Chapter 5

249 22 0
                                    

Jem's POV

Nakatayo lang ako sa gilid para hintayin ang customers na kumain.

"Tulaley tayo ngayon ah. Anong meron?." Sulpot ni Ecka.

"Wala."

"Mukha kayang malalim iniisip mo. Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Daniel?."

"H-hindi. Hindi."

"Hmm. May iba ka no?."

"Huh? W-wala ah."

"Ba't ka nauutal?. Ikaw ha. Naku, bad yan girl. Ngayon palang itigil mo na."

"Wala nga akong iba."

"Sure ka?. Kasi alam ko yang mukhang yan. Yan din yung mukha mo nung pinipigilan mong mahulog kay JoJo dati. Kilala kita kaya don't you dare deny it."

"Wala ngaaa. Para namang ewan to oh. At saka loyal ako kay Dane no. Imposible."

"Well, walang imposible sa mundo lalo na pagdating sa pag-ibig. Kahit na ipilit mong pigilan, pag natamaan ka tatamaan ka talaga. Sya nga pala, sino yung magandang customer na kausap mo?."

"Huh? Alin dun?."

"Nung last week. Yung nagtake out ng lunch for you." Ah si Dana. Si Dana na Dana mawala sa isip ko. Tsk corny.

"B-bakit?."

"Anong bakit? Bet ka ba nun? Ba't ka binilhan ng lunch?."
Ako? Bet ni Dana?.

"Ah kaibigan ko. Magkasama kami dun sa bago kong nilipatan na apartment."

"Iba din. Live in haha."

"Sira haha."

"Nahuhulog ka na ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan ngayon?."

"Anong nagkakaganyan? Ako parin naman to ah--"

"Oo ngaaa. Pero parang wala ka sa sarili. Alam mo, you can tell me anything girl."

"Wala akong gusto sa kanya. Ikaw talaga kung ano anong naiisip mo. May boyfriend nga ako diba?. Oh ayun, tapos na sila. Ligpitin na natin. Work muna bago chismis."

Pero nakakabother naman kasi talaga. Ano ba talagang nangyayari sakin? Why can't I stop thinking about her?.

..

Dana's POV

My mom's here.

"Dana."

"Anong ginagawa nyo dito?."

"Umuwi ka na."

"Tapos ano? Sisisihin nyo ko sa kahihiyang kinakaharap nyo dahil sa ginawa ko sa reception ni Jason? Ma pag-iinitan na naman ako ni Daddy. Ipapamukha niya lang sakin kung gaano ako kawalang kwentang anak--"

"May dapat kang malaman."

"..."

"Patay na ang Daddy mo. Ang totoo mong ama. Kahapon lang namin nalaman." My dad now is my stepdad kaya ang dala kong apilido ay apilido ng mommy ko. Wala silang anak kaya wala akong kapatid.

"Pasasaan pa? Hindi naman siya naging ama sakin eh. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan at apilido niya."

"You need to see him. Kahit man lang sa libing niya. Saka yung kapatid mo. Gusto ka na niyang makilala. Sige na anak--"

THE BRUAL EFFECTWhere stories live. Discover now