Chapter 6

3.7K 156 20
                                    


The harsh sunlight

The next week came super fast. Naka-impake na ang gamit ko para island tour ngunit narito parin ako sa aking kama, nakaupo at yakap ang tuhod. It's still four in the morning and we have to leave at Five. Alas syete ang huling byahe kaya kailangang naroon na kami sa port ng maaga.

Last week went like whirlwind. Namamasyal lamang ako sa rolling hills sa tapat at kumukuha ng litrato. Sa restaurant parin ako nila Manong Ben kumakain buong araw. I did not see Gilbert and Cullen for the remaining days last week. I just shrugged it off because I don't really care about their whereabouts.

Isang katok ang narinig ko mula sa pinto, kanina ko pa hinihintay. Nilingon ko ang labas mula sa bintana at hindi pa manlang halos nagpapakita ang araw.

"I'm coming!" sigaw ko.

Tumayo ako at sinabit ang strap ng aking camera. Since we will be riding a boat, I wore a white shorts paired with black halter top and strappy sandals. Kinuha ko ang aking luggage at tinulak na palabas. Bumungad sa akin sila Manang Susan at Manong Ben.

"Magandang umaga po, Ma'am Avy!" si Manong Ben.

I smiled. "Good morning, Manong Ben..."

Dumulas ang aking mga mata kay Manang Susan na gulantang sa aking maleta. Napatingin rin ako sa dambuhala kong maleta.

"What's wrong?"

"T-Tatlong araw lang po kayo sa isla. Hindi po ba masyadong marami kayong dala?" nag-aalinlangan niyang sinabi.

"Nagbawas na ako kagabi. This is the smallest luggage I can bring. Hindi pa nga sapat ang mga dala ko!"

I did not even bring most of my sunscreens and other hair products just to fit my things in this luggage. At malaki pa ito para sa kanya?! She should've seen my luggages when I am going abroad.

Napakurap si Manang Susan. Hinawakan siya ni Manong Ben sa balikat at ngumiti sa akin bilang paumanhin.

"Hayaan mo na, Susan. Ipapabuhat ko na lang kay Gilbert para hindi mahirapan si Ma'am Avy."

Lumapad ang ngiti ko.

Madilim pa ang paligid at tanging mga ilaw lamang galing sa poste ang nagpapaliwanag. Sobrang tahimik ng Batanes kapag ganitong oras at tanging hampas ng alon ang naririnig. Kinuha ni Manong Ben ang aking maleta at naglakad na kami palabas ng bukana.

Natanaw ko ang ilaw mula sa nakapark na van ni Gilbert. Tanging si Gilbert at Cullen lamang ang nasa labas, mukhang naghihintay na rin. Napalingon sila sa amin nang marinig ang aming mga yapak sa mabatong daanan.

"Narito na pala si Avy," mula sa pagkakahilig ay umayos ng tayo si Gilbert.

I smiled curtly. My eyes drifted to Cullen whose hands were on his pocket. I could feel like he was looking at me. Bumaling na lamang ako sa maleta ko na kinuha ni Gilbert.

"Iwan mo na lang ang van mo sa port at ako na ang mag-uuwi," bilin ni Manong Ben.

Tumango lamang si Gilbert, hawak ang maleta ko.

"Good morning, Avy!" mapaglarong sinabi ni Gilbert.

"Morning..."

"Mag-ingat kayo roon, ha! Tinawagan ko na ang Tiya mo, Gilbert, kaya naayos na niya ang pansamantalang tutuluyan niyo. Ingatan mo si Ma'am Avy at baka hindi sanay sumakay sa bangka!"

"Well, I've experienced riding a yatch before so I will be okay..."

"Naku, Avy. Mas mauga ang bangka na sasakyan natin kumpara sa yate. Pero naroon naman kami at aalalayan ka. Hindi ba, Cullen?" ngumisi si Gilbert.

The Gift of Tears (Casa Fuego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon