Dana's POV
Nagising ako sa isang unfamiliar room. Asan ako?. Sobrang sakit ng ulo ko. Nagulat ako nang may biglang pumasok na babae na hindi ko kilala. Parang kakatapos niya lang maligo at magbibihis na siya ngayon.
"Gising ka na pala. May kape dun sa kusina, 3 in 1 lang meron eh--" na parang labag sa loob niya na andito ako.
"Sino ka? Asan ako? Pano ako napunta dito?."
"Nakita ka naming natutulog sa gilid ng daan kagabi sa sobrang kalasingan."
"So, dinala moko dito sa bahay mo?."
"Apartment. Ayoko naman talaga eh. Yung kaibigan ko lang talaga nag-insist. Baka kasi anong mangyari sayo dun pag hinayaan ka lang namin."
"Teka--yung damit ko?."
"Nasa labas nakasampay. Nilabhan ko na.." So sa kanya tong baggy shirt and short shorts na suot ko?.
"..binihisan narin kita." Wala namang problema sakin yun kasi pareho naman kaming babae. Tapos na siyang magbihis. Nakasuot siya ngayon ng uniform na parang pang waitress.
"T-thank you."
"Anong oras ka ba aalis?."
Napaisip ako. Dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi, ano pang mukhang ihaharap ko sa family ko?. Wala nakong ibang binigay sa kanila kundi sakit ng ulo. Kaya,
"P-pwede bang dito muna ako?."
"Ano?!. Anong dito ka nalang?. Hindi pwede. Umuwi ka sa inyo, may bahay ka naman siguro diba?."
"Wala."
"Anong wala?. Imposibleng wala kasi--"
"Simula nung sumama ako kay Jason itinakwil nako ng pamilya ko. Kina Jason nako nakatira kaya lang eto nangyari. Iniwan nya ko para sa ibang babae, at ngayon wala nakong ibang mapuntahan. Nahihiya narin kasi akong lumapit sa mga kaibigan ko--" Pagsisinungaling ko.
"At sakin hindi? Tsk. Ibang klase ka rin ah. So, ano? Palalamunin pa kita?."
"Don't worry. Maghahanap ako ng pwedeng pasukan na trabaho. Basta patirahin mo lang ako dito. Please--"
Napaisip siya.
"Sige. Basta dapat hati tayo sa lahat ng gastusin dito."
"Thank you!." Yakap ko sa kanya. Tinulak nya naman ako ng bahagya.
"Ano ba? Close ba tayo ha? Tsk. Wag mo nga akong hahawakan. Saka yung damit at ibang mga gamit mo--"
"Asan ba ang wallet ko?."
"Ayan."
"May natira pa naman akong konting pera. Pwede bang ikaw nalang bumili ng lahat ng kakailanganin ko dito?. Samahan mo nalang rin ng pagkain natin." Abot ko sa wallet ko na nasa side table, katabi nun ang phone ko na kagabi pang lowbat.
Tiningnan niya ang laman, at napadilat siya.
"Bakit? Kulang ba?. Pasensya ka na ah. Konti lang kasi talaga dinadala ko."
"K-konti pato sayo? Eh pang ilang buwang renta nato eh."
"Uhm isama mo narin pala yung bayad ko sa pagtira dito."
"Sige sige. Basta ako nang bahala sa lahat. Hmm Dana Brual." Tingin niya sa driver's license ko.
"May sasakyan ka pala. So, ibig sabihin mayaman kayo."
YOU ARE READING
THE BRUAL EFFECT
FanfictionDana struggles with the idea that her boyfriend married someone else. Because of the embarrassing scene she did in his wedding reception, she decided to run away from home and stay with a stranger. Little did she know that this stranger will change...