Chapter 8

319 21 1
                                    

Jem's POV

PRESENT

Sa office.

"Anong nangyari?." Tanong ng officemate kong si Ice.

"They're back to strangers."

"Teka, so di rin sila nagkatuluyan nung kapatid nung girl ate?."

"Nope."

"So, how did the story end?."

"They died."

"Huh? Pa-pano?."

"Plane crash. Nung pauwi na sila."

"Yun na yun?."

"Yun na yun."

"Ang panget naman ng storyang yan."

"But it sold out 2 million copies nationwide."

"Wala po bang sequel?."

"Eh pano naman magkakasequel eh patay na nga sila?."

"Edi gawan mo po ng paraan. Buhayin mo sila. Make them end up together."

"May mga bagay na hanggang dun lang talaga Ice. Hindi lahat ng bida nagkakatuluyan."

Oh Ma'am Dana's here. She's our boss. Sobrang ganda niya, kaya lang medyo suplada. As in bruha talaga. Actually, siya yung inspiration ko for the book I wrote. But instead of using Ms. Dana Brual's name, I used Diana Borja. So, it's called The Borja Effect.

"Oras ng trabaho nagchichismisan kayo. Go back to work. And Miss Caldejon, come with me in my office."

"N-ngayon napo ma'am?."

"Now!." At ayun, sumunod nako sa kanya sa office nya.

"Didiretsohin na kita. Sobra sobrang bash na ang nakukuha ng publishing company natin dahil dyan sa lecheng librong pinublish mo. As your boss, I take the responsibility because I gave you the approval without actually reading the book. But of course, we can't just stop right there because this is a big deal, we can lose investors pag nagkataon. So I need plan B."

"P-po? Ano pong plan B?."

"Write a sequel."

"P-pero pano po ma'am? Pano magkakaroon ng sequel kung patay napo ang bida?."

"Edi mag-isip ka ng paraan. You started this problem, so find a way to end this. Ano? Magsusulat ka na ba ng Sequel o hindi?."

"O-opo. Gagawan ko nalang po ng paraan."

"Good. Then it's really nice working with you Miss Caldejon." She said shaking my hand.

Paglabas ko lumapit agad sakin si Sheki.

"Anong nangyari?. Pinagalitan ka?."

"Pinayuhan lang."

"Malamang, kasi di naman yun nagagalit sayo eh."

"Huh?."

"Eh kasi simula nung napunta ka dito hindi ka pa niya nasesermonan ng sobra. Di gaya samin, ipinapamukha niya lagi kung gaano kami katanga."

"Ayusin nyo kasi ang trabaho nyo."

"Inaayos naman namin, talagang demonyita yang Dana na yan tsk. Walang ibang nakikita kundi ang mga mali ng ibang tao."

THE BRUAL EFFECTWhere stories live. Discover now