw ang utak sa ganon? Maayos naman mag turo yung prof pero syempre as a college student hindi lahat isusubo sayo ng professors, some of the lessons kailangan mo din talaga mag advance reading or might as well research in advance.

Today is Thursday though we have two subjects for today hanep naman may 2 hours nanaman kaming subject which is isa sa hindi naman mahirap na subject pero hindi siya madaling intindihin, swear! tas masaklap pa first subject of the day pa.

Magkaiba kami ng room ni Jyho for Ethics class, siya same room pa din sa 3rd floor pero ako and yung iba naming classmate sa 4th floor magru-room. Kainis wala pa man din akong ka-close or ka-vibe manlang dito. muka tuloy akong loner kase dulong row nanaman ako and tabi ulit ng bintana. Well I actually don't mind na wala akong kakilala and mag isa lang ako dito sa last row, kase una nasa tabi ako ng bintana and mas okay in case na makatulog ako sa boredom nasa last row naman ako so hindi ako mapapansin. Kaya lang problema ko kapag nagpa groupings, shutaa hindi naman makapal mukha ko noh unless may mabait na nilalang na kakausap sakin ganernn!!

Nag s-scroll lang ako sa facebook pampalipas oras habang wala pa si ma'am Lautter; ng mapadaan sa feed ko yung picture ni Kit na nakatalikod, nakasando at pawisan pero naka peace sign. Parang after dance practice ata yon? ewan hahaha. actually iniiwasan ko siya makasalubong or makita in person, hindi dahil sa na-hurt ako sa nangyare last time, naka move on na ko don hindi ko naman matitiis bebe ko eh Wahahhaa!!

umiiwas lang ako kase ang dami kong kahihiyang nagagawa pag anjan siya, jusko baka ma-turn off sakin ang lolo mo HAHAHA!!

'asang asa ka nanaman Eka Maye!' pag epal ng aking konsensya.

"May naka-upo dito?"

napatingin ako sa nag-salita at nananadya ang kapalaran dahil ang iniiwasan kong tao ay nasa harap ko na ngayon.

umiling lang ako. parang umurong bigla dila ko men!

Lord be good to me, ayoko na ng kahihiyan o epic na mangyayare please huhuhu wala pa naman si Jyho ngayon.

Teka! taena wag mo sabihing kaklase ko na to sa ethics simula ngayon?? waahh!! bakiiiit!?!? Pinaparusahan ata ako ni Lord kase naman tong mga subject na to yung tinutulugan ko madalas waahh!!

"Good morning students, Kung san kayo nakaupo ngayon, yan na ung permanent seat niyo the whole sem, ayoko ng may palipat lipat dahil nakakagulo yon. And if ever may pa-groupings ako kung sino ang katabi niyo siya na din ang magiging partner/group mate niyo. that's all so let's start" sunod sunod na salita ng prof namin.

napatingin ako sa katabi ko, juskooo pooo torture to sa part ko ma'am di mo ba alam yun?

grabe Lord ambilis mo naman sinagot mga katanungan at worries na nasa isip ko kanina. May kakilala at kagrupo nga ako, hindi naman ako gusto... este kinakausap pala haha.

Kumopya nalang ako ng lessons sa board at inalis ko muna yung thought na katabi ko si bebe my loves. dahil pag nagpa apekto ako di ako makakapag focus. kailangan din natin magpa-impress noh!

hindi ko din gaano napanindigan ang pakikinig dahil papikit pikit na ako. medyo puyat din kase ako gawa tinulungan ko kagabi si Jyho mag ayos ng surprise para sa birthday ng daddy niya next week. Andon nga din si Kit kagabi kausap daddy ni Jyho pero I doubt nakita niya ako kase nandon kami sa may bandang pool ni Jyho nag aayos.

after hours ng paglelecture ni ma'am at pagpapasagot ng isang seatwork natapos na din, thank you Lord! sobrang nakaka antok yung lesson. medyo matanda na kasi si Ma'am kaya medyo mabagal siya mag turo para tuloy ang bagal ng oras. pero okay lang bet naman kase katabi ko si Kit my labs hahahaha!

Nag-aayos na ko ng gamit ko para makalabas na din ako ng classroom ng makita ko si Kit na ganon din ang ginagawa.

"uhh.. May klase ka after this?" lakas loob kong tanong. Tanong lang naman eh, hindi naman siguro masama diba?

napatigil siya sa pag aayos niya ng bag niya at tumitig sakin. His cold light brown eyes are staring at mine.

Shiiit! napalunok ako bigla, gusto ko umiwas ng tingin pero parang may pumipigil sakin. May mali ba sa tanong ko? dapat pala di nalang ako umimik. hindi naman sa masama siya makatingin pero ang lamig niya tumingin, it gives shivers down to my spine.

"Vacant" He replied then continue on what he's doing.

Napa exhale ako ng malalim dahil feeling ko nawalan ako ng air sa katawan ko dahil sa tingin na yon. Di nalang ako nagsalita ulit at nauna nang maglakad palabas ng classroom

balak kong tumambay sa feild tutal may 1 and half hour akong vacant then 1 hour lunch tapos 1:00 pm UTS naman ang last subject ko. Mag isa lang ako ngayong vacant kase may duty sa student council si Jyho, Secretary kase siya don. hindi naman ako mahilig sa mga extra curricular activities na ganyan.

Malapit na ako sa feild ng mapansin kong may kasunod ako, paglingon ko sa likod andon si Kit parang model na naglalakad, nakapamulsa yung isa niyang kamay habang yung isang kamay niya may hawak na libro tas nakasukbit yung bag niya sa isa kanang balikat niya.

tumingin na ako sa harap ng dinadaanan ko at baka matisod pa ko o maka bangga. napansin ko din na ang daming babae na napapatingin sa taong nasa likuran ko. takte sino ba namang hindi mapapatitig kung ganyan ka-gwapong lalaki ang makakasalubong mo?

hayyy kilig na kilig pa yung iba. Tadyakan ko kaya mga to? aagawan pa ako eh.

binilisan ko nalang ang paglalakad ko. Nang makarating ako ng feild medyo madaming taong nakatambay dito pero dahil malaki ang feild di mo mapapansin yung dami.

pumunta ako sa medyo dulo at pumwesto sa tabi ng punong malaki, malamig dito kase madaming puno and tahimik sa pwestong to dahil medyo dulo.

ibinaba ko na yung bag ko at inilabas yung sketch book at lapis ko sabay sumandal sa puno at nagsimulang mag sketch ng mga taong nandon na naka-caught ng attention ko. Sabi ko naman sainyo hindi ako magaling pero hobby ko talaga to pampalipas oras, mas mabilis kase ang takbo ng oras pag nag ssketch ako tsaka nawawala stress ko maliban sa pagva-vlog.

speaking of vlog kailangan ko na pala mag isip ng bagong content huhu.


Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nang lumingon ako nakita kong si Kit pala yon. anong trip neto? bat umupo to sa tabi ko eh napaka lawak ng feild? hindi pa marunong mag paalam na makiki upo.

'sayo ba yung field para magpaalam siya sayo? tsaka kunwari ka pa gusto mo din naman' segunda agad ng konsensya ko.

hanep to! sabagay may point. ang puso ko nagsimula nanaman mag wala, buti kaya kong magpanggap na cool lang at wala siyang epekto sakin. whoo!

bumalik nalang ako sa pagdo drawing ko tutal mukang busy naman siya sa pag babasa niya sa libro niya.

Nagshe-shading na ko kase tapos na ko mag sketch ng bigla akong humikab, medyo inaantok pa talaga ako sis.

"You're good" napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Kit na nakatingin na pala sa ginagawa ko.

shutaaa!! anong sabi niya? you're good? my ghad is that a compliment? tanginaaa compliment from the oh so snobber and cold na si Kit Joseph? katapusan ko na ba? waaahhh!! teka magshi-shift na ko ng architure!! hahhaha Charooot!!

nag fake cough ako bago ngumiti "thanks. hobby lang"

langya nawawalan ako lagi ng sasabihin pag siya na kausap ko. Calm down Eka! hinga!

humikab nanaman ako, taenaaa babawi talaga ako ng tulog mamaya.

"hmm compared to yours I guess walang wala naman tong akin haha. Bakit ka nga pala nag Archi? diba graduate ka na ng I.T?" I asked, na sana di ko nalang tinanong dahil tumayo siya bigla pero di niya dala ang gamit niya.

shutangnames ang daldal ko na ba? or is it too personal? Eka bibig mo kase. Alam mo namang hindi madaldal yung tao tapos nagtanong tanong ka pa! feeling close ka ghorl?

My Unpredictable YouWhere stories live. Discover now