01❤

6 0 0
                                    

Sacrificing is the hardest thing a person can do. Minsan, kailangan piliin ang isa at hayaang masaktan ang isa.

I heard a knock came from my room's door. I opened it and my Mom's smiling face came in the view.

  "Hey baby girl, are you done packing?"

Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makita niya kung gaano ako kahanda. She smile at me and caress my hair.

  "Thanks anak, napasaya mo ang Mama.."

Tumango lang ako. We talked for a while then when Tito arrive, naghanda na ako para sa paghaharap namin ni Zecco. I remember that night how he warned me pero para kay Mama ay handa kong harapin ng impyernong sinasabi niya.

  "Welcome to your new home hija," Tito said.

Nakaakbay si Tito kay Mama na ang kanina pa nakapaskil ang ngiti na hindi mabura-bura sa kanilang mukha kaya naisip ko na tama lang na nagsakripisyo ako para sa kanila. They love each other and that's enough for me.

As soon as I walk inside their house, Zecco's expressionless face welcomed me. He didn't even greet my Mom back and his eyes still on me.

  "Zecco, I hope you take care of your sister-in law.."

  "Yes Pa. Akong bahala sa kapatid ko." sabi niya sa kanyang ama habang hindi inaalis ng kanyang titig sa akin. Iniwas ko ang aking tingin bago hinila ang aking bagahe.

A maid show me my room. Akala ko makakaiwas na ako sa kanya pero pakiramdam ko sinadya niya na pagtabihin ang mga kwarto namin dahil planadong-planado talaga niya ang gagawing pagpapahirap sa akin.

  "You like your room?" he smirk after asking me. I roll my eyes and continue unpacking my things. Nakasandal lang siya sa hamba ng pinto.

  "I'm busy.. leave me alone, Zecco."

  "Talagang gusto mo na gawin kitang kapatid ha?" may bahid na galit ang boses niy. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa kama ko kaya nilingon ko siya.

  "Dahil dapat mong gawin Zecco. Kasal na si Mama at Tito, so act as an older brother to me." madiin kong sabi sa kanya. 

  "Fine. Kung sa bagay, being your fucking step-brother won't stop me from pestering you, so welcome home baby sis.." Lumapit ito at biglang nagnakaw ng halik sa aking labi na ikinagulat ko pero bago pa man ako makareact ay nakalabas na ito ng kwarto.

Arghh!  I'm starting to hate that man!

That night we had our dinner, siyempre kasama ang kumag. Habang nag-uusap ang mag-asawa ay biglang bumaling ang atensyon nila sa amin ni Zecco.

  "Milly, you okay if we're leaving for our honeymoon?"

I nod to my Mom and my eyes met Zecco's. He smiled devilishly and continue eating. Kung alam lang sana ni Mama na delikado na makasama ko sa iisang bahay si Zecco ay malamang di niya ako iiwang mag-isa dito.

  "Iisang school lang kayo anak diba?" Tito Anster ask Zecco. Tumango ang isa kaya parang nakampante si Tito. "Your Tita wants Milly to be safe so I hope you stick to your sister, understand?"

  "She's not my Mom to tell me what to do but it's Milly so...." hindi na nito tinapos ang kanyang sinabi. Tumayo ito ang nilisan ang dining area. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Tito na tila nagtataka pero kalaunan ay isinawalang- bahala na lang.

I saw my Mom's hurt but she manage to smiled at me and her husband. Ako naman ay tumayo upang sundan si Zecco.

Naabutan ko siya sa pool area na naninigarilyo. So he smoke ha?

  "Zecco," I called him pero hindi niya ako nilingon. "You don't need to disrespect my Mom infront of me and your father..."

  "Shut up. Hindi ikaw ang makakapagpigil ng gagawin ko sa Nanay mo."

  "Zecco please,"pakiusap ko. Hinawakan ko siya sa braso na nagpatigil sa kanya sa paninigarilyo. "Nanay ko yun eh, kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako kaya walang pinagkaiba iyon. Ako parin ang sinasaktan mo at hindi ibang tao..."

  "Then what am I going to do?! Let this fucking family work?... What about me? what about us Milly and what about my Mom?" his voice suddenly broke. "Paano pa babalik kung may kapalit na?"

I reach for his face but he stop my hand. He look hurt and sad. I can see through his eyes the longing and love that he needs from me and her Mom.

  "Ikaw---ikaw na lang sana ang natitira but you chose to leave me.." and he left.

Buong magdamag kong inisip ang naging usapan namin ni Zecco. Alam ko lahat ng sakit na naranasan niya sa pamilya niya kaya masakit para sa akin na iwan siya. Yeah I came back in his life but not as his lover, but his sister.

Morning came, naging abala ako sa pagtulong sa paglinis ng bahay. Maagang umalis si Mama at Tito dahil mamimili sila ng mga kakailanganin nila sa kanilang bakasyon.

After taking a bath, naisipan kong magbake. Habang pababa ako ay may mga iilang tinig akong narinig sa baba.

  "Libre mo bro ha?"

  "Oo nga bro, minsan lang naman 'to, kaming bahala sa mga chikababe later, "

Sumilip ako at nakita ang mga kaibigan ni Zecco. They're handsome as always pero Zecco's face is more attractive to me. He's innocent face and devil side caught my attention so much.

  "Oh? Hi there," kumaway sa akin ang medyo singkit ang mata.

Sabay sabay na napunta ang atensyon ng mga kaibigan ni Zecco sa akin at tanging siya lang ang hindi tumingin sa akin.

Ngumiti ako ng tipid at mula sa aking kinatatayuan ay lumabas ako. "Hi," bati ko.

  "Zec, hindi ko alam na may magandang dilag pala na nakatira dito sa inyo." ngumiti siya bago naglahad ng kamay. "I'm Marc, si Rio, Jase and Radd... mga friends ni Zec."

  "Ako si Milly, "sabay tanggap ng kamay niya. Doon nakuha ko ang atensyon ni Zecco. I saw how his eyes look at his friend's hand locked on mine.

One of his friends face a cough. "Milly? Sounds familiar.." The Radd guy said while looking at me. Maybe he knows our past.

  "Shut up Radd." tinapunan ng masamang tingin ni  Zecco ang kanyang kaibigan. Nagkibit-balikat lang ito.

Marc keep on asking me. "So, pinsan ka ni Zec? "

Umiling ako. "Sister-in law ako ni Ecco, "sabi ko na nagpabilog ng kanyang mga mata.

  "So...your the Milly----" naputol ang sana'y sasabihin niya ng may biglang sumigaw at nagtatakbo papalapit kay Zecco.

  "Zecky!!!" a loud voice of a woman echoed the whole house that caught all our attention.

Bigla akong nakaramdam ng pamilyar na sakit na akala ko nakalimutan ko na. She's still beautiful as ever, a woman with class and a woman whose perfect to be Zecco's girl, and it's Daenah---his ex and my bestfriend.

I saw how Zecco's arms snaked around Daenah's waist and when they're about to kiss, i turn my back on them and for the second time, i lose him again.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fire To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon