Chapter 9

144 6 0
                                    

Chapter 9

Lumapit sakin si Cathlea at inilahad ang kanyang kamay. Sumunod naman si Travis sa kanyang likod. Ngumiti lang sakin si Travis to assure me. Nang bumaling ako kay Cath malapad yung kanyang ngiti. Pero hindi yun umabot hanggang mata niya. Di nakawala sakin ang pagtaas niya ng kilay at palihim niyang pag irap.

Pinagmasdan ko pa siyang matagal bago ngumisi at tinanggap ang kanyang kamay. Nagkatinginan ang aming mga mata. Ngunit matalim ang titig niya sakin habang nakangiti.

Unang kita ko palang sa kanya alam ko na. Ang mga tingin niya kay Travis. Ang pagkapit niya sa braso nito. She likes him!

" Cathlea."

Ngumiti rin ako. " Sheila. "

Kung pakikipagplastikan ang hanap niya? Pwes.. Ibibigay ko yun sa kanya! I'm not born to be weak. Hindi niya ba alam na anak ako ni Galema ang anak ni Zuma. Ang babaeng ahas?

Oh..please.. Tahimik lang ako pero wag mo akong susubukan baka lumabas ang totoong kulay ko.

Siya ang unang nagbitaw at kumapit agad sa braso ng asawa ko. Sinundan ko lang ng tingin ang linta niyang kamay. At wala sa sariling napairap.

Ambisyosa! Kala mo sinong maganda... Kapal ng make up kala mo clown. Tawagin ko nalang kaya siyang ' PULBOS GIRL' . Ang galing mo shei? Pano mo naisip yun?

Nagmagdinner na ay panay ang subo niya kay Travis. Hindi parin naalis ang braso niya sa braso nito. Habang ako'y nasa harapan lang nila at nakatingin sa kanila.

Sumulyap siya sakin at ngumisi. Biglang kumulo yung dugo ko. Uminom ako ng tubig at kinalma yung sarili ko.

Relax ka lang shei.. Baka mapatay mo siya. Anak ka ni Galema.. Remember?

Nang makita ni Travis na kunti lang ang laman ng plato ko ay nilagyan niya ako ng ulam at maraming kanin. Napatingin ako kay pulbos girl. Tumalim ang titig niya sakin. Kita ko ang pamumula ng kanyang dalawang tenga.

Hindi rin siya nagpahuli. Kumuha rin siya ng ulam at nilagay sa plato ni Travis.

Ngumisi siya sakin. Umiling ako. Iba talaga pag linta!

" Hindi mo naman sinabi sakin.. Ang bait pala at sobrang sweet ng kapatid mo? Ang saya niyong panuoring magkapatid.." ngiting sabi ko at sumulyap sa katabi niya. Umasim naman ang itsura nito.

Ngumiti lang sakin si Travis at dinagdagan pa ang ulam. Ngunit hindi rin siya makakuha ng maayos dahil nakakapit pa sa braso niya ang linta!

" Travs , pakilagyan rin ako please..." malambing niyang sabi dito. Napabuntong hininga si Travis at nilagyan rin siya.

" Pwede ba Cath? Pakitanggal ng braso mo? Nasa harap tayo ng pagkain.." mariing sabi ni Travis ng hindi makapagpigil.

Halos matawa ako sa itsura niya. Pulang pula ng buong mukha niya sa kahihiyan. Deserves you right? Kapatid ka lang... Asawa ako? Aangal ka?

" Why are you so silent? Are you mad? " tanong ni Travis ng mapuna ang katahimikan ko pagpasok namin sa kwarto.

Tinitigan ko lang siya at umiling. Pero imbis na mapanatag ay nakita ko pa sa mukha niya ang pag aalala. Iniwan niya ang laptop niya. Naglakad palapit sakin. Umupo sa dulo ng kama.

" What's wrong ? Tell me... Ayaw mo bang nandito siya? I can send her to-, "

" Hindi okay lang! Hindi naman yun. May iniisip lang ako. "

" So , what's on your mind ? Tell me.."

Umiling lang ako. " Wala. Wala yun. Matutulog na ako. "

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now