(8) Thrown Out

603 32 0
                                    

Liana Sapphire

"Lia, huwag mo masiyadong titigan si Prince Ky. Baka matunaw" bulong sa akin ni Jesé kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. "Ganiyan ka makatingin? Nagsasabi lang ng totoo" sabi niya habang nilalaro ang daliri. Hindi ko naman alam na masiyadong napasama ang tingin ko sa kaniya. Malay ko bang matatakot siya?

Nandito parin kami sa field, nagku-kwentuhan kasi kami.

"Ayun hinabol ako ng maid sa palasiyo, hanggang sa nagdere-deretso ako sa terrace. Sa likod ako nakatingin noon kaya nahulog ako. Akala ko noon katapusan ko na kasi nasa third floor ako noon. Pumikit ako tapos inisip na lumilipad ako, doon ko nalaman na Air Element ang magic ko" kwento sa amin ni Dale kung paano niya nadiscover ang magic niya.

"Lahat naman ng nakakapasok dito ay may magic, so for sure madidiscover mo rin yung sa'yo Lia" tukoy sa akin ni Jann. Napa-'huh' nalang ako sa sinabi niya. "Diba hindi mo pa nadidiscover kung ano magic mo? Unknown ka, diba?"

Tumango naman ang ibang Royalties bilang pag-sang-ayon sa sinabi ni Jann. Sa isang banda naman ay tumawa si Jam.

"Saan niyo nakuha ang ideya na Unknown si Lia?" Natatawang hayag ng pinsan ko. "Mas nauna pa niyang nalaman ang magic niya, kesa sa inyo! Are you mimicking the conclusion of others?"

Nagkatinginan naman ang mga Royalties at sabay na tumango.

"If you already discovered your magic why didn't you use it last leveling test?" Usisa ni Alli sa akin.

"Why waste energy and power if you can outsmart it?"

Tama naman ako diba?

Namayani ang katahimikan nang bigla itong basagin ni Jesé.

"Hehehe, time na! Tara na, baka malate pa tayo"

...

Nandito na kami sa room at nagulat pa ang mga kaklase namin nang kasabay namin ang Royalties. Ayon sa bulungan kanina, aloof ang mga Royalties kaya mahirap lapitan at kaibiganin.

Who cares? Sila ang lumapit sa amin not the other way around.

Pumasok na ang teacher namin sa period na ito pero wala akong gana makinig ngayon sa lesson. First day na first day, magtuturo na.

Umiling nalang ako at tinignan ang katabi kong naka-ub-ob nanaman sa desk niya. Hinilig ko nalang ang ulo bago tumingin sa labas. Sinandal ko na rin ang ulo ko sa glass window.

Tanaw mula rito ang matayog na bakod ng paaralan. Ayaw ba nilang gawing tinted ang wall? Just like Crystal Academy.

C.A has tinted walls. Yung mga nasa labas naman ay nakikita nila ang loob from outside kung hahawakan nila ang wall.

I was wondering if what is the scenery behind those walls? I wasn't able to take a look last time because I was too excited to enter this school. I was thinking what would be the sceneries behind the wall when Prince Ky's image appear in my mind.

Inalala ko muli ang details ng mukha niya. Yeah, kaya tinititigan ko siya kanina. Silver eyes, pointy nose, garnet colored heart shaped lips, oval face, thick eyebrows, thick and long lashes, and white hair. I can see a big resemblance with her and at the top of that, they are look a like.

Tumayo ako nang narinig ko ang pangalan ko. I may not be listening about the lesson pero attentive ako kapag narinig ko pangalan ko. Be like me! Para hindi mapagalitan! Hehehe.

"Do you believe about the existence of gods and goddesses?" Tanong niya sa akin.

"Which one miss?" Clarification ko. Malay mo about sa Deities iyon o kaya sa amin.

Mysterious Girl of Faria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon