How do I start my first chap?
Hi! I'm ___.16, I have brown long hair, white skin, have blue eyes with glasses. I am the Luna—
Okay, stop. Kung ganyan mo sisimulan ang kwento mo, hindi pa lang matatapos ng mambabasa ang isang sentence ay isasara na niya ang libro. Wanna know why? It's boring and unrealistic. Sige nga, sino bang matinong tao ang bigla-bigla na lang magsasabi ng gano'n? Well, depende na lang kung tinanong siya, pero kahit na tinanong ka pa hindi mo naman siguro sasabihin na blue 'yong mata mo, naka-glasses ka, mahinhin or anything na parang irrelevant na.
Example, first day sa klase niyo, 'di ba palaging may "introduce yourself" ? Kapag nag-iintroduce tayo, ang kadalasan lang nating sinasabi ay pangalan, age, saan tayo nakatira pagkatapos "nice meeting you" na. Well, depende rin kung sobrang madaldal ka talaga na gusto mo na ipaalam lahat ng kuwento sa buhay mo.
Pero 'yong case sa kuwento, it's not good na ganyan ang magiging bungad ng kuwento. Wala pang pakialam ang reader sa character mo kung masungit siya o siya ang mahinhing luna or whatsoever. Wala pa siyang paki kaya huwag mong gawing isang bagsakan ang pagde-describe mo sa kanya.
Gumawa ka ng eksena. Eksena para maipakita mo 'yong karakter at hindi basta-basta sasabihin lang na ganito siya ganyan. Tahimik siya? Ipakita mo. Mayabang? Iyakin? Ipakita mo. Don't just tell, SHOW it.
Be creative. As a writer, yes, you have to.
Kung dati mabinta ang ganyang umpisa, sa panahon ngayon, hindi na. Nagbabago nga ang mundo, standard pa kaya ng mga mambabasa?
Huwag mo hayaan ang character mo na i-describe niya 'yong sarili niya. Gawin mong natural ang pangyayari o ang eksena.
One more thing, ganyan ang kadalasang nagiging prologue which is I don't think it's right.
Prologue contains a scene that happened before the real story begins. It could be from the past or future as long as it will make sense as the story goes on.
So having this, "Ako nga pala si ___ palagi akong binubully ni _____ which turns out to be my alpha and so on..." is not a prologue. It's more like a monologue.
Ayon lang. Hope this helps.
BINABASA MO ANG
How to Howl: Tips for Werewolf Writers
WerewolfAng librong ito ay naglalayong tulungan ang mga manunulat ng werewolf na paunlarin pa ang kanilang istorya. How to Howl Language: Tagalog - English