chapter 21

153 9 0
                                    

chapter 21

Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako. Doon lang ako nagising sa pagkatulala.

Omigod.

Aviona is here! She's f*cking in the philippines!

Mabilis siyang kumalas at hinarap ako. Masama ang kanyang tingin na parang nagtatampo.

"Gaga ka! Magkasama pala kayo ni Travis dito? Kung hindi ako sumama sa boyfriend ko dito sa pilipinas at hindi ko makikita mukha na nasa Ads. Kaya pumunta ako dito para tanungin siya kung nasan ka. Dahil imposibleng di niya alam dahil asawa ka niya. Nagsisigaw pa ako sa labas dahil ayaw pa akong pasukin ng guard buti tinulungan ako ng gwapong lalaki kanina." Nakapameywang na hinarap niya ako

" Ba't di ka nagpaalam nung umalis ka? Bigla ka nalang nawala? Pumunta pa noon si Jayson sa apartment at hinanap ka. Bigla ring nawala si Travis. Nag away ba kayo? Kaya sinundan ka niya dito?" Napaawang ang labi ko sa sunod sunod niyang tanong. Bumuka yung labi ko at walang makapa na salita.

Mas lalong nanginig ang tuhod ko ng makita na si Travis papalapit. Nakaakbay sa kanya si Cavley. Ang mukha niya'y nakasimangot habang tinukso ni Cavley.

"Sheila! Sagutin mo ako!" Hindi parin ako makapagsalita. Napakunot siya ng noo at sinundan ang aking tingin. Napaawang ang labi niya habang nakatingin sa lalaking paparating. Agad siyang kumaway. Nagpanic ako.

"Hey! Travis---, " tinakpan ko ang bunganga niya at bago pa siya makita ni Travis ay hinila ko na siya palabas. Binuksan ang aking van at itinulak siya sa loob.

" Grabe ka naman makatulak!" reklamo niya ng makaupo na ako sa driver seat. Napapikit ako dahil doon lang ako nakahingang maluwag. Ngunit mabilis parin ang kabog ng dibdib ko. Nanginginig parin ang mga tuhod ko pati palad ko ay pawisan narin.

" Saan tayo pupunta? Iiwan mo ang asawa mo dun?" tanong niya habang nagmamaneho ako.

"Shut.up."

"Hala? Ba't ang harsh mo na? Buntis ka siguro noh? Oy! Kamusta may anak na kayo?"

Napailing ako at di siya sinagot hanggang makarating kami ng bahay ko. Manghang nilibot niya ang kanyang paningin ng makarating kami sa loob. Isa isa niya pang tinitigan ang mga painting at mga litrato.

"Ganda naman ng bahay niyo! Ang laki! Wow.." Napabuntong hininga ako.

Hindi niya pala alam ang lahat. Dumiretso ako ng kusina upang uminom ng tubig. Sumunod naman siya sakin. Dumiretso sa ref at kumuha ng ilang chocolates.

"Pahingi ah."

" Aviona.." tawag ko sa kanya upang makuha ang atensyon niya dahil hanggang ngayun ay manghang mangha parin siya saking bahay.

Itinuro niya ang sala. "Bakit wala kayong litrato ni Travis dun? Nasa kwarto niyo? Nagpakasal ba ulit kayo? Ilan na ang anak niyo?" Napakagat ako ng ibabang labi dahil di ko alam kung pano sisimulan.

" Walang kami."

"Joke yun?" Umiling ako.

Kumunot ang kanyang noo. "Pano nangyari yun e magkasama kayo sa isang--, "

"Wala siyang maalala." Napaawang ang labi niya.

"Walang maalala? As in Amnesia?"

"Anong nangyari?"

"I cheat on him."

Bumagsak ang panga niya. "What the hell?" Napabuntong hininga ako at nagsimula ng magkwento. Simula umpisa at bawat detalye.

Seryuso naman siyang nakinig sakin.

" Jayson Fooled you! Pinagtulungan ka lang ng mga tita niya! Wala kang kasalanan hindi ka nagcheat. Niloko ka nila. Pinagkaisahan. Ba't di mo ako pinuntahan atsaka yung picture na naghahalikan kayo. Hindi ba nakita ang pagtulak mo kay Jayson?" Umiling ako.

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now