Blank Book
"Will he be alright, Gilbert? Lagnat lang naman, 'di ba?" I asked him while he drives the van. "Kasi sumugod siya sa ulan kaya nagkasakit..."
Sumulyap lamang sa akin si Gilbert sa rear view. His expression was hard and serious. I have never seen him this stern looking. Bumaling ako kay Cullen na pawis na pawis at nakasandal sa aking balikat. Nakataklob sa kanya ang jacket ni Gilbert na stock dito sa van.
Hinaplos ko ang kanyang mukha at mas lalo siyang idinikit sa akin. Nakaawang ang kanyang labi at kunot-noo habang nakapikit.
"Let's bring him to the hospital. Para maresitahan siya ng gamot pang-lagnat. He is burning..."
"Hindi na, Avy. Huwag ka nang sumama. Ako na lang ang magdadala sa kanya sa hospital."
"What?" bahagya akong nairita.
"Sige na, Avy. Huwag ka nang makulit. Kung ayos si Cullen ngayon, 'yon din ang sasabihin niya sayo. Hindi ko naman pababayaan si Culllen kaya 'wag ka nang mag-alala."
"But I want to go with him to the hospital!" giit ko.
"Katulad ng sinabi mo, lagnat lang naman, 'di ba? Ibababa kita sa inn at didiretso na kami sa hospital-"
Bahagya akong umahon dahil gusto kong patunayan kay Gilbert na sasama ako sa hospital. But when he glanced at me through the rear view and I saw his hard expression, I knew I couldn't change his mind anymore.
"For once, Avy. Kahit ngayon lang. Makinig ka sa sasabihin ko."
"No way! Sasama ako sa inyo sa hospital! I want to be there for him especially when he has a fever!"
"Avy..." he called weakly.
Umawang ang aking labi dahil doon. Nilingon ko si Cullen at nakitang bahagya siyang nagmulat dahil sa marahang sigawan namin ni Gilbert.
"Y-Yes?" malambing kong sagot.
"Hayaan mo na si Gilbert na dalhin ako sa hospital. 'Wag ka na munang sumama," nanghihina niyang sinabi.
"But-"
"Please. I don't want you to worry about me. Besides, the hospital here isn't private. Pipila tayo ng mahaba. You'll just get bored and annoyed."
"Hindi ako maiinis kahit gaano pa karaming tao roon-"
"Please..." he whispered.
I sighed and gave up. Besides, mas mapapabilis silang kumilos kung wala ako. I hate crowded hospitals. Madali akong mairita kaya alam kong magiging problema lang ako roon. He has a fever and for sure, he'll be fine the next days once the doctor prescribe him a good medicine.
"Okay, Cullen. I won't go anymore..." I cupped his cheek. "Gilbert, take care of him..."
"Oo naman, Avy."
Binalot kami ng katahimikan buong byahe. Cullen fell asleep on my shoulders and Gilbert remained quiet and serious. Nakatingin na lang ako sa tanawin sa labas.
The van parked in front of the entrance of the inn. Nilingon ko si Cullen para gisingin siya ngunit kusa na siyang bumangon. He looked sleepy and tired as he opened his heavy eyes. Namumutla pa rin at yakap ang sarili.
"Hey, we're here now. Are you sure you don't want me to come with you to the hospital? I will assist you," marahan kong sinabi.
He smiled a bit. "I will be fine. Mabilis lang kami ni Gilbert."
Nilingon ko si Gilbert at nakitang nakaiwas siya ng tingin sa amin. Mula sa rear view ay kita kong nakaigting ang kanyang panga at kunot-noong nakabaling sa labas. I sighed and smiled at Cullen again.
BINABASA MO ANG
The Gift of Tears (Casa Fuego Series #2)
RomansThe socialite Avery Manriquez is bound to marry the son of the head of a syndicate. On her journey to run away from her Father's mess, she was sent to Batanes, an untouched province completely opposite to her lavish city life before. And there... s...