TEASER

591 15 0
                                    


  Gabi na pero naisipan kong pumunta mag-isa sa karaoke bar. Sa pagpasok ko sa loob ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Medyo marami ng tao at nasa entablado na ang banda at kumakanta.

"Wala pa ring pinagbago dito."

Hindi lamang ito ang unang beses na nakapunta ako dito. Nu'ng una, kasama ko pa si Monique. Parehas kasi kaming mahilig sa banda kaya naman nagpupunta kami sa iba't-ibang karaoke bar para makinig at magsaya na rin.

Pero ngayon, mag-isa lamang ako. Hay! Bigla naman akong nalungkot.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Malungkot din pala talaga kapag mag-isa ka lang. Ewan ko ba, hindi na dapat ako pumupunta dito pagkatapos nu'ng nangyari sa amin dahil maaalala ko lang siya pero ito ako, dinala pa rin ng mga paa ko dito. Masokista lang yata talaga ako. Hay naku! Bakit ko ba hinahanap-hanap ang batong ipupukpok sa ulo ko?

Humanap na lamang ako ng pwesto, saktong meron pa sa bandang harapan kaya kaagad ko iyong pinuntahan at doon pumwesto.

Hindi ko maiwasang maalala ang pinagsamahan namin dito ni Monique. Sabay kaming nakikinig sa awitin ng banda habang nakayakap siya sa akin at ang ulo niya ay nakadantay sa braso ko. Parehas kaming nakatingin sa entablado at pinapanuod ang pag-awit ng bokalistang paborito niya.

Mariin na napabuntong-hininga ako. Minsan talaga, traydor ang mga alaala... nakakasakit na nga pero nasa utak pa rin.

"Hi, Sir."

Napatingin ako sa waitress na lumapit at bumati sa akin. May dala itong menu at check book. Tipid na lamang akong napangiti sa kanya.

Inilapag niya sa mesa ko ang menu. Hindi ko naman iyon kinuha kasi may gusto talaga akong orderin.

"Tatlong bote ng chocolate drink."

Napangiti ang waitress.

"Food, Sir?"

"Uh... cookies na lang."

"Okay, Sir." Kinuha na ng waitress ang menu saka siya tumalikod at umalis.

Mabuti na lang at meron sila ng gusto ko. Kakaibang bar, 'di ba?

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Monique noon.

"Para ka talagang bata. Sa halip na alak at pulutan ang orderin mo, chocolate drink at cookies talaga?" natatawang wika ni Monique sa akin.

Napangiti ako.

"Gusto mo bang mag-uwi ng lasing na boyfriend?"

Napanguso siya saka umiling-iling, "Ayaw."

Niyakap ko siya sa bewang.

"Hayaan mo na ako sa gusto ko. Masarap kasi, e."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"Oo na baby ko," lambing niya sa akin.

"Here's your order Sir. Three bottles of chocolate drink and cookies," sabi ng waitress na nakabalik na pagkatapos kunin ang order ko.

Napatango-tango na lamang ako sa kanya.

Nang mailapag na niya ang inorder ko sa mesa ay umalis na siya. Kinuha ko ang isang bote ng chocolate drink saka humigop sa straw na meron doon. Hay! Nakakagaan talaga ng pakiramdam ang pag-inom nito.

"Maraming salamat po sa lahat nang pumunta ngayong gabi," napatingin ako sa entablado na nasa harapan ko lang. Nagsasalita ang bokalistang mahaba ang buhok pero bumagay naman sa kanya dahil may itsura siyang lalaki. "At sa panghuli naming awitin ngayong gabi ay ibibigay ko ang spotlight sa aming gitarista, si Blue," sabi pa nito saka ngumiti.

Halos mabingi ako sa sigawan. Nilibot ko nang tingin ang karaoke bar. Halos mga babae at binabae ang sumisigaw.

Mabagal na napailing-iling ako. Tumingin muli ako sa entablado.

"Maraming fans?" mahinang tanong ko. Kunsabagay, magagaling naman kasi silang lahat pero mas napapansin ko ang bokalista dahil iyon ang paborito ni Monique dahil sa malamig nitong boses na parang nanghehele lang. Minsan nga ay muntik na akong makatulog dahil sa pagkanta niya, tinapik lang ako nun ni Monique para hindi ako tuluyang makatulog.

Mula naman sa entablado, nakita kong lumapit sa microphone ang sinasabing gitarista na si Blue. Nakasabit sa harapan nito ang gitara.

"Mic test... mic test," saad niya. "Hello sa inyong lahat," may pagkaseryosong pagbati pa nito. Lalo tuloy nagsigawan ang mga tao.

Napangisi ako. Sa tono pa lang ng pananalita nito, halatang may ibubuga na sa pagkanta. Maganda ang timbre at malalim ang boses. Malamig at swabe ding pakinggan.

"Ang kantang ito ay para sa inyong lahat. Sana magustuhan ninyo," sabi pa niya saka kumindat. Lalo tuloy nabaliw ang mga nanunuod sa kanya dahil mas lumakas pa ang sigawan. Napailing-iling ako.

Teka... namamalikmata ba ako? Para kasing tumingin siya sa akin at kumindat ulit. Napakamot tuloy ako sa batok. Kung ano-ano na lang ang mga kakaibang nakikita ko. Patingin ko na kaya itong mga mata ko sa opthalmologist?

Tiningnan ko siya ng mabuti. Hindi na siya nakatingin sa akin dahil tinotono niya ang kanyang gitara.

Hindi ko naman itatanggi, magandang lalaki, maputi at makinis ang balat at matangkad siya kaya siguro marami rin siyang fans. Pwede nga siyang idol sa TV.

Humigop na lang ako ng chocolate drink saka kumain ng cookies. Kung ano-anong nakikita ko. Tsk!

Pamaya-maya ay muli niyang tiningnan ang audience, tilian na naman ang lahat.

Napapailing na lamang ako. Medyo nabibingi ako sa sigawan nila.

Hanggang sa muli na naman siyang tumingin sa akin at this time, sigurado na akong tiningnan nga niya ako. Bakit? Bakit niya ako tinitingnan?

Umiwas ako nang tingin.

"Sh*t!" napamura na lamang ako. Bigla kasing kumabog 'yung dibdib ko. 'Yung mapupungay niyang mga mata. Tsk!

'Bakit niya ako tinitingnan?' tanong ko ulit sa isipan. 'Siguro kasi kasali ako sa audience kaya ganun,' sabi ko pa sa isipan ko. 'Yun na lang ang iisipin ko. Pero bakit kung ano-anong pumapasok sa utak ko? Sh*t!

Pamaya-maya ay narinig ko na ang pagtipa ng gitara, tinutugtog na niya ang intro ng kanta.

Hanggang sa muli akong napatingin sa entablado nang marinig ko na ang pagkanta niya.


You can read the full version of this story here:

Stary: https://www.starywriting.com/novel/qBht77Y5HE9OT5GUb55f%2FA%3D%3D.html 

Yugto: https://m.yugtofiction.com/novel/602218496.html?fbclid=IwAR0VhC9sESTbjbPXbB6xi5nW8ZI5nzcLf-tB0Ff2MNeAjDFB_r_ya7n2Hj4 

 DREAME ONELINK;https://dreame.onelink.me/mOD1/jomr25a9 

 YUGTO ONELINK:https://yugtomedia.onelink.me/PpOv/9msubyzx


Follow me on Dreame, Stary and Yugto: 

Make It Real (BL Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon