chapter 24

133 8 1
                                    

Chapter 24

" Sheila! Ano ba?! Umuulan at madulas ang kalsada baka ano pa mangyari satin sa daan?" Napapikit ako at napatigil pero pinagpatuloy parin ang pag iimpake.

"Sheila ? Nakikinig ka ba?--, "

Napapikit ako. "Aviona ... If you don't want to come with me , just shut up. If you want stay here , I don't care anymore. The important thing for me right now is my ring. Hindi ko pwedeng mawala yun !" My voice crack in the end.

I feel despirate right now , na kahit bagyo man ay lulusubin ko mahanap ko lang yung singsing. I really can't lost it. Paulit ulit ko nire- replay sa isip ko kung saan ko nga ba nawala yun? Kung saan ako nga ba huling pumunta? O sino ang huling kasama ko.

May isang taong sumasagi sa isip ko pero hindi pwede yun. Hindi. Malabo at hindi dapat. Ikababagsak ko at baka bumalik ulit ako sa umpisa.

Kaya kailangan kong umuwi para mapatunayang hindi tama yung hinala ko at doon lang ako makakahinga ng maluwag.

" Sheila..." tawag sakin ni aviona. Halos bulong nalang yun. Tila nawawalan narin siya ng lakas para pilitin pa akong manatili.

" It's okay , Aviona . You can stay here. Hindi mo pwedeng iwanan ang boyfriend mo dito. It's rude since siya ang nagyaya satin dito.."

"Pero sheila?--, " sinara ko na ang zipper ng maleta ko. Tumayo ako at tinapik ang balikat niya.

" Magkita nalang tayo sa maynila."

Tumingin siya sakin nagdadalawang isip. Pero ngumiti lang ako para ipakitang okay lang ako. Pwede siyang manatili dito.

Bumuntong hininga siya.

" Mag ingat ka." Ngumiti ako at tumango.



" Hindi po kayo pwedeng dumaan dito mam. Palakas po ang agos ng baha at pwede pong maanod yung sasakyan niyo papunta sa dagat."

" Saan pa po ba pwedeng dumaan kuya..."

" Suggest ko po sainyo mam. Magpabook nalang po kayo sa hotel diyan sa malapit , delikado po ngayun at malakas ang ulan. Marami ring puno ang natumba sa kabilang daan. Baka abutin kayo hanggang gabi pag tinuloy niyo po ang byahe niyo mam.."

Napapikit ako.

" Saan po ang kabilang daan, kuya?" despiradong tanong ko. Napailing nalang silang dalawa sakin.

"Ay p*cha!"

" Sheila , Ano ba ang hinahanap mo? Ba't basang basa ka?"

"Nana luz,  nakita niyo po ba yung singsing ko?" Tanong ko na parang naiiyak na.

Not now please...

"Hindi eh,  saan mo ba nilagay?"

"Hindi ko po alam..."

Napatulala ako sa kawalan. Nilibot ko ang paningin ko sa magulo kong kwarto. Bawat sulok ay hinukay ko na ngunit hindi ko talaga mahanap ang dalawa kong sing sing.



Nanghihinang napahiga ako at napatulala sa ceiling.


I feel so empty.


Parang ang laking espasyo ang kulang.  Na parang napakalaking bagay sakin yun  nawalan. To think of it , wala na dapat akong pakialam kahit mawala pa yun.

Hindi niya na naman ako naaalala.

Nakatulog ako nung gabing yun. Nagising nalang ako kinabukasan hindi ko na alam kung pano sisimulan yung araw ko. Mugto yung mata ko at sabog ang buhok. Ilang oras pa akong nakatulala sa bintana. Iniisip kung ano ang mga gagawin sa araw na ito o ano ang dapat uunahin.


Gusto kong hanapin yung singsing.


Pero pano?

No matter how despirate i am. Alam ko namang malabo ng makita ko pa yun.

So? Pano ko nga ba sisimulan ang araw ko?

Birthday na pala ni gin bukas. Wala na naman akong iisipng gift sakanya since nandyan nanaman si Mhelanie.


I smirked.


"Sheila! May bisita ka!" sigaw ni nanaluz mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Napakunot ako ng noo. "Sino naman bibisita sakin ng ganito kaaga?"


Tamad na bumangon ako at bumaba. Napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang bisita ko.


"Let's date."



"Travis?"


"What the hell are you doing here? Wala ako sa mood."


"I'm not asking you, napagpaalam na kita kay nana luz , magbihis ka na. I'll wait for you here.." Hindi niya na ako hinayaan makapagsalita at bumalik na sakanyang inuupuan kanina.

"No."


He smirked.

"Magbibihis ka? o makikipagdate ka saking nakapajama?" Tanong niya halatang pinipigilan ang ngiti sa kanyang labi.


Ngumisi rin ako ng may maisip.

"Date ? So , saan hotel tayo? "

Napakunot siya ng noo. Halatang hindi agad nahulaan ang mga sinabi ko. His eyes turns into daggers halatang hindi nagustuhan iyun.


"Date , sheila. What the hell are you thinking?" Napailing ako.


Lumapit ako sakanya. Malapit na malapit at ngayun ay wala ng espasyo sa pagitan namin. Ngayun ay nakatingala na siya sakin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kaunting paggalaw ng kanyang panga.

He's really good. He moved his jaw in his sexies that can make you drown. I curse softly. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.

Hinawakan ko ang ilalim ng kanyang panga. Yumuko ako .


"Do you miss me , baby?" I asked softly almost a whispered.

Napapikit siya at napailing. Halatang dismayado. Lumayo na ako sa kanya.

"Date nga sheila." Mariing sabi niya ngunit unti unti ring napangisi. "But 'Yes' I miss you , baby..."


Napaiwas ako ng tingin.










The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now