Howl 2

73 4 0
                                    

Characterization

Mahalagang Paalala: Ang mga mababasa niyong tips ay mga opinyon lamang ng author. Hindi niya maipapangako na ito'y makakatulong sa LAHAT ng manunulat.

Characterization is very essential in making a story. It's your duty as an author to let the readers dive in and be immersed on what you have written. One way to make your readers get attached to your story is to build an effective characterization.

How will I build my werewolf characters? (This could also be applicable to other characters)

First thing's first, you need to make them as real as possible. Although, werewolves aren't real, you have to make them compelling.

How?

By giving them realistic traits. A human-like traits. Sa ganoong paraan, makaka-relate ang reader sa kanya. Magagawa ng mga itong maramdaman ang nararamdaman nila dahil ang binigay mong mga characteristics ay totoo o existing.

Second, give them goals and motivations. Bigyan mo ng rason ang buhay nila. Bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito? Bakit ganyan ang ugali niya? Ano ang nagtutulak sa kanila na gawin ang mga bagay na ito? 'Wag ka lang gumawa ng alpha na ubod ng yabang nang walang rason. Bakit siya nagyayabang? Dahil ba siya ang alpha? Or there is more to his boastful personality?

Setting goals and motivations will make the readers more interested about your character. Mahahatak mo sila na ipagpatuloy pa ang pagbabasa ng iyong istorya.

Next, give them traits that they could only have. Bigyan mo sila ng personalidad na iba sa lahat. Ano ang kaya nilang gawin na hindi kaya ng iba? This will help your character more distinguishable. Hindi mahihirapan ang mga readers na kilalanin kung sino ang nagsasalita at mas madali pa nila itong makikilala.

Huwag kalimutan ang physical traits. Of course, hindi p'wedeng mawala ito. Nararapat lang na may deskripsyon ka sa panlabas na anyo ng iyong karakter. Singkit ba ang mga mata nito? Matipuno ang katawan? Moreno?

It's all up to you! Kung nais mong gawing heartthrob ang iyong beta, why not? Kung gusto mo gawing badass ang luna, then go! Walang pumipigil sa 'yo.

Next, do not be afraid to be unique.
Para sa akin, hindi kailangan na kung anong patok ay ganoon na rin ang isusulat niyo. Get out of the box, everyone and try something new! 

Huwag kang matakot na gawing kakaiba ang iyong lobo. You can make your alpha a good boy, a dependable leader or even a cutie!

Last but not least, give him a name. I know this may sound silly but giving names to my characters is always the last thing I do.

Bakit nasa huli ang pagbibigay ng pangalan? Hindi ba dapat nauuna ito?

Well, kapag naka-set na ang personality ng mga characters, mas madali mo itong mabibigyan ng pangalan na bagay sa kanila. Bagay sa panlabas at panloob na anyo nila.

In giving names, it doesn't have to be fancy. Huwag naman 'yong pangalan na parang tongue twister. Simple names are more preferable.

Bakit?

Kasi mas madaling maaalala ng mga mambabasa ang mga pangalan nila.

Iyon lang po muna. See you on the next update!

How to Howl: Tips for Werewolf WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon