(17) Miana

537 25 3
                                    

Jewel Clarissé (Jesé)

"Congrats sa inyo! Kayo palang ang unang grupo na naitalagang naka-perfect sa Potion Making! Ang galing niyo!" bati sa amin ni Granite.

Tapos na ang Potion Test, at naka-perfect kami! 100/100! First time! Well, ang mga Royalties ay naka-92/100... Sina Granite 89/100 at last sina Ashisha ay naka-87.

"Salamat! Congrats din! Nakapasa tayo, hindi tayo napahiya. Ah! Kumusta ka na pala? Magaling na ba yang noo mo? Sorry talaga, huh"

"Wala yon! Hindi naman masakit, tsaka ayos na. Ginamot na ni Topaz kaya wala ng peklat."

"Good to hear that" nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

"Nasaan nga pala si Liana? Hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga..." biglang sumulpot sa tabi ni Granite sina Topaz at Alexandrite.

Dahil sa tanong niya ay nawala ang ngiti ko. Liana...

I don't have any idea that she was stabbed and poisoned that day. Nalaman ko nalang kaninang umaga mula kay Gray. She was stabbed with poison yet made a portal for us to be safe na makabalik dito.

"She hasn't wake up yet..." bulong ko dahil naiiyak na ako.

"Why?" tanong ni Quartzite na nakikinig pala at kanina pa nasa tabi ko.

"Malay mo magigising na yan mamaya, baka pagod lang kaya mahaba ang tulog. OA mo naman mag-react" sabi ni Jasper.

"Sana ganon lang... Pagod lang. Pero kasi... Kasi... We don't know how to wake her up" my voice broke... Na-postponed ng isang araw ang Potion test!

Simula noong araw na nagkasagutan sila ng mga Royalties, agad na siyang pumunta sa dorm at natulog na hindi pa kumakain. She said she's just going to take a quick nap pero pangatlong araw na niya ngayon na tulog!

"OA" bulong ng kung sino... Pero alam kong si Ven iyon... Princess Vena pala.

"It's not overacting because this is the third day she's unconscious" Gray said in cold voice. Hinila naman ako ni Jam palabas ng stadium, binigyan niya rin ako ng facial tissue para punusan ang sariling luha.

"Bakit ka umiiyak?! Huwag kang umiyak! Hindi pa siya patay!" naiiyak din na sabi ni Jam sa akin. "Huwag kang umiyak, naiiyak din ako"

Para kaming timang dito sa hallway na nagiiyakan hanggang sa nakarating kami sa cafeteria.

"Upo na kayo, ako na magoorder, mga iyakin" kanina pa pala nakasunod sa amin si Gray. Malay ko ba!

...

"We need to call Z" habang kumakain kami ay kanina pa nagbubulungan ang dalawang ito. Mukha akong third wheel.

"He's busy, alam mo yan" bulong naman pabalik ni Gray.

Makapagbulungan sila, parang wala ako dito. Naririnig ko kaya sila.

"But he'll make time for Liana. You know how much he loves Liana, kaya maglalaan siya ng oras para sa kaniya"

"Paano kung wala siya?"

"Wala namang masama if we will try. Kung hindi pa nagigising si Liana mamaya, tatawagan ko na si Z bukas" pinal na sabi ni Jam kaya hindi na nakasagot pa si Gray.

"Uhh, who's Z?" tanong ko sa dalawa, sabay pa silang tumingin sa akin.

"Zeus" maikling sagot ni Jam kaya hindi ko naintindihan ng maayos.

So sino si Zeus?

...

On the way na kami sa cafeteria... Yeah, hindi pa siya nagigising. Fifth day, still unconscious. Tinawagan na nga ni Jam si 'Z' pero hindi siya dumating kahapon.

Mysterious Girl of Faria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon