Chapter 1

421 6 0
                                    

Chapter 1

Para akong tinakasan ng dugo. Pulang pula ang buong mukha ko. Tinapik tapik ko yung pinto kung saan ako nakasandal.

Ilang sandali ay nakatinig na ako ng katok at paniguradong si Aviona na yun.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto. At hindi nga ako nagkamali. Siya nga!

Nakahinga ako ng maluwag. Agad kong kinuha sakanya ang dala niyang paper bag na paniguradong mga damit ko na pamalit ang laman at alam niyo na...for girly thing.

Mabilis akong nagbihis at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung bakit namumula parin ako hanggang ngayun...kanina pa naman nangyari yun.

Actually , medyo napahiya nga ako kanina lalo na't lalaki pa mismo ang nagsabi sakin nun. Pero OVER naman kung hanggang ngayun ay namumula parin ako. Ilang oras narin yung nakalipas.

Ipinilig ko nalang yung ulo ko at lumabas na ng banyo. Bumungad sakin si Aviona na nagpabalik balik sa labas ng pinto.

" Aviona , tinagos lang ako. Hindi ako nanganak. "

" Ba't ang pula pula mo? " may pagkatunong concern yung tanong niya pero kumikislap yung mata niya. " Okay ka lang ba talaga? Namumula ka e. " hinawakan niya ang noo ko.

Na para bang tinutukso niya ako. Tinabig ko yung kamay niya at inirapan siya. Tumawa siya at inilahad yung kamay niya. Napakunot ako ng noo.

" Akin na? "

" Ang alin? "

" Yung hawak mo. "

Napatingin ako sa hawak ko. Napakunot ako ng noo at inilayo ito sa kanya.

Ngumisi siya.

" Halaka?! Ba't parang ayaw mong bitawan? " ito na naman , tinutukso niya na naman ako. Inirapan ko lang siya at nilagpasan.

Pero hanggang sa paglalakad nagpatuloy parin siya sa pangungulit sakin. Pakiramdam ko namumula na yung tagiliran ko dahil sa kurot niya.

" Aviona , can you please stop? " mababa lang yung boses ko. Kasi kapag nakikita niyang naiinis ako mas lalo niya akong tinutukso.

"Namumula ka talaga e.  Magpatingin ka na kaya? Baka magkakalove life ka na niyan! " tumawa siya. Ang boses na rinig hanggang sa kabilang isla.

" Lovelife your face! Hindi ko 'to pwedeng ibigay sa 'yOh?  Isusuli ko 'to! "

Nagpabalik balik siya ng tingin sakin at sa jacket na hawak ko. Atsaka tumango tango at nagngingiti na parang baliw.

" Oh? Sige nga? Pano mo yan masusuli? " paghamon niya.

Nagkibit balikat ako.

" Akin na nga! " bigla niya itong inagaw sa kamay ko. Kukunin ko ulit sana 'yun sa kanya pero inilayo niya yun at hinalukay. Isa isa niyang binuksan ang mga bulsa. Ngunit walang laman lahat ng yun.

" Akin na! " kinuha ko ito sa kanya.

" Sandali! Sandali lang? " tumigil ako. Ibinaliktad niya yung jacket. " May pangalan! T-R-A-V-I-S. Ay! Bongga yung name gurl?! Pang ricccchh? "

Umirap ako. " Paki ko naman. "

Kumunot ang noo niya.

" Kilala mo ba yun? "

" Hindi." Mabilis kong sagot.

" Bakit parang galit ka sakanya? Parang kilala mo na siya? Oy! Ex mo siguro noh? " napabuntong hininga ako at tinignan siya ng walang gana.

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now