CHAPTER 4...

3 0 0
                                    

Jyho's POV:

pagtapos ko makipag palit ng upuan kay E.M ay sumubsob siya sa desk niya at napansin kong parang naka idlip na siya. Ganyan naman yan lalo na pag math time, laging tulog. Di ko na ginigising talaga yan pag ganyan tutal nasa pinaka likod naman kami tsaka wala namang paki si Prof. Dimitri kahit may natutulog at walang nakikinig sakanya, basta kapag may pa quiz siya and graded recitation lalo na pag exam maayos ang grades mo ayos na sakanya.

si E.M kase walang hilig sa math pero pag naturuan at nagets niya okay na siya. kaya lagi kaming may pa tutor session kada may pa quiz or exam si sir eh kase di siya nakikinig sa oras ng math.

pero feeling ko magbabago na yon ngayong semester HAHAHHA!

lumapit ako kay pauleen na katabi ngayon ni E.M na originally katabi ko talaga kung di lang ako nakipag palit ng pwesto kay E.M

"Pau! lipat ka naman muna don sa 2nd row sa tabi ni Claire tutal wala naman na yung katabi niya kase iba klase nun ngayon, may isa din kase tayong bagong magiging kaklase sa math. eh kilala yon ni E.M mas okay kung sila magkatabi para hindi ma OP yung new student" explain ko kay Pau at ngumiti. Tumango lang naman to at lumipat.

bumalik na ako sa upuan ko at nag advance reading para incase mag tawag or magtanong si sir may masasagot ako.

Oo na ako na masyadong studious. wala naman kase akong ibang pagkakaabalahan kaya hayaan niyo na ko, hindi din naman ako ang bida dito wahahaha tulay lang ata ang peg ni author sakin dito HAHAHAHA!


"Jyho!"

napalingon ako sa tumawag sakin at napangiti ako ng makita ko si Kuya sa harap ko. Hindi ko siya masyado napansin kase napasarap ako sa pagbabasa.

"kuya.. dun ka nalang umupo sa tabi ni E.M yan nalang ang bakante, unless gusto mo makipagpalit, willing naman si Tristan umupo jan, bet ata non si E.M eh hahaha" sabi ko ng seryoso pero palihim na ngumiti.

"tsk" sabi niya lang pero umupo din naman sa tabi ni E.M

"si E.M to? bakit tulog? puyat?" tanong ni kuya. ewan ko kung iniiba niya lang yung topic o interasado ba talaga siya kay E.M. magulo din kase to si kuya hindi mo mabasa tas palagi pang tahimik. hmasyado ding private pagdating sa sarili niya, buti nga medyo ka-close ko to dahil vibes sila ni daddy, most of the time nasa bahay, kulang nalang don na din tumira hahaha.

"interesado ka?" balik kong tanong sakanya na ikinabaling ng tingin niya sa libro niya at di umimik pero halata mong naghihintay pa din ng matinong sagot sa tanong niya.

Kung di ko lang pinsan to at di ko gaano kilala mapagkakamalan ko tong snobber at suplado na walang pakielam sa kahit na ano or sino. ganon kase palagi ang aura niya kahit samin na family niya ganon pa din siya mas may emosyon lang ng onti pag dating samin unlike sa ibang tao.

I smiled at him "Nah. hindi puyat yan, ganyan talaga yan pag math time, laging tulog. sanay na ako jan kaya di ko na ginigising" I said then nakita kong tumaas ang kulay niya but then he just shrugged.

'hayy nako kuya kung alam mo lang kung ano talaga ginagawa niyan sa gabi hahaha maliban sa stalking buti hindi ka nadadapa o nabubulunan pag nakain o nasasamid pag nainom, grabe niya titigan lahat ng pics mo'

syempre di ko sinabi yan, baka kalbuhin ako ni E.M pag sinabi ko kay kuya Kit yan wahahaha! tsaka ayoko din maging awkward sila, ako din maiipit duh.


maya-maya dumating na din si Prof. dimitri. Nakabati na kami't lahat at nagsisimula na rin siya mag lesson tulog pa rin si E.M kung ako ang masusunod hindi ko gigisingin yan kase di din naman makikinig yan, pero asang makatiis tong pinsan ko na hindi gisingin si E.M hahaha hilig pa man din ni kuya na mag drag ng mga kaibigan o malapit sakanya pataas. kumbaga ayaw niya ng may bumabagsak or something if you get what I mean.

My Unpredictable YouWhere stories live. Discover now