Masaya ang lahat sa wedding reception habang nagseserve kami ng drinks and desserts sa mga bisita nang biglang may narinig kaming nabasag na baso.
"Hindi! Bitawan nyo nga ako! Jason! Ano ba?! Babe!." Lumapit dun sa bisitang nagwawala ang groom.
"Ano ba Dana? Napag-usapan na natin to diba?." Medyo galit na sabi ng groom sa girl. Malaking eskandalo to. Pinag-uusapan na sila ng mga tao at ang bride gulong gulo parin sa mga nangyayari, kaming lahat actually.
"Pero mahal parin kitaaa. Ako dapat yan eh--" iyak nung babae while cupping the groom's face. Hmm.
"Lasing ka na. Guards, ilabas nyo na nga to!." Galit na sabi ng groom at nag-apologize sa mga guests. At ayun kinaladkad na nga palabas ang girl. Mukha kasing napakadesperada nya. Sa tingin ko ex ng groom yung girl pero di parin nito matanggap na wala sila at ikinasal sa iba yung lalaki. And this is why inviting your ex on your wedding is a terrible idea.
Tumayo nako sa gilid katabi ng katrabaho kong si Ella.
"Ex daw yun ng groom. Kaya lang di parin makaget over eh. Hindi ko alam kung maiinis bako o maaawa na sinira nya ang mahalagang okasyong ito para sa taong mahal niya. Ang alam ko lang ay maling ginawa niya yun sa harap ng maraming tao." Sabi ni Ella.
"Buhay nila yan at di tayo dapat nakikialam. Sya nga pala, susunduin ka ba ngayon ng jowa mo?."
"Oo. Sumabay ka na samin ah." Ang swerte talaga ni Ella sa boyfriend niya kasi maliban sa gwapo, mabait pa at responsible. Swerte sila sa isa't isa.
"S-sige."
FF
Tapos na ang event. Andito na kami ngayon sa labas ng events building. Nauna nang umalis yung iba naming mga kasamahan sa catering service, hinihintay nalang namin si Gabo.
Naghihintay na kami nang,
"Diba yun yung babae kanina sa reception?." Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Oo nga, yung babae kanina. Nakatulog na siya sa gilid ng kalsada.
"Tara, tulungan natin." Sabi ni Ella.
"Gaga. Hindi naman natin yan kilala. Hayaan mo siya."
"Kawawa naman kasi siya Jem. Baka mapano siya. Marami pa namang masasamang loob ngayon na pagalagala. Baka magahasa siya o ano."
"Siguro naman may kaibigan yan na susundo sa kanya. Oh andyan na sundo natin--"
"Kanina pa ba kayo?." Tanong ni Gabo.
"Hindi naman."
"Love, halika tulungan natin yung babae." Ayan na naman si Ella.
"Sure love." Kaya ayun sinama na namin sa kotse ang babae. Katabi ko ngayon ang babae sa likod. Tsk. Ngayon nakadagan pa ang ulo niya sa balikat ko kaya bahagya ko siyang tinulak palayo. Pinakaayaw ko pa naman ang amoy ng alak. Sobrang lakas ng ulan sa labas, kumukulog at kumikidlat pa.
"So, anong plano nyo dito?." Tanong ko sa couple.
"Mag-isa ka lang naman sa apartment mo diba? Baka pwede dun na muna sya magpalipas ng gabi." Sabi ni Ella.
"Ano?! T-teka lang, bakit sakin?. Diba idea mo tong dalhin siya? At saka tong ginagawa natin kidnapping to, pwede tayong makulong pag nagkataon."
"Masikip na kasi sa bahay eh. Nasamin kasi ngayon yung mga pinsan kong galing probinsya. Sige na Jem please. Nakakaawa naman kasi siya eh."
"Haaayst. May choice pa ba ako?."
Tinulungan nila akong dalhin hanggang kwarto ko ang babae at ihiniga na sa kama. Nagpaalam na ang dalawa at eto ako ngayon, iniisip kung anong gagawin. Tsk.
YOU ARE READING
THE BRUAL EFFECT
FanfictionDana struggles with the idea that her boyfriend married someone else. Because of the embarrassing scene she did in his wedding reception, she decided to run away from home and stay with a stranger. Little did she know that this stranger will change...