CHAPTER 5...

2 0 0
                                    

Eto na ata ang pinaka mahabang 2 hours ng buhay ko. shutaena akala ko di na matatapos ang math time eh.

tumayo na ko at uminat ng bahagya, ang sakit ng pwetan ko grabeee! may stiff neck pa ata ako kase naman after nung talisod incident hindi na ako lumingon pa sa side kung saan nakaupo si kit. Nakakahiya talaga arghh.

"may stiff neck ata ako, ang bagal pa ng oras huhu" pagra-rant ko kay Jyho na nag-aayos na ng gamit niya.

"hahaha akala mo lang matagal, first time mo kaya makinig sa math class paano palagi kang tulog" pang-aasar pa ni Jyho.

sinamaan ko agad siya ng tingin, jusko baka marinig ni Kit sabihin pa hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral. Seryoso naman kase ako noh... sa kanya, de joke lang hahaha! Seryoso ako sa pag aaral, ayoko lang talaga sa math ang sakit sa ulo ng mga numbers.

"una na ko sa baba, sa entrance nalang kayo ng school maghintay" napatingin kami kay Kit na sinuot na ang bag niya at dere-deretsong lumabas.

hayss ang cold talaga ng isang yon. pero gwapo pa din lakas ng dating hihi

"huy! wala na nakatitig ka pa din sa pinto" sita sakin ni Jyho na may kasamang pagbatok.

inirapan ko siya at sinukbit na ang bag ko. "eh bat kailangan mambatok? teka nga hoy Jyho Lanaia Johnson may kasalanan ka pa saken!"

tinignan niya ako with her pa-innocent look habang naglalakad na kami pababa. "what did I do wrong?" she asked

"Bakit di mo sinabi sakin na makiki-sit in sa math class si Kit? ha!?"

she just shrugged "hindi naman siya nakiki-sit in"

kumunot bigla yung noo ko "eh bat andon siya kanina? ano yon trip niya lang?"

"tsk. have you heard about uncredited subjects?" sabi niya sabay irap.

nanlaki naman ang mata ko ng ma gets ko kung anong ibig niya sabihin. Oo na ako na slow hmmp.

"so you mean kaklase talaga natin siya sa math class!? eh bat di mo saken sinabi!?"

she just gave me a 'hindi ka naman nagtatanong' look.

siraulo talaga tong bestfriend ko, super nakakahiya mga nangyari ngayong araw, my ghad monday palang ppero haggard gad ka-stress much.

pagdating namin sa entrance andon na yung sasakyan ni Kit. pumasok na kami at dahil sa sobrang kahihiyan ngayong araw nag panggap ako na nakatulog. At dahil nga napagod ang utak ko sa math legit na nakatulog nga talaga ako after ng ilang minuto.


Jyho's POV:

aba may POV nanaman ako, tsk tulog naman pala kasi si E.M

wala naman ako totally masasabi kase tahimik din naman tong kuya ko, kaya napagdesisyunan ko na mag salpak nalang ng earphones at makinig ng music habang nabyahe kami pauwi. Hindi ko alam kung bababa ba si E.M sa bahay o dederetso na ng uwi. natulog naman kasi agad to di muna nagsabi, bahala siya kapag nagising siya tas wala na kami ni Kuya dito sa sasakyan WAHAHAHA!!

Now Playing: Break my Heart by Dua lipa

sasabayan ko na sana ng pagkanta sa chorus ng biglang umubo si kuya Kit. teka? umubo nga ba o kinuha lang yung atensyon ko?

"may ubo ka kuya?" pagtatanong ko.

umiling siya "where will I drop the two of you?" he asked.

wala naman palang ubo, shit to may pangalanan naman ako bakit pag ubo pa ginawa para makuha atensyon ko tsss.

My Unpredictable YouWhere stories live. Discover now